13/10/2026
๐๐๐ง๐๐ ๐ฌ๐ ๐ก๐๐ฆ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐ฅ ๐๐ขรฑ๐จ: ๐๐๐
๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ค๐ง๐จ๐ฅ๐จ๐ก๐ข๐ฒ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐๐ข๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ ๐ฎ๐ซ๐๐๐จ
Sa gitna ng matinding init ng panahon at posibilidad ng kakulangan sa suplay ng tubig, hindi lamang sapat na suplay ng tubig ang dapat pagtuunan ng pansin, kundi pati ang kaligtasan nito para sa pang-araw-araw na konsumo. Ayon sa DOSTโPAGASA, inaasahang lalakas ang umiiral na El Niรฑo at maaari itong maging Very Strong El Niรฑo sa pagitan ng Setyembre at Disyembre 2026, na posibleng magpatuloy hanggang sa unang semestre ng 2027.
Sa ganitong sitwasyon, mahalagang magkaroon ng mga teknolohiyang makatutulong sa pagproseso ng tubig mula sa mga alternatibong pinagkukunan upang maging angkop ito sa pag-inom.
Dito pumapasok ang SAFEWATRS, mobile water disinfection system, isang teknolohiyang binuo ng Department of Science and TechnologyโIndustrial Technology Development Institute (DOST-ITDI). Isa itong compact at mobile na sistema ng pagproseso at pagdidisimpekta ng tubig na pinatatakbo gamit ang solar energy.
Kayang magproseso ng SAFEWATRS ng hanggang 2,000 litro ng tubig sa loob ng siyam (9) na oras ng operasyon. Maaari itong gamitin sa pagproseso ng tubig-alat, tubig-ulan, tubig mula sa bukal, at tubig mula sa lawa. Batay sa inilathalang impormasyon ng DOST-ITDI, nakapagproseso ang sistema ng tubig na pumapasa sa mga itinakdang mandatoryong parameter ng Philippine National Standards for Drinking Water (PNSDW) of 2017.
Sa Rehiyon I, apat (4) na komunidad na ang napagkalooban ng SAFEWATRS: Barangay Nagbettedan sa Santo Domingo, Ilocos Sur na nagsisilbi sa 180 kabahayan; Barangay Luna Weste sa Umingan, Pangasinan na tinatayang 200 residente naman ang nakikinabang sa yunit; Barangay Narvacan sa Santo Tomas, La Union; at Barangay Maliclico sa Sudipen, La Union.
Gayunman, hindi nangangahulugang napapalitan na ng SAFEWATRS ang lahat ng pinagkukunan ng tubig. Nakasalalay pa rin ang paggamit nito sa pagkakaroon ng angkop na mapagkukunan, wastong operasyon at maintenance, at pagsusuri sa kalidad ng tubig alinsunod sa mga pamantayan sa kaligtasan.
Sa harap ng mas matinding hamon sa suplay ng tubig, ang mga teknolohiyang tulad ng SAFEWATRS ay maaaring maging bahagi ng mas malawak na paghahanda ng mga pamayanan. Dahil sa agham at inobasyon, may mga paraan upang gawing mas handa ang mga komunidad sa pagharap sa kakulangan ng tubig at sa mga hamong dulot ng nagbabagong klima.
Agham, teknolohiya, at inobasyon para sa mas ligtas na tubig, mas handang pamayanan, at mas matatag na kinabukasan!