Odiongan Rural Health Unit

Odiongan Rural Health Unit Official page of Odiongan Rural Health Unit (Municipal Health Office)

24/08/2026

May mensahe si Anne Curtis , UNICEF Philippines National Ambassador, sa kanyang kapwa magulang.

Nagpapatuloy ang banta ng mga sakit tulad ng tigdas at rubella. Pero maaari natin itong iwasan. Pabakunahan ang inyong mga anak para sila ay lumaking malusog, masaya, at ligtas laban sa mga sakit na ito.

Pumunta sa pinakamalapit na health center o vaccination site sa inyong lugar hanggang August 28 para sa LIGTAS, MABISA, at LIBRE na bakuna laban sa tigdas at rubella.

18/08/2026

๐Ÿ’—๐Ÿ’‰ ISANG NANAY, ISANG DESISYON, ISANG HAKBANG PARA SA KALIGTASAN.

Mula sa Brgy. Pato-o, Odiongan, ibinahagi ni Chella Venus ang kanyang karanasan bilang isang ina at ang kanyang desisyon na protektahan ang kanyang anak laban sa measles at rubella.

Pero ano nga ba ang naging dahilan niya para magpabakuna? ๐Ÿค”

๐ŸŽฅ Panoorin ang kanyang sagot at pakinggan ang mensaheng hatid niya para sa kapwa magulang.

Dahil sa likod ng bawat bakuna, may isang magulang na nagsasabing:
โ€œPara sa anak ko, pipiliin ko ang proteksyon.โ€ โค๏ธ

๐Œ๐‘-๐’๐ˆ๐€ ๐‚๐€๐Œ๐๐€๐ˆ๐†๐ ๐‹๐€๐”๐๐‚๐‡๐ˆ๐๐† ๐Ÿ’‰๐ŸฅODIONGAN, ROMBLON โ€” Pormal nang inilunsad sa Bayan ng Odiongan ang Measles-Rubella Supplemen...
13/08/2026

๐Œ๐‘-๐’๐ˆ๐€ ๐‚๐€๐Œ๐๐€๐ˆ๐†๐ ๐‹๐€๐”๐๐‚๐‡๐ˆ๐๐† ๐Ÿ’‰๐Ÿฅ

ODIONGAN, ROMBLON โ€” Pormal nang inilunsad sa Bayan ng Odiongan ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) Campaign Launching, sa pakikipagtulungan ng Odiongan Rural Health Unit, Provincial DOH Office-Romblon, Barangay Budiong Elected Officials, Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Child Development Workers (CDWs).

Mainit na binuksan ang programa sa pamamagitan ng Welcome Remarks mula kay Hon. Judy Formilos, Barangay Captain ng Barangay Budiong, kung saan ipinaabot niya ang buong suporta ng barangay sa pampublikong inisyatibang ito para sa kalusugan ng kabataan.

Kasunod nito, nagbigay ng mensahe ng pakikiisa si Hon. Joel Falogme, SB Chairman Committee on Health and Sanitation, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan at ng sektor ng kalusugan upang masigurong ligtas ang bawat pamilyang Odionganon laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

Naghatid naman ng sigla at tuwa sa pagtitipon ang isang special intermission number mula sa mga mag-aaral ng Budiong Child Development Center.

Ipinaabot din ni Dr. Gaudencio Formadero, Municipal Health Officer ng Odiongan Rural Health Unit, ang kanyang mahalagang mensahe ukol sa layunin ng kampanya at ang kahalagahan ng pagpapabakuna sa mga bata sa tamang edad. Sinundan ito ng mensahe ng suporta mula kay Ms. Rio Faeldan, RN, Development Management Officer IV ng Provincial DOH Office - Romblon, na nagpatibay sa ugnayan ng pambansa at lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng immunization program.

Tampok sa naturang aktibidad ang ginanap na sabayang pagbabakuna, na personal na pinangunahan nina Dr. Gaudencio Formadero, Dr. Franciz Lianne Ramos, at Dr. Jonathan Maglaya.

Matapos ang pormal na paglulunsad, agad na isinagawa ang pagbabakuna sa mga target na bata sa Barangay Budiong na may edad 6 na buwan hanggang 59 na buwan (below 5 years old) upang matiyak na protektado sila laban sa tigdas at rubella.

Patuloy na nag-aanyaya ang Odiongan RHU at ang LGU Odiongan sa lahat ng mga magulang na suportahan ang MR-SIA campaign at pabakunahan ang kanilang mga anak sa kani-kanilang mga barangay.




10/08/2026

๐Ž๐ƒ๐ˆ๐Ž๐๐†๐€๐ ๐‘๐‡๐”, ๐๐€๐๐€๐–๐€๐†๐€๐ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐Ž๐ƒ๐ˆ๐Ž๐๐†๐€๐๐Ž๐ ๐๐€ ๐’๐”๐๐Ž๐‘๐“๐€๐‡๐€๐ ๐€๐๐† ๐Œ๐‘-๐’๐ˆ๐€ ๐•๐€๐‚๐‚๐ˆ๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐‚๐€๐Œ๐๐€๐ˆ๐†๐

ODIONGAN, ROMBLON โ€” Kasabay ng opisyal na paglulunsad ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) ngayong linggo, nagpaabot ng mariing mensahe ng suporta at panghihikayat ang Odiongan Rural Health Unit (RHU) sa lahat ng mga magulang at pamilyang Odionganon.

Sa ginanap na Flag Raising Ceremony sa Munisipyo ng Odiongan, pormal na inihayag ng Odiongan RHU, sa pamamagitan ng kinatawan na si Mr. Jason Macalisang, PHN I ang kahalagahan ng bakuna sa pagprotekta sa kalusugan at kinabukasan ng mga kabataan laban sa peligro ng tigdas (measles) at rubella.

Binigyang-diin ng buong RHU na ang tagumpay ng kampanyang ito ay nakasalalay sa pagtutulungan ng buong komunidad, ng Lokal na Pamahalaan (LGU), at ng pampublikong sektor ng kalusugan. Hiningi rin ng RHU ang aktibong pakikiisa ng mga opisyal ng barangay at mga Barangay Health Workers (BHWs) upang masigurong walang batang maiiwan sa buong bayan.

Hinihikayat ng Odiongan RHU ang lahat ng mga magulang na dalhin ang kanilang mga kwalipikadong anak sa pinakamalapit na health center o mag-abang sa mga nakatakdang house-to-house vaccination sa kani-kanilang mga barangay ngayong linggo.




๐Ž๐ƒ๐ˆ๐Ž๐๐†๐€๐ ๐‘๐‡๐”, ๐’๐ˆ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐๐€ ๐€๐๐† ๐Œ๐‘-๐’๐ˆ๐€ ๐๐†๐€๐˜๐Ž๐๐† ๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž; ๐๐€๐Š๐€๐“๐€๐๐†๐†๐€๐ ๐๐† ๐๐”๐Ž๐๐† ๐’๐”๐๐Ž๐‘๐“๐€ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐‹๐†๐”ODIONGAN, ROMBLON โ€” Opisyal n...
10/08/2026

๐Ž๐ƒ๐ˆ๐Ž๐๐†๐€๐ ๐‘๐‡๐”, ๐’๐ˆ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐๐€ ๐€๐๐† ๐Œ๐‘-๐’๐ˆ๐€ ๐๐†๐€๐˜๐Ž๐๐† ๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž; ๐๐€๐Š๐€๐“๐€๐๐†๐†๐€๐ ๐๐† ๐๐”๐Ž๐๐† ๐’๐”๐๐Ž๐‘๐“๐€ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐‹๐†๐”

ODIONGAN, ROMBLON โ€” Opisyal nang inilunsad ng Municipal Health Office - Odiongan Rural Health Unit (RHU) ang pagsisimula ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) ngayong linggo.

Inianunsyo ang naturang pampublikong kampanya sa ginanap na Flag Raising Ceremony sa Munisipyo ng Odiongan ngayong Lunes, kung saan hayagang ipinahayag ng Lokal na Pamahalaan (LGU) ng Odiongan ang buo nitong suporta sa adhikaing protektahan ang kabataan laban sa nakakahawang sakit na tigdas at rubella.

Layunin ng MR-SIA na mabigyan ng karagdagang bakuna ang mga kwalipikadong bata sa buong bayan upang mapataas ang antas ng proteksyon sa komunidad at maiwasan ang posibleng pagdami ng kaso ng tigdas.

Magsasagawa ang mga healthcare workers ng vaccination sa ng mga nakatakdang vaccination sites sa iba't ibang barangay health centers at designated community areas ngayon at sa susunod na linggo.

Hinihikayat ng Odiongan RHU at ng LGU ang lahat ng mga magulang at tagapangalaga na pabakunahan ang kanilang mga anak upang makamit ang isang ligtas at malusog na pamayanan.




07/08/2026

๐’๐š ๐Ž๐๐ข๐จ๐ง๐ ๐š๐ง, ๐ญ๐ข๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ฒ๐š๐ค ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง ๐ง๐š ๐ฐ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ญ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐›๐š๐ฒ๐š๐š๐ง.

- Mayor Roger "Toto" Fodra Jr.

Makiisa at makibahagi sa darating na Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity ng Odiongan Rural Health Unit.

MEASLES-RUBELLA SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITY (MR-SIA) SCHEDULEAlamin ang iskedyul ng pagbabakuna sa inyong baranga...
07/08/2026

MEASLES-RUBELLA SUPPLEMENTAL IMMUNIZATION ACTIVITY (MR-SIA) SCHEDULE

Alamin ang iskedyul ng pagbabakuna sa inyong barangay at dalhin ang inyong anak sa itinakdang araw at oras.

Ang MR-SIA ay para sa mga batang 6 hanggang 59 buwan (wala pang 5 taong gulang) upang maprotektahan laban sa tigdas (measles) at rubella.

Pumunta lamang sa Odiongan Rural Health Unit at inyong Barangay Health Station (BHS) ayon sa nakatakdang iskedyul.

Sama-sama nating protektahan ang kalusugan ng ating mga kabataan. Bakuna ay ligtas, epektibo, at libre!



03/08/2026

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐ซ๐จ๐›๐ข๐ง๐ฌ๐ฒ๐š. ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ ๐š๐ฅ๐š๐ฐ. ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ฒ๐ฎ๐ง๐ข๐ง, ๐จ๐ญ๐ž๐ค๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐›๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐›๐š๐ญ๐š๐ง๐  ๐‘๐จ๐ฆ๐›๐ฅ๐จ๐ฆ๐š๐ง๐จ๐ง.

Ipinagmamalaki ng Provincial Department of Health Office (PDOHO) Romblon ang ating Provincial Entry para sa MR SIA Ligtas Tigdas Dance! Higit pa sa isang sayaw, ito ay simbolo ng ating pagkakaisa at sama-samang paninindigan na isulong ang kahalagahan ng pagbabakuna laban sa tigdas at rubella.

Sa pagtutulungan ng ating mga lokal na pamahalaan, mga health workers, at buong komunidad, patuloy nating pinalalakas ang kamalayan na ang bakuna ay ligtas, epektibo, at nagbibigay-proteksyon sa kinabukasan ng ating mga anak.

๐’๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐ญ๐ก๐ž ๐‹๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ ๐“๐ข๐ ๐๐š๐ฌ ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ข๐ ๐ง!

๐Ÿ“ฉ Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong mag-message sa aming page o bumisita sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.

3rd Quarter Local Health Board MeetingMatagumpay na isinagawa ang 3rd Quarter Local Health Meeting noong Hulyo 29, 2026 ...
30/07/2026

3rd Quarter Local Health Board Meeting

Matagumpay na isinagawa ang 3rd Quarter Local Health Meeting noong Hulyo 29, 2026 sa Odiongan Bulwagan, na dinaluhan ng mga Punong Barangay at mga kagawad, mga kinatawan ng Civil Society Organizations (CSOs), PDOHO, at iba pang mga katuwang sa kalusugan.

Tinalakay sa pulong ang mahahalagang usapin kabilang ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) Program, Panukalang Badyet para sa Taong 2027, Healthy Workplace, Good Practices on Mental Health, One Health Program, at ang Health Care Provider Network (HCPN).

Layunin ng pagpupulong na higit pang mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga lokal na lider at mga katuwang upang patuloy na mapabuti ang paghahatid ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mamamayan ng Odiongan.

Nagpapasalamat ang Odiongan Rural Health Unit sa lahat ng dumalo at patuloy na nakikiisa sa pagsusulong ng isang mas malusog at ligtas na komunidad.



29/07/2026

๐†๐š๐ฅ๐š๐ฐ ๐ง๐š ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฅ๐š๐ฒ๐ฎ๐ง๐ข๐ง, ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ฐ ๐ง๐š ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฆ๐š๐ ๐š๐ง๐๐š๐ง๐  ๐š๐๐ก๐ข๐ค๐š๐ข๐ง!

Ipinakikilala ng ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐Ž๐๐ข๐จ๐ง๐ ๐š๐ง ang kanilang ๐Œ๐‘ ๐’๐ˆ๐€ ๐‹๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ ๐“๐ข๐ ๐๐š๐ฌ ๐ƒ๐š๐ง๐œ๐ž isang masiglang pagpapakita ng suporta sa Ligtas Tigdas Campaign. Sa bawat kumpas at indak, ipinapaalala natin na ang pagbabakuna ay isa sa pinakamabisang paraan upang maprotektahan ang ating mga anak laban sa tigdas at rubella.

Maging bahagi ng pagkilos para sa isang komunidad na ligtas, malusog, at handang harapin ang mas magandang kinabukasan. Dahil kapag nagkakaisa tayo, mas napapalakas natin ang kampanya para sa kalusugan ng bawat pamilyang Pilipino.

๐’๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐‹๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ ๐“๐ข๐ ๐๐š๐ฌ ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ข๐ ๐ง!

๐Ÿ“ฉ Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong mag-message sa aming page o bumisita sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.

Address

JP Laurel Street
Odiongan
5505

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639190798428

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Odiongan Rural Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Odiongan Rural Health Unit:

Shortcuts

Share