01/09/2026
Patuloy po ang ating malasakit na paglilingkod sa nasasakupan ng Barangay 54.
✔️ Nakapagbigay po tayo ng financial assistance at Medical assistance sa constituent na nangangailangan ng tulong medikal (para sa hospital at mga gamot).
✔️ Patuloy din po ang pamamahagi ng cash gift at cake para sa ating mga Senior Citizen at Persons With Disability (PWD) bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang kaarawan.
✔️ Nakapagbahagi den tayo ng Financial at Sapatos sa isang Studyante ng Learning Hub.
Ang mga simpleng hakbang na ito ay patunay ng ating patuloy na pagsusumikap na makapaghatid ng serbisyong may malasakit at pagpapahalaga sa bawat miyembro ng ating komunidad.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at tiwala. Sama-sama po nating isulong ang mas maayos, mas inklusibo, at mas maunlad na Barangay 54.