30/09/2026
👨👩👧👦 Family Week sa Children’s Library!
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Family Week, ginanap ngayong araw sa Children’s Library ang isang Family Week Drawing Contest para sa ating mga batang library users.
Sa pamamagitan ng kanilang mga drawing, naipakita ng mga bata kung ano ang ibig sabihin ng pamilya para sa kanila. Mula sa simpleng bonding moments hanggang sa mga paborito nilang alaala kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Salamat sa lahat ng batang nakilahok at nakisaya sa ating activity!