22/06/2026
๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ญ๐จ ๐๐ฎ๐ฌ๐ข๐ง๐๐ฌ๐ฌ ๐๐ฌ๐ญ๐๐๐ฅ๐ข๐ฌ๐ก๐ฆ๐๐ง๐ญ๐ฌ ๐จ๐ง ๐ญ๐ก๐ ๐๐จ๐ฅ๐จ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ญ๐ฌ' ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐ ๐๐๐ญ ๐๐ง๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ฌ๐ ๐จ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ฎ๐ซ๐๐ก๐๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฌ๐๐จ๐ฎ๐ง๐ญ ๐๐จ๐จ๐ค๐ฅ๐๐ญ
Noong Hunyo 17, 2026, nagsagawa ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng orientation para sa mga business establishments sa Park 6, Barangay Kapitolyo upang talakayin ang pagpapatupad ng Solo Parents' Welfare Act at ang paggamit ng Purchase Discount Booklet para sa mga kwalipikadong solo parent beneficiaries.
Dumalo sa nasabing orientation ang mga kinatawan mula sa Robinsons, Super8, Savemore, Puregold, Mercury Drug, The Generics Pharmacy, Southstar Drug, Watsons, City Health Office, at Business Permit and Licensing Department.
Sa ilalim ng batas, maaaring maging kwalipikado sa Purchase Discount Booklet ang mga rehistradong solo parent na may taunang kita na hindi hihigit sa โฑ250,000.00 at may anak na anim (6) na taong gulang pababa.
Sa pamamagitan ng booklet, maaaring makatanggap ng 10% discount sa mga sumusunod:
โข Gatas ng sanggol
โข Pagkain at micronutrient supplements
โข Sanitary diapers
โข Prescribed medicines
โข Bakuna
โข Iba pang medical supplements
๐ Paalala: Ang Purchase Discount Booklet ay kasalukuyan pang nasa proseso ng produksyon. Ang mga update ukol sa availability nito ay ipapaabot sa lahat ng kwalipikadong rehistradong solo parent members sa oras na ito ay maging available.
Patuloy ang Lungsod ng Pasig, sa pamamagitan ng CSWDO, sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyong nagtataguyod sa kapakanan at kapakanan ng mga solo parent at kanilang mga pamilya.