12/06/2026
๐ญ๐ฎ ๐๐จ๐ก๐ฌ๐ข ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ || ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ข๐ฝ๐ฒ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ด Baragatan sa Palawan Festival ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ!
Pormal nang binuksan ngayong araw ang pagdiriwang ng Baragatan Festival sa pamamagitan ng makulay at masiglang parada na pinangunahan ni Governor Amy Roa Alvarez, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan, mga kongresman na sina Kgg. Jose Chaves Alvarez ng Ikalawang Distrito, Kgg. Gil 'KabarangayJr' Acosta ng Ikatlong Distrito, Kgg. Rosalie Salvame ng Unang Distrito, at Kgg. Karl "Koko" Legazpi ng Pinoy Workers Partylist, at gayundin ang mga City Councilors ng lungsod ng Puerto Princesa.
Nakiisa rin sa parada ang iba't-ibang mga kinatawan mula sa mga tanggapan ng pamahalaang lokal at nasyonal, buong puwersa ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa, iba't-ibang sektor ng ating lalawigan kabilang ang food industry, edukasyon, service personnel at iba pa.
Isang napakasayang pagbati ng Baragatan Festival po sa inyong lahat! Kami'y natutuwa sa suporta at pakikiisa ng bawat mamamayang Palaweรฑo sa pagdiriwang ng ating kultura, tradisyon at pagkakakilanlan. Nawa'y ang bawat isa'y makapagdiwang nang ligtas, payapa at may patnubay ng ating Poong Maykapal.
๐ด๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐, ๐ด๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐ฬ๐! ๐จ๐๐๐๐๐! ๐