01/06/2026
| Mga Kabarangay, ngayong araw, nakiisa ang ating tanggapan sa Regional Caravan and Kick-Off Program ng Brigada Eskwela 2026 na ginanap sa Tagburos Elementary School.
Bilang kinatawan ng ating opisina, dumalo sina Ginoong Eugene Tabang at Ginoong Pol Gacosta upang iparating ang ating patuloy na suporta sa mga programang pang-edukasyon. Bilang bahagi ng ating ambag sa paghahanda para sa pagbubukas ng klase, nagbigay rin tayo ng mga pintura na magagamit sa pagsasaayos at pagpapaganda ng mga pasilidad ng paaralan.
Nakasama rin natin sa programa sina DepEd Regional Director Ronnie Mallari at Schools Division Superintendent Laida N. Lagar-Mascareñas, kasama ang iba pang mga opisyal at katuwang sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon para sa ating mga kabataan.
Ang Brigada Eskwela ay higit pa sa paglilinis at pagkukumpuni ng mga paaralan. Isa itong pagpapakita ng bayanihan, pagkakaisa, at malasakit ng buong komunidad upang matiyak na handa, ligtas, at maayos ang kapaligiran ng ating mga mag-aaral sa kanilang pagbabalik-eskwela.
Maraming salamat sa lahat ng mga g**o, magulang, boluntaryo, at mga katuwang na patuloy na nag aambag ng kanilang oras at serbisyo para sa tagumpay ng Brigada Eskwela 2026.