08/04/2026
๐๐๐๐๐ช๐๐ก๐ ๐๐ฆ๐ข๐ฆ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐, ๐ก๐๐ฅ๐ฅ๐, ๐ฃ๐๐๐๐ช๐๐ก, ๐๐๐ก๐๐ช๐๐ฅ๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐๐๐ง๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐๐ช๐๐๐๐ก
Ngayong Miyerkules, ika-8 ng Abril 2026, sa tanggapan ng Provincial CSO Development Program sa Provincial Capitol, pormal na tinanggap ng dalawang asosasyon mula sa Estrella Village ang kanilang mga dokumento ng akreditasyon mula sa Pamahalaang Panlalawigan.
Kabilang sa mga tumanggap ang Estrella Village Natural Water Users Association, na ginawaran ng Provincial Resolution bilang patunay ng pag-apruba at pagkakaloob ng kanilang akreditasyon. Gayundin, tinanggap ng Barangay Estrella Village Tuas Farmers Irrigators Association ang kanilang Provincial Resolution at Certificate of Accreditation bilang pagkilala sa kanilang organisasyon.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsuporta ng pamahalaang panlalawigan sa mga samahang pang-komunidad upang higit na mapalakas ang kanilang partisipasyon sa kaunlaran at pamamahala sa lokal na antas.