Sec Conrado Estrella III

Sec Conrado Estrella III Official page of Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III

Sa bawat araw ng paglilingkod, dalangin natin na gabayan at pagpalain ng Panginoon ang gawain ng ating mga kamay.Nawa’y ...
20/09/2026

Sa bawat araw ng paglilingkod, dalangin natin na gabayan at pagpalain ng Panginoon ang gawain ng ating mga kamay.

Nawa’y ang bawat pagpaplano, pagpapasya, at pagkilos natin ay humantong sa serbisyong tunay na nararamdaman ng ating mga kababayan.

Mapagpalang Linggo sa ating lahat. 🙏

Balik Senado tayo noong Huwebes upang talakayin ang budget ng DAR para sa 2027.Masaya po tayong makasama ang ating mga s...
19/09/2026

Balik Senado tayo noong Huwebes upang talakayin ang budget ng DAR para sa 2027.

Masaya po tayong makasama ang ating mga senador at ang buong DAR team para maipaliwanag ang mga programa at serbisyong nais nating palawakin para sa ating mga magsasaka at Agrarian Reform Beneficiaries.

Maraming salamat po kina Sen. Kiko Pangilinan, Sen. JV Ejercito, Sen. Migz Zubiri, at sa ating mga mambabatas sa oras, pakikinig, at patuloy na suporta sa ating departamento at sa mga magsasakang ating pinaglilingkuran.

19/09/2026

1 MILLION followers na tayo, DARlings!

Maraming salamat po sa bawat isa sa inyong patuloy na kasama, sumusuporta, at naging bahagi ng ating lumalaking pamilya. Patuloy nating ilapit ang gobyerno sa tao.

Higit pa sa bilang ang 1 million followers na ito. Isang milyong DARlings ito na kasama nating nagbibigay-boses sa ating mga magsasaka at sumusuporta sa pagsusulong ng kanilang karapatan sa lupa at mas maayos na kabuhayan.

Patuloy nating isinusulong sa Kongreso ang panukalang budget ng DAR para sa ating mga magsasaka.Maraming salamat po, Con...
17/09/2026

Patuloy nating isinusulong sa Kongreso ang panukalang budget ng DAR para sa ating mga magsasaka.

Maraming salamat po, Cong. Ian Dy, sa pagsponsor ng panukalang budget ng Department of Agrarian Reform para sa FY 2027 sa House of Representatives.

Sama-sama nating tiyakin na ang pondong ating isinusulong ay maisasalin sa serbisyong ramdam ng ating mga benepisyaryo.

Mas magandang serbisyo kapag sama-sama ang gobyerno. Masaya po tayong makiisa sa Handog ng Pangulo 2026 dito sa Rosales,...
16/09/2026

Mas magandang serbisyo kapag sama-sama ang gobyerno.

Masaya po tayong makiisa sa Handog ng Pangulo 2026 dito sa Rosales, Pangasinan, kung saan nagsama-sama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan upang mas mailapit ang kanilang mga programa at serbisyo sa ating mga kababayan.

Kasama rin po rito ang mga programa para sa ating mga magsasaka, mangingisda, at maliliit na negosyante.

Isang magandang pagkakataon po ito para mas direktang maihatid ang tulong at serbisyo hindi lamang po sa mga Pangasinense, pati na rin sa ating mga magigiting na manggagawang Pilipino.

Serbisyong sapat, para sa lahat!Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., masaya po...
16/09/2026

Serbisyong sapat, para sa lahat!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., masaya po tayong nakasama ang ating mga kababayan sa Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat dito sa Dagupan City.

Sa pamamagitan ng sabay-sabay na paghahatid ng serbisyo ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, mas nailalapit natin sa ating mga kababayan ang tulong at serbisyong kailangan nila.

Huwag po kayong mag-alala dahil patuloy po tayong maghahatid ng serbisyong ramdam ng bawat pamilyang Pilipino.

Bawat pagbati, kahit gaano kasimple, ay malaking bagay para sa akin. Sa dami ng trabaho at mga responsibilidad, nakakata...
15/09/2026

Bawat pagbati, kahit gaano kasimple, ay malaking bagay para sa akin.

Sa dami ng trabaho at mga responsibilidad, nakakataba ng puso na malaman na may mga taong patuloy na nakakaalala at sumusuporta.

Maraming salamat po, DARlings! 💚

14/09/2026

Hindi lang trabaho ang iniiwan natin, kundi isang bagay na maipagmamalaki. 

Noong September 7, 2026, nakasama natin ang ating mga bagong Third-Level DAR Officials sa kanilang Oath-Taking Ceremony. Isang paalala rin ito na sa bawat tungkulin natin sa DAR, sana po ay laging nasa puso natin ang kapakanan ng ating mga kababayan.

Nawa’y ito po ang lagi nating baunin sa paglilingkod: gawin natin nang buong puso ang trabaho, dahil may mga buhay at kinabukasang naaabot ang bawat ginagawa natin.

Maraming salamat sa aking DAR Family! 😄
12/09/2026

Maraming salamat sa aking DAR Family! 😄

Maligayang Kaarawan, DAR Secretary Conrado M. Estrella III!

Ang inyong kaarawan ay pagkakataon upang ipagdiwang hindi lamang ang inyong buhay, kundi pati ang inyong patuloy na paglilingkod sa ating mga magsasaka at sa bayan.

Sa ilalim ng inyong pamumuno, patuloy na nagsisikap ang Department of Agrarian Reform na maisulong ang kapakanan ng ating mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARB), Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBO), at Agrarian Reform Communities (ARC).

Nawa’y maging kasing-sagana ng inyong paglilingkod ang mga biyayang inyong matatanggap. Hiling namin ang inyong mabuting kalusugan, kaligayahan, at patuloy na tagumpay sa inyong pamumuno sa DAR.

Mabuhay po kayo at maraming salamat sa inyong serbisyo!



Follow us: https://twitter.com/dargovph
http://instagram.com/dargovph
https://www.tiktok.com/
https://www.youtube.com/c/dargovph1

Malugod ko pong binabati ang ating mga bagong talagang kawani at mga na-promote sa kanilang Oath-Taking Ceremony. Sa pan...
11/09/2026

Malugod ko pong binabati ang ating mga bagong talagang kawani at mga na-promote sa kanilang Oath-Taking Ceremony.

Sa panibagong tungkuling inyong haharapin, nawa’y patuloy po kayong magsilbi nang buong puso at may tunay na layunin na ilapit ang serbisyo ng pamahalaan sa ating mga kababayan.

Congratulations at mabuhay po ang ating mga bagong public servants!

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sec Conrado Estrella III posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share