10/09/2026
๐๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐๐ฉ | ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐๐ฒ๐จ ๐ง๐ ๐๐จ๐ฅ๐๐ซ ๐๐จ๐ฐ๐๐ซ๐๐ ๐๐๐ญ๐๐ซ ๐๐ฒ๐ฌ๐ญ๐๐ฆ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐๐ฒ๐๐ง๐๐ง ๐, ๐๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ, ๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จ
Dati, ang pagkuha ng tubig para sa mga residente ng Barangay Bayanan I, Calapan City, Oriental Mindoro, ay kaakibat ng mataas na gastusin at pangamba sa kaligtasan at kalidad ng kanilang iniinom na tubig. Umaasa ang mga residente sa poso, bomba, at pribadong water supply na umaabot sa โฑ1,000 hanggang โฑ2,000 bawat buwan. Bukod dito, kailangan pa nilang bumili ng inuming tubig dahil hindi ligtas inumin ang ilan sa mga pinagkukunan.
Nagbago ito nang maitayo ang Solar Powered Water System with Filtration Project, na pinondohan sa ilalim ng FY 2022 Local Government Support Fund-Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FALGU) sa halagang โฑ5 milyon.
Ngayon, โฑ400 hanggang โฑ500 na lamang ang buwanang ambag ng mga pamilyang nakakonekta sa water system para sa maintenance. Mayroon na rin silang mas maaasahang suplay ng tubig at access sa ligtas na inuming tubig mula sa filtration system.
Para sa 1,279 benepisyaryo, ang proyekto ay naghatid ng higit na pagtitipid, kaligtasan, at kaginhawaan sa kanilang mga tahanan. Mula sa enerhiyang nagmumula sa araw, nabigyan sila ng mas maaasahang suplay ng tubig at mas maginhawang pamumuhay.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa proyektong ito, bisitahin ang subaybayan.dilg.gov.ph/40681 o i-scan ang QR code na nasa larawan.
I-monitor ang iba pang proyekto sa inyong komunidad gamit ang SubayBAYAN Portal. Bisitahin ang https://subaybayan.dilg.gov.ph/. Maaari ring alamin ang iba pang impormasyon tungkol sa Portal sa pamamagitan ng reel sa comments section.