24/05/2026
Isang masigla at masayang Linggo, QCitizens!
Ngayong Car-free, Carefree Tomas Morato, iba-ibang aktibidad ang inihanda ng Barangay and Community Relations Department para sa mga residenteng nais mag-ehersisyo at magpapawis.
Mayroong zumba, free bike lessons, palarong pinoy, at chalk art area. May iba-ibang booth din para sa Trivia Battle, mga CSO, at Fresh Market.
Tuwing Linggo, isinasara ang bahagi ng Tomas Morato mula Scout Rallos hanggang Don A. Roces mula 6AM hanggang 10AM mahikayat ang mga QCitizen na maging aktibo at mag-ehersisyo.