DOH Mimaropa CHD

DOH Mimaropa CHD Official page of Department of Health MIMAROPA Center for Health Development

Hindi kailangang may sugat para magkaroon ng leptospirosis. Maaaring makapasok ang Leptospira bacteria sa katawan sa pam...
06/09/2026

Hindi kailangang may sugat para magkaroon ng leptospirosis. Maaaring makapasok ang Leptospira bacteria sa katawan sa pamamagitan ng mata, ilong, bibig, o maliliit na sugat sa balat kapag lumusong sa baha na kontaminado ng ihi ng infected na hayop.

Kung lumusong sa baha, may sugat man o wala, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health facility o YAKAP Clinic upang malaman kung kailangan ng doxycycline prophylaxis.

Kapag nakaranas ng mga sintomas na ito, agad na magpakonsulta:
✅ Lagnat
✅ Pananakit ng ulo at katawan
✅ Paninilaw at pamumula ng mata
✅ Paninilaw ng balat (Jaundice)

BABALA: Huwag basta-basta uminom ng doxycycline. May mga taong hindi ito maaaring gamitin, kabilang ang mga buntis, nagpapasuso, at mga batang edad 8 pababa. Kumonsulta muna sa doktor.

DOH: WALANG SUGAT PERO LUMUSONG SA BAHA? MAGPAKONSULTA PA RIN KONTRA SA LEPTOSPIROSIS!

Detalye sa comment section:




Kasabay ng tuloy-tuloy na pag-ulan ang pagtaas ng kaso ng mala-trangkasong sakit na may kasamang ubo at sipon o Influenz...
06/09/2026

Kasabay ng tuloy-tuloy na pag-ulan ang pagtaas ng kaso ng mala-trangkasong sakit na may kasamang ubo at sipon o Influenza-like Illnesses (ILIs).

Sa tamang pag-iingat, kaya nating mabawasan ang pagkalat ILIs tulad ng trangkaso. Tandaan ang mga sintomas, paraan ng pagkalat, at sundin ang mga simpleng steps para protektahan ang iyong sarili, pamilya, at komunidad laban sa ILIs.

‘Pag lumala ang sintomas o nahihirapang huminga, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na ospital.



𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢 𝐧𝐠 𝐌𝐑-𝐒𝐈𝐀—sa ating mga health workers, volunteers, partners, mga magulang, at sa baw...
05/09/2026

𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢 𝐧𝐠 𝐌𝐑-𝐒𝐈𝐀—sa ating mga health workers, volunteers, partners, mga magulang, at sa bawat taong naging katuwang upang maabot, mabakunahan, at maprotektahan laban sa tigdas ang ating mga Chikiting. 💗

May mga health worker na tumawid ng dagat, sumuong sa ilog, naglakad sa maputik na daan, umakyat ng bundok, at nagpunta sa mga lugar na hindi madaling marating—dala ang bakuna, pag-asa, at pangakong walang batang dapat maiwan.

Sa bawat batang nabakunahan, may kuwento ng pagod, tiyaga, malasakit, at higit sa lahat, proteksyon para sa bawat bata at komunidad sa Occidental Mindoro.

𝐌𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐃𝐎𝐇 – 𝐎𝐜𝐜𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨, 𝐦𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐚𝐭 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐬𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐮𝐝𝐨 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭. 𝐊𝐚𝐲𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢 𝐧𝐠 𝐌𝐑-𝐒𝐈𝐀. 💗✨

𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗔𝗧 𝗦𝗔𝗞𝗥𝗜𝗣𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗜 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗔𝗜𝗚𝗡!💉❤️Mula sa Provincial DOH Office - Oriental...
05/09/2026

𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗔𝗧 𝗦𝗔𝗞𝗥𝗜𝗣𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗜 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗔𝗜𝗚𝗡!💉❤️

Mula sa Provincial DOH Office - Oriental Mindoro, taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng Ligtas Tigdas: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA).

Sa bawat health worker, local government unit, partner agency, volunteer, at bawat indibidwal na naglaan ng oras, lakas, at dedikasyon—𝗠𝗔𝗥𝗔𝗠𝗜𝗡𝗚, 𝗠𝗔𝗥𝗔𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧!

Hindi naging madali ang bawat house-to-house visit, pagbabakuna, at pagharap sa iba’t ibang hamon. Ngunit sa pamamagitan ng inyong walang sawang serbisyo at malasakit, mas maraming batang Mindoreño ang nabigyan ng proteksyon laban sa tigdas at tigdas-hangin..

Ang tagumpay ng Ligtas Tigdas Campaign ay tagumpay nating lahat. 🏆

Patuloy nating ipagdiwang ang bawat serbisyong nagbigay-proteksyon at pag-asa sa ating mga kabataan.

Maraming salamat, mga bayani ng Ligtas Tigdas campaign! ❤️💉

——
𝐏𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐰𝐚𝐢𝐧, 𝐔𝐧𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐌𝐢𝐧!




GENERICS ANG KATUWANG MO SA ABOT-KAYA AT DE-KALIDAD NA GAMUTAN!Ngayong Setyembre, nakikiisa ang Department of Health sa ...
05/09/2026

GENERICS ANG KATUWANG MO SA ABOT-KAYA AT DE-KALIDAD NA GAMUTAN!

Ngayong Setyembre, nakikiisa ang Department of Health sa pagdiriwang ng Generics Awareness Month 2026 na may temang: “Kalusugan ng Bawat Pilipino, Generics ang Katuwang Mo!”

🚨 WE'RE HIRING! 🚨Be part of the DOH MIMAROPA Center for Health Development and help advance better health for every MIMA...
05/09/2026

🚨 WE'RE HIRING! 🚨

Be part of the DOH MIMAROPA Center for Health Development and help advance better health for every MIMAROPAn!

📌 Position: HEALTH PROGRAM OFFICER II
📍 Place of Assignment: PDOHO MARINDUQUE (Province-Based)
🗓️ Application Deadline: September 13, 2026

Interested applicants may view the complete qualifications, requirements, and application details here: https://mimaropa.doh.gov.ph/archives/5623

📌 Position: HEALTH PROGRAM OFFICER II
📍 Place of Assignment: Health Emergency Management Services (Manila-Based)
🗓️ Application Deadline: September 10, 2026

Interested applicants may view the complete qualifications, requirements, and application details here: https://mimaropa.doh.gov.ph/archives/5627

All qualified applicants, regardless of disability, gender preference, age, political views, religion, ethnicity, or other personal circumstances, are encouraged to apply.

DOH: DALAWANG SIMPLENG HAKBANG PARA MASIGURONG LIGTAS ANG INUMING TUBIG!Isa sa mga pangunahing sanhi ng mga sakit tulad ...
05/09/2026

DOH: DALAWANG SIMPLENG HAKBANG PARA MASIGURONG LIGTAS ANG INUMING TUBIG!

Isa sa mga pangunahing sanhi ng mga sakit tulad ng pagtatae at pagsusuka ay ang pag-inom ng maduming tubig. Upang makaiwas sa food and waterborne diseases, sundin ang dalawang simpleng paraan na ito para maging ligtas at malinis ang inyong inuming tubig:

✅ Pakuluan ang Tubig
✅ Gumamit ng Chlorine Tablets
Laging siguraduhing malinis ang inyong inumin para manatiling ligtas at malusog ang buong pamilya!



DOH: ‘WAG MALIGO O MAGLARO SA BAHA, NAKAMAMATAY ANG LEPTOSPIROSISPaalala ng DOH, ang tubig-baha ay maaaring nakontamina ...
05/09/2026

DOH: ‘WAG MALIGO O MAGLARO SA BAHA, NAKAMAMATAY ANG LEPTOSPIROSIS

Paalala ng DOH, ang tubig-baha ay maaaring nakontamina ng ihi ng mga infected na hayop, tulad ng daga, na sanhi ng Leptospirosis. Kung ikaw ay lumusong o na-expose sa baha, may sugat man o wala, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na Health Center o YAKAP Clinic upang malaman kung kailangan mo ng doxycycline prophylaxis.



DOH: ‘WAG MALIGO O MAGLARO SA BAHA, NAKAMAMATAY ANG LEPTOSPIROSIS

Detalye sa comment section.



05/09/2026

DOH, TINIYAK ANG SAPAT NA SUPLAY NG DOXYCYCLINE PARA SA PUBLIKO; 3.1 MILYONG RESERBA NG GAMOT, NAKAHANDA

Tinitiyak ng Department of Health (DOH) na nananatiling sapat ang suplay ng doxycycline sa mga public access sites, kabilang ang mga health center, YAKAP clinic, at pampublikong ospital.

Bilang bahagi ng maagap na pagtugon ng ahensya, ipinag-utos ni Health Secretary Edwin Mercado ang maagap na pamamahagi ng doxycycline sa mga komunidad na higit na naapektuhan, para matiyak ang agarang access ng mga nangangailangan.

Bukod dito, may 3.1 milyong stockpile o reserbang doxycycline ang DOH at mga Regional Office bilang agarang pandagdag sa suplay ng public access sites kung kinakailangan. Sa huling tala nitong Setyembre 4, 2026, 1.2 milyon na rito ang matagumpay na naipamahagi bilang karagdagang gamot sa iba't ibang apektadong komunidad.




DOH: MAGING ALERTO SA MGA SINTOMAS NG DENGUE; MAGPAKONSULTA AGAD!Patuloy ang pag-ulan sa iba't ibang bahagi ng bansa, ka...
05/09/2026

DOH: MAGING ALERTO SA MGA SINTOMAS NG DENGUE; MAGPAKONSULTA AGAD!

Patuloy ang pag-ulan sa iba't ibang bahagi ng bansa, kaya mahalagang maging mapagmatyag sa mga sintomas ng dengue. Huwag ipagwalang-bahala ang mga senyales nito, tulad ng lagnat, pananakit ng katawan o kalamnan, panghihina, pagsusuka, pagdurugo ng gilagid o ilong, at pantal.

Kung may ganitong sintomas, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center o health facility para sa tamang pagsusuri at gamutan. Ang maagang pagpapatingin ay mahalaga upang maiwasan ang malubhang komplikasyon.

Patuloy ding gawin ang 4Ts: Taob, Taktak, Tuyo, at Takip upang maiwasan ang pagdami ng lamok.




DOH: MAGING ALERTO SA MGA SINTOMAS NG DENGUE; MAGPAKONSULTA AGAD!

Detalye sa comment section.




Address

DOH MIMAROPA CHD QMMC Compound, P. Tuazon Street, Project 4
Quezon City
1109

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DOH Mimaropa CHD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DOH Mimaropa CHD:

Shortcuts

Share