18/06/2026
BASAHIN: Noong 16 Hunyo 2026, sa ilalim ng pamumuno ni PCUP Undersecretary Michelle Anne B. Gonzales, nagsagawa ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ng ocular inspection at coordination activities sa Barangay Bambang, Los Baรฑos, Laguna upang suriin ang kalagayan ng (54 pamilyang naapektuhan) ng pagkawala ng access at suplay ng kuryente matapos ang pagpapatupad ng court-ordered demolition sa katabing ari-arian.
Pinangunahan ang aktibidad nina Assistant Legal Services Unit Head Atty. Robert U. Bonifacio at Laguna Provincial Area Coordinator Ms. Pamela Bianca T. Agres, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng PCUP na beripikahin ang mga suliranin ng komunidad at matukoy ang mga angkop na interbensyon ng pamahalaan.
Sa isinagawang inspeksyon, natuklasan na ang mga residente ay pansamantalang nanunuluyan sa evacuation area dahil sa pagkawala ng kuryente at limitadong access sa kanilang lugar. Napag-alaman din na ang komunidad ay matatagpuan sa tabing-lawa at mataas ang panganib sa pagbaha. Bilang tugon, nakipag-ugnayan ang PCUP sa mga lokal na opisyal upang matukoy ang mga posibleng tulong para sa mga apektadong pamilya, kabilang ang posibleng referral sa DSWD.
Kasabay nito, isinagawa rin ang follow-up sa pagsusumite at pagsasama-sama ng mga dokumentong may kaugnayan sa mga usapin sa lupa sa mga lugar na saklaw ng Presidential Proclamation No. 550 (PP 550). Layunin nitong makabuo ng mga rekomendasyong polisiya at lehislatibo na maaaring isumite sa House of Representatives upang matugunan ang mga isyu sa seguridad sa paninirahan ng mga residente.
Ipinakita ng aktibidad ang matibay na pangako nina Usec. Michelle Anne B. Gonzales,Atty. Robert U. Bonifacio, at Ms. Pamela Bianca T. Agres, kasama ang PCUP, na tiyaking naririnig at natutugunan ang mga pangangailangan ng mga maralita at bulnerableng komunidad sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan, masusing beripikasyon, at pagbuo ng mga polisiya batay sa aktuwal na kalagayan ng mga mamamayan.