21/09/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐ฆ๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐ณ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ฟ๐๐ฐ๐๐๐ฟ๐ฒ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐, ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฎ๐ฝ๐ฒ๐ธ๐๐๐ต๐ฎ๐ป. ๐๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ต๐ฒ ๐จ๐ฟ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ฃ๐ผ๐ผ๐ฟ (๐ฃ๐๐จ๐ฃ) ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฎ๐ธ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ถ๐๐ฎ๐๐ฎ๐บ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฐ๐ผ๐ป๐ฐ๐ฒ๐ฟ๐ป๐ ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฟ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ผ๐ผ๐ฟ ๐ณ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐ถ๐ฒ๐.
Mula Setyembre 15 hanggang 17, 2026, naging bahagi ang PCUP, sa pamamagitan ni Laguna Area Coordinator Ms. Pamela Bianca T. Agres, ng ibaโt ibang project engagements sa Laguna na may kaugnayan sa mga pangunahing government infrastructure projects.
Noong Setyembre 15, nagsilbing Resource Person si PCUP Luzon Area Coordinator Mr. Victor Allan C. Ilagan sa Orientation on the Certificate of Compliance (CoC) para sa DOTr South Long-Haul Project sa City of San Pablo. Tinalakay dito ang mga requirements, proseso, at responsibilidad ng concerned agencies at LGUs, kabilang ang mga kinakailangang safeguards para sa mga pamilyang maaapektuhan.
Kinabukasan, nakibahagi naman ang PCUP bilang miyembro ng Local Inter-Agency Committee (LIAC) para sa DPWH Laguna Lakeshore Road Network Project sa City of Biรฑan. Dito, nagbigay ang PCUP ng mga paglilinaw tungkol sa CoC process, rental subsidy, at Relocation and Resettlement Action Plan (RRAP), habang inilalapit sa concerned agencies ang mga usaping may kinalaman sa relocation, resettlement, at assistance.
Sa huling araw, lumahok ang PCUP sa Beneficiary Selection, Awards, and Arbitration Committee (BSAAC) para sa DOTr North-South Commuter Railway Extension Project sa City of Cabuyao. Bilang miyembro ng committee na may voting powers, nakibahagi ang PCUP sa pagsusuri at deliberasyon ng mga aplikante batay sa itinakdang qualification criteria at supporting documents.
Sa pamamagitan ng mga ganitong pakikilahok, patuloy na naipapakita ng PCUP ang mandato nitong protektahan ang interes at kapakanan ng urban poor. Hindi lamang nito inilalapit ang concerns ng mga apektadong pamilya, kundi nakikibahagi rin ito sa mga proseso kung saan ginagawa ang mga desisyong may direktang epekto sa kanilang buhay.
Sa bawat proyektong naglalayong magpaunlad sa bansa, mahalagang kasama sa pag-unlad ang kapakanan ng mga pamilyang maaapektuhan nito.
via | PCUP Luzon