02/06/2026
Nagsagawa ng inspeksyon at pagsusuri ang Bise Alkalde Kgg. Ronald R. Echalar, kasama si Punong Barangay Kgg. Jonathan S. Padios at mga kawani ng LGU-Rizal, sa sapa na matatagpuan sa Tagapan, Santor, Kalinga upang talakayin ang mga posibleng hakbang at interbensyon para maiwasan ang pagbaha sa lugar. Layunin din ng inisyatibong ito na mapahusay ang kaligtasan ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga hakbang upang maiwasan ang mga insidente ng pagkalunod.
Ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pangangalaga ng buhay, ari-arian, at kapakanan ng komunidad.