13/06/2026
40 Magsasaka, handa na sa Makabagong Agrikultura! 😲
Apatnapung magsasaka mula sa Brgy. Simimbaan, Roxas, Isabela ang matagumpay na nagsanay sa LGU Roxas Agri-Innovations Learning Hub sa loob ng dalawang araw para sa Smart Agriculture at Pest Management.
Sa pangunguna ni Mayor Benedict C. Calderon, matagumpay na nakapagtapos ang unang batch ng mga vegetable farmers mula sa Brgy. Simimbaan. Sa nakalipas na dalawang araw, ibinahagi ng ating mga resource persons na sina Mr. Peter Soriano, Senior Projects Officer, at Mr. Warlito Abes, Farm Supervisor, ang kahalagahan ng wastong pamamahala sa iba’t ibang peste sa pananim, gayundin ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa protected cultivation.
Masaya namang ibinahagi ng mga kalahok ang kanilang mga karanasan at pasasalamat sa natamong kaalaman. Umaasa silang malaki ang maitutulong ng kanilang mga natutunan upang higit pang mapabuti ang kanilang produksyon at kabuhayan sa pagsasaka.
Patuloy ang LGU Roxas sa paghahatid ng mga makabuluhang programa at pagsasanay upang mapaunlad ang kaalaman, kakayahan, at kabuhayan ng ating mga magsasaka tungo sa mas produktibo at makabagong agrikultura. 💚