02/09/2026
๐ GILLNETS DISTRIBUTION | Dagdag-Kabuhayan para sa Ating mga Mangingisda
40 na mangingisda, mula sa dalawang samahanโSamahan ng Mangingisda ng Looban ng San Rafael, Inc. at Samahan ng Mangingisda ng Poblacionโang pinagkalooban ng gillnets sa isinagawang pamamahagi ng Municipal Agriculture Office of San Rafael.
Layunin ng programang ito na mabawasan ang gastos sa pangingisda at makatulong na mapataas ang dami ng huli at kita ng ating mga mangingisda.
Patuloy ang Municipal Agriculture Office of San Rafael sa pakikipag-ugnayan sa iba't ibang ahensya upang makapaghatid ng mga programa at suporta para sa mas produktibo at mas matatag na kabuhayan ng ating mga magsasaka at mangingisda.
๐ค Kaagapay sa Kabuhayan. Katuwang sa Pag-unlad.