23/07/2025
FOR YOUR INFORMATION:To our valued applicants
PABATID SA PUBLIKO
WALANG PASOK ANG MGA PAARALAN AT PAMAHALAANG LUNGSOD – HULYO 24, 2025
Alinsunod sa DILG, SUSPENDIDO ang lahat ng face-to-face classes sa LAHAT NG ANTAS sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Santa Rosa sa Hulyo 24, 2025 (Huwebes).
Ayon sa abiso ng DepEd Schools Division, pinapayuhan ang mga paaralan na lumipat sa Blended Learning Modality – maaaring online o modular.
SUSPENDIDO rin ang pasok sa mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa, maliban sa mga frontline emergency services na patuloy na maglilingkod para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan.
Mag-ingat po ang lahat at manatiling nakaantabay sa mga opisyal na anunsyo.
🦁