13/09/2026
WALANG PASOK SA PUBLIC SCHOOLS SA ALBAY | SEPTEMBER 14โ18
Suspendido ang klase sa lahat ng pampublikong elementarya at high school sa Albay mula Lunes, Setyembre 14 hanggang Biyernes, Setyembre 18, bilang hakbang laban sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa lalawigan.
Gamitin ang suspension bilang pagkakataon para makiisa sa Search and Destroy. Linisin ang bahay, paaralan, at paligid. Alisin ang mga lalagyan at iba pang bagay na maaaring maipunan ng tubig at pamugaran ng lamok.
Isasagawa rin sa Huwebes, Setyembre 17 ang sabayang paglilinis sa lahat ng 720 barangay sa Albay. Kasabay nito ang mga hakbang ng provincial government at mga LGU para palakasin ang dengue prevention at kahandaan sa mga ospital.
Mag-ingat, maglinis, at makiisa. Search and Destroy โ linisin ang paligid para iwas-Dengue.