01/06/2026
Isang gabi ng pagdiriwang ng kagandahan, talento, talino, at kakayahan ng makabagong kababaihang Taguigeña ang nasaksihan sa ginanap na Mutya ng Taguig 2026: Coronation Night.
Higit pa sa isang patimpalak sa kagandahan, ang Mutya ng Taguig ay nagsisilbing entablado upang maipakita ng mga kababaihan ang kanilang kakayahan, adbokasiya, at hangaring maging inspirasyon sa kapwa kabataan at komunidad.
Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig, sa pangunguna nina Mayor Lani Cayetano, Vice Mayor Arvin Alit, Congressman Ading Cruz Jr., Congressman Jorge Bocobo, at ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, ang mga programang nagbibigay ng oportunidad sa mga Taguigeña na mapaunlad ang kanilang sarili at maipakita ang kanilang natatanging husay.
Sa pagdiriwang na ito, ipinakita ng mga kalahok ang ganda, kumpiyansa, at malasakit na tunay na sumasalamin sa makabagong Mutya ng Taguig.
Sa pagtatapos ng gabi, kinilala ang mga natatanging kandidatang nagningning sa kompetisyon at nagsilbing inspirasyon sa bawat Taguigeño.
👑 Mutya ng Taguig 2026 – Michele Angela N. Okol (Barangay Bambang)
1st Runner-Up – Danna Ashley J. Mayo (Barangay Cembo)
2nd Runner-Up – Nicole Andre M. Manabat (Barangay Comembo)
3rd Runner-Up – Joana B. Rivera (Barangay Pinagsama)
4th Runner-Up – Queen Jubilee A. Mongcupa (Barangay Katuparan)
Mabuhay ang lahat ng mga kandidata na nagbigay ng karangalan sa kanilang mga barangay at nagpakita ng kagandahan na may layunin, talino, at malasakit para sa kapwa.