City Executive Legal Office - City of Taguig

City Executive Legal Office - City of Taguig Ang CELO ay itinatag ng City of Taguig para magbigay ng libreng payong legal sa mga Taguigeรฑo

28/08/2026
๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข:๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป, ๐—”๐˜‚๐—ด. ๐Ÿญ๐Ÿฐ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒDahil sa patuloy na pag-ulan, walang Libreng Payong ...
14/08/2026

๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข:
๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป, ๐—”๐˜‚๐—ด. ๐Ÿญ๐Ÿฐ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Dahil sa patuloy na pag-ulan, walang Libreng Payong Legal ngayong araw, August 14, 2026.

Para sa inyong kaligtasan, mas mabuting manatili muna sa inyong mga tahanan.

Ang Libreng Payong Legal ay magbabalik kapag gumanda na muli ang lagay ng panahon.

Sa mga may appointment, magpa-schedule na lang po ng panibago.

Maraming salamat po. Ingat po tayong lahat.

๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข:๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก, ๐—”๐—จ๐—š. ๐Ÿญ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒDahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha, walang Libr...
09/08/2026

๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—š๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข:
๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก, ๐—”๐—จ๐—š. ๐Ÿญ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha, walang Libreng Payong Legal ngayong araw, August 10, 2026.

Para sa inyong kaligtasan, mas mabuting manatili muna sa inyong mga tahanan.

Ang Libreng Payong Legal ay magbabalik kapag gumanda na muli ang lagay ng panahon.

Sa mga may appointment, magpa-schedule na lang po ng panibago.

Maraming salamat po. Ingat po tayong lahat.

DOKTOR NA PASYENTENG NAMATAY, PWEDE BANG KASUHAN NG MALPRACTICE KUNG MAY INFORMED CONSENT NA IBINIGAY ANG PASYENTE?Dear ...
07/08/2026

DOKTOR NA PASYENTENG NAMATAY, PWEDE BANG KASUHAN NG MALPRACTICE KUNG MAY INFORMED CONSENT NA IBINIGAY ANG PASYENTE?

Dear CELO,

Ako po si Joey. Noong nakaraang buwan, dinala namin si Papa sa ospital dahil sa pamamalat ng boses. Doon nalaman na may aneurysm pala siya sa aortic arch, at naapektuhan na rin ang vocal cords niya. Sabi sa CT scan, medyo malala na raw talaga ang kalagayan niya. Kaya nirekomenda ni Dr. Tomas Perez na ipa-heart bypass muna si Papa bago gamutin ang aneurysm.

Tagumpay naman ang bypass operation. Pero pagkatapos ng ilang buwan, lumala ulit โ€˜yung aneurysm niya. Binigyan kami ni Dr. Perez ng dalawang option: open-chest surgery o stenting procedure. Medyo nagdalawang-isip kami noong una, pero napapayag din kami sa stenting kasi sabi ni Dr. Perez, mas safe ito at mas kaunti ang komplikasyon. Nilinaw din niya na hindi siya ang gagawa ng procedure dahil hindi ito sakop ng expertise niya. Ipinakilala niya kami kay Dr. Ver, isang Belgian specialist, na siyang gagawa talaga ng procedure. Pumayag si Papa sa stenting procedure matapos siyang kausapin at matapos pumirma ng consent form.

Sa mismong araw ng procedure, tatlong beses sinubukan ni Dr. Ver na ipasok โ€˜yung custom stent pero hindi siya nagtagumpay. Sinabi niya sa amin na โ€œfaultyโ€ daw โ€˜yung stent. Sa kasamaang palad, na-stroke si Papa pagkatapos noon at tuluyan na siyang pumanaw.

Gusto ko lang po sanang itanong kung may basehan ba para magsampa kami ng kaso ng medical malpractice laban kay Dr. Perez?

Maraming salamat po sa inyong tugon.

Lubos na gumagalang,

Joey

***

Dear Joey,

Sa kasong Elpidio Que v. Philippine Heart Center, Dr. Avelino Aventura, and First Associated Medical Distribution Co., Inc. (G.R. No. 268308. April 2, 2025), sinabi ng Korte Suprema na ang isang doktor ay hindi pwedeng kasuhan ng medical malpractice kung tama naman ang medikal na payo na ibinigay niya, malinaw niyang ipinaliwanag ang mga posibleng panganib ng procedure, at may proper consent mula sa pasyente.

Sa kaso, pinagtibay ng Korte ang pagbasura sa reklamo laban kay Dr. Avelino Aventura, Chief ng Surgery ng Philippine Heart Center, kaugnay ng pagkamatay ng pasyente niyang si Quintin Que. Ayon sa Korte, ang medical malpractice ay nangyayari lang kung ang doktor ay hindi nakapagbigay ng โ€œstandard of careโ€ na inaasahan sa isang doktor sa kaparehong sitwasyonโ€”at ito ay nagdulot ng โ€œharmโ€ o pinsala sa pasyente. Isa sa mga basehan ng malpractice ay kulang sa informed consentโ€”kapag hindi lubos na naipaliwanag sa pasyente ang mga risk ng procedure.

Sinabi ng Korte na ipinaliwanag ni Dr. Aventura sa pasyente at sa pamilya ang lahat ng panganib ng stenting procedure, pati ang posibilidad ng kamatayan. Inayos din niya na ibang doktor ang gagawa ng procedure, at pumirma si Quintin sa consent form. Dahil dito, sinabi ng Korte na wala siyang naging kapabayaan.

Kaya kung sa kaso ninyo ay maayos na naipaliwanag ni Dr. Perez ang mga panganib ng procedure, kabilang na ang posibilidad ng pagkamatay, at pumirma naman ang tatay mo sa consent form ay walang sapat na basehan para kasuhan si Dr. Perez ng medical malpractice.

Nawaโ€™y nakatulong ang nasabing payo.

Gumagalang,

CELO

Paalala: Ang impormasyong ito ay pang-edukasyon lamang. Pinapayuhan po naming kayong mag-konsulta pa rin sa mga ganap na abogado para sa legal na payo sa inyong kaso.

Kung may problemang legal, i-konsulta mo sa CELO! Ang Libreng Payong Legal ay face-to-face, free legal consultation mula Lunes hanggang Biyernes, 2:00 hanggang 3:30 ng hapon sa 4th flr ng Taguig City Hall.

Limitado po ang slots. Kaya habang maaga, mag-book na po ng appointment. Hanapin lang po ang "Book now" button sa itaas ng FB Page ng City Executive Legal Office.

,

SUWELDO NG KAWANI NG GOBYERNO, MAAARI BANG KALTASAN ALINSUNOD SA ATAS NG KORTE?Dear CELO,Ako po ay isang konsehal sa isa...
06/08/2026

SUWELDO NG KAWANI NG GOBYERNO, MAAARI BANG KALTASAN ALINSUNOD SA ATAS NG KORTE?

Dear CELO,

Ako po ay isang konsehal sa isang lungsod dito sa Metro Manila. Kamakailan lang, nasangkot ako sa kasong estafa. Kahit na napawalang-sala ako sa kaso, nagdesisyon pa rin ang mababang hukuman na may pananagutan pa rin ako. Ayon sa kanilang desisyon, kailangan ko pa ring bayaran ang utang na naging dahilan ng kaso.

Dahil dito, pinayagan ng mababang hukuman na kaltasan ang sweldo ko bilang konsehal, base sa halagang kailangan kong bayaran. Pero gusto ko lang linawin na hindi ko pa nagagastos ang sweldong iyon at para sa akin, pag-aari pa rin iyon ng gobyerno. Kung gayon, hindi ito dapat ma-garnish ng sheriff.

Gusto ko lang sanang linawin kung puwede ba talagang i-garnish ang sweldo ko bilang konsehal, gayong sa pagkakalalam ko hindi puwedeng i-garnish ang anomang pag-aari ng gobyerno?

Maraming salamat po sa inyong tugon.

Lubos na gumagalang,

Samuel

***

Dear Samuel,

Sa kasong Atty. Bagbagen v. Perez (G.R. No. 274980. February 17, 2025), nilinaw ng Korte Suprema na puwedeng i-garnish o sapilitang kunin ng korte ang suweldo ng mga opisyal ng gobyerno para pambayad sa kanilang utang na napatunayan sa paglilitis.. Hindi ito sakop ng exemption sa ilalim ng mga umiiral na batas.

Sa nasabing kaso, naabsuwelto si Bagbagen sa kasong estafa ngunit napatunayan na siya ay may pananagutan parin sa mababang hukuman at inutusang bayaran si Perez ng halagang PHP 308,000. Ayon sa korte, kapag nailipat na ang suweldo ng isang opisyal sa kanyang personal na bank account, hindi na ito pera ng gobyerno.

Nilinaw din ng Korte Suprema na walang batas na nagsasabing hindi puwedeng i-garnish ang suweldo ng mga opisyal ng gobyerno. Ayon sa Rules of Court, puwedeng i-garnish ang sahod โ€” ng empleyado sa pribadong sektor o sa gobyerno โ€” para sa pagbabayad ng utang na natiyak ng korte.

Sa madaling salita, maaaring kaltasan ang suweldo ninyo kung may utos ang korte para bayaran ang utang, at ito ay ipinatutupad sa pamamagitan ng garnishment.

Nawaโ€™y nakatulong ang nasabing payo.

Gumagalang,

CELO

Paalala: Ang impormasyong ito ay pang-edukasyon lamang. Pinapayuhan po naming kayong mag-konsulta pa rin sa mga ganap na abogado para sa legal na payo sa inyong kaso.

Kung may problemang legal, i-konsulta mo sa CELO! Ang Libreng Payong Legal ay face-to-face, free legal consultation mula Lunes hanggang Biyernes, 2:00 hanggang 3:30 ng hapon sa 4th flr ng Taguig City Hall.

Limitado po ang slots. Kaya habang maaga, mag-book na po ng appointment. Hanapin lang po ang "Book now" button sa itaas ng FB Page City Executive Legal Office.

,

MANAGER NA KUMUPIT NG SERVCE CHARGE, MAY PANANAGUTANG KRIMINALDear CELO,Ako po si Jane, isang empleyado sa isang restaur...
05/08/2026

MANAGER NA KUMUPIT NG SERVCE CHARGE, MAY PANANAGUTANG KRIMINAL

Dear CELO,

Ako po si Jane, isang empleyado sa isang restaurant. Sa amin restaurant, naniningil kami ng service charge mula sa customers na ayon sa pagkakaalam ko, dapat ipinapamahagi sa aming mga empleyado. Ang problema, hindi namin natatanggap ang share namin sa service charge.

Ang sabi ng manager namin, policy daw ng kompanya na hindi ibigay sa amin ang service charge. Pero ang nakakapagtaka, pinapapirma pa rin kami sa payroll na para bang natanggap na namin ang share naminโ€”kahit wala naman talaga kaming nakuha.

Gusto ko lang po sanang itanong kung may mali o labag ba sa batas ina ginagawa ang kompanya sa hindi pagbibigay sa amin ng service charge at sa pagpapapirma sa amin ng kasulatan na kunwari ay natanggap namin ang share namin sa service charge?

Maraming salamat po sa inyong tugon.

Lubos na gumagalang,

Jane

***

Dear Jane,

Sa kasong Janice L. Teologo and Jennifer Delos Santos v. People (G.R. No. 238383. April 2, 2025), sinabi ng Korte Suprema na ang hindi pagbibigay ng service charge sa mga empleyado ay maituturing na simple theft o simpleng pagnanakaw lang.

Sa nasabing kaso, hinatulan ng mababang hukuman ang dalawang manager ng isang pizza restaurant ng qualified theft, dahil may ginawang pang-aabuso sa tiwala. Pero binago ito ng Korte Suprema at ginawang simple theft lamang. Sa paliwanag ng Korte, ang mga empleyado (hindi ang kompanya) ang tunay na biktima sa sitwasyon, at dahil wala namang special trust sa pagitan ng mga manager at mga empleyado, , hindi ito pwedeng ituring na qualified theft.

Ayon sa Revised Penal Code, nagkakaroon ng simple theft kapag may taong kumuha ng isang bagay na hindi kanya, nang walang paalam, na hindi gumamit ng dahas o pananakot, at may intensyong makinabang mula rito. Nagiging qualified theft ito kung may abuse of confidenceโ€”halimbawa, sa pagitan ng employer at empleyado. Walang ganitong special trust sa pagitan ng manager at mga ordinaryong mangagagawa

Dahil ikaw mismo ang apektado bilang empleyado, at hindi ang kompanya, hindi ito maituturing na qualified theft. Ang ginawa ng manager mo ay maaaring ituring na simple theft lamang.

Nawaโ€™y nakatulong ang nasabing payo.

Gumagalang,

CELO

Paalala: Ang impormasyong ito ay pang-edukasyon lamang. Pinapayuhan po naming kayong mag-konsulta pa rin sa mga ganap na abogado para sa legal na payo sa inyong kaso. )

Kung may problemang legal, i-konsulta mo sa CELO! Ang Libreng Payong Legal ay face-to-face, free legal consultation mula Lunes hanggang Biyernes, 2:00 hanggang 3:30 ng hapon sa 4th flr ng Taguig City Hall.

Limitado po ang slots. Kaya habang maaga, mag-book na po ng appointment. Hanapin lang po ang "Book now" button sa may itaas itaas ng FB Page ng City Executive Legal Office.

,

LUPANG IBINENTA NG PAMANGKIN NG WALANG KASULATAN, PWEDE BANG BAWIIN NG ANAK? Dear CELO,Noong nabubuhay pa ang Tiyo Ador,...
04/08/2026

LUPANG IBINENTA NG PAMANGKIN NG WALANG KASULATAN, PWEDE BANG BAWIIN NG ANAK?

Dear CELO,

Noong nabubuhay pa ang Tiyo Ador, ibinenta niya sa akin ang isang lote. Wala kaming pinirmahang kasulatan, pero ibinigay naman niya sa akin ang titulo at unti-unti ko siyang binayaran. Pagkatapos niyang pumanaw, ipinagpatuloy ko pa rin ang pagbabayad sa kapatid niya na si Tiyo Diego. Simulang maibenta sa akin ang lote, dito na ako nakatira at ako na rin ang nagbabayad ng amilyar.

Pero nitong mga nakaraang buwan, pinipilit na akong paalisin ng dalawang anak ni Tiyo Ador. Nalaman daw kasi nila na nakapangalan pa rin sa tatay nila ang titulo ng lupa. Ayon sa kanila, sila ang mga legal na tagapagmana at wala raw akong karapatang manatili sa lupa dahil wala akong maipakitang kasulatan na nagpapatunay na nabili ko ito.

Gusto ko lang po sanang malaman kung pwede po ba nilang bawiin sa akin ang lupa kahit matagal na akong nakatira dito, ako ang nagbabayad ng buwis, may kasunduan naman kami noon ni Tiyo Ador kahit hindi nakasulat, at nabayaran ko ang lote ?

Maraming salamat po sa oras ninyo at umaasa po akong matutulungan ninyo ako.

Gumagalang,

Angelo

***

Dear Angelo,

Sa kasong Benedicto Batara Ocampo and Daisy Garcia-Ocampo v. Noblesa Batara-Sapad and Ernesto C. Batara (G.R. No. 256343. April 2, 2025), sinabi ng Korte Suprema na kahit walang kasulatan ang bentahan ng lupa, pwede pa rin itong ituring na valid at may bisa basta may ebidensyang natupad na itoโ€”kahit bahagya lang.

Sa nasabing desisyon, kinilala ng Korte ang verbal na kasunduan sa pagitan nina Marcos Batara at ng kanyang pamangkin na si Benedicto Ocampo. Wala silang pinirmahang kontrata, pero ibinigay na kay Ocampo ang titulo ng lupa, lumipat na siya sa lupa, at nagpatayo na siya ng improvements kaya naman sabi ng Korte, valid pa rin ang bentahan kahit wala itong kasulatan.

Ayon sa Civil Code, dapat talaga ay may kasulatan para mapatupad ang bentahan sa korte. Pero kung may pruweba na nagkaroon na ng delivery ng lupa at nagkabayaran kahit paunti-unti, at lalo na kung lumipat na sa lupa ang bumili at siya na ang nagbabayad ng buwis o nagpatayo ng bahay, puwedeng kilalanin ng batas ang kasunduan kahit verbal lang ito. Maaari rin ang salaysay ng mga testigo para patunayan ang bentahan.

Sa kaso mo, malinaw na may bentahan na naganap sa pagitan mo at ng Tiyo Ador mo. Kaya hindi na maaaring bawiin ng mga anak niya ang lupa, dahil naipasa na sa iyo ang pagmamay-ari nito, at may sapat kang ebidensyang magpapatunay na totoo ang bentahan.

Sanaโ€™y nakatulong ang aming payo.

Gumagalang,

CELO

Paalala: Ang impormasyong ito ay pang-edukasyon lamang. Pinapayuhan po naming kayong mag-konsulta pa rin sa mga ganap na abogado para sa legal na payo sa inyong kaso.

Kung may problemang legal, i-konsulta mo sa CELO! Ang Libreng Payong Legal ay face-to-face, free legal consultation mula Lunes hanggang Biyernes, 2:00 hanggang 3:30 ng hapon sa 4th flr ng Taguig City Hall.

Limitado po ang slots. Kaya habang maaga, mag-book na po ng appointment. Hanapin lang po ang "Book now" button sa may itaas ng FB Page City Executive Legal Office.

,

LOTE NA IBINENTA NG CO-OWNER, MAAARI BANG BAWIIN NG IBANG CO-OWNERS?Dear CELO,Ako, ang aking kapatid na si Harry, at ang...
03/08/2026

LOTE NA IBINENTA NG CO-OWNER, MAAARI BANG BAWIIN NG IBANG CO-OWNERS?

Dear CELO,

Ako, ang aking kapatid na si Harry, at ang aming tiyahin na si Adelaida ay co-ownerโ€™s ng isang lupa. Kami ng aking kapatid ang naka-okupa at gumagamit ng lupa. Kalaunan ay ipinagbili ni Tiya Adelaida ang kanyang bahagi ng lupa kay Caloy, at ito ay opisyal na nakarehistro sa pangalan ni Caloy matapos masukat at maipamahagi ang lupa. Anim (6) na taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang bentahan.

Bagamaโ€™t naparehistro ni Caloy ang parte ni Tiya Adelaida, sa nasabing lupa, sinubukan naming bawiin ito sa pamamagitan ng paghahain ng reklamo para sa legal redemption. Subalit ibinasura ng mababang hukuman ang aming reklamo sa dahilang pasรณ na ang pagsasampa ng kaso,(ibig daw sabihin, lagpas na tamang panahon ang pagsampa).

Nais ko lamang pong malinawan kung may legal na batayan pa upang ituloy ang aming kaso, lalo na't hindi namin nagamit ang aming karapatang ma-redeem ang lupa bilang co-owners sapagkat wala kaming natanggap na nakasulat na abiso mula kay Tiya Adelaida tungkol sa bentahan ng kaniyang bahagi.
Maraming salamat po sa inyong tugon.

Lubos na gumagalang,

Mark

***

Dear Mark,

Sa kasong Antonio Azurin, Jr. and Rafael Azurin v. Carlito Chua (G.R. No. 259662. April 23, 2025), ipinaliwanag ng Korte Suprema na ang isang โ€œco-ownerโ€ ay kailangang magbigay ng nakasulat na abiso sa iba pang co-owners bago ipagbili ang kaniyang bahagi ng isang ari-arian. Gayunpaman, kung ang ibang co-owner ay may kaalaman na sa bentahan at nabigong gamitin ang kanilang karapatang bilhin ang bahagi sa loob ng 30 araw, hindi na kinakailangan ang nakasulat na abiso.

Nilinaw ng Korte Suprema sa nasabing kaso na bagaman mahalaga ang nakasulat na abiso, maaari itong hindi na kailanganin kung: (1) May di-pangkaraniwang mga pangyayari na naging dahilan upang malaman ng ibang co-owners ang tungkol sa bentahan, at (2) hindi sila kumilos o naging pabaya sa kanilang karapatang mag-redeem, na sa batas ay tinatawag na laches.

Sa madaling salita, dahil kayo ay nasa aktwal na pagmamay-ari ng lupa at may kaalaman sa isinagawang survey, masasabi na rin na kayo ay may alam sa naganap na bentahan na naganap anim na taon na ang nakalilipas. Bukod pa rito, si Caloy na siyang nag-okupa ng bahagi ng lupa na dating pag-aari ni Adelaida,ay malinaw na nagpapakita na ito ay naibenta na. Gayunpaman, lumipas ang mahigit anim na taon bago kayo kumilos upang bawiin ang nasabing ari-arian. Dahil dito, ang rekisito ng nakasulat na abiso ay maaari nang hindi ipatupad sa inyong kaso, dahil sa natatanging mga pangyayari at ang pagkakaroon ng laches (o lubhang pagpapabaya ng karapatan sa matagal na panahon) na nagpapahina sa inyong karapatan laban kay Caloy.

Nawaโ€™y nakatulong ang nasabing payo.

Gumagalang,

CELO

Paalala: Ang impormasyong ito ay pang-edukasyon lamang. Pinapayuhan po naming kayong mag-konsulta pa rin sa mga ganap na abogado para sa legal na payo sa inyong kaso. )

Kung may problemang legal, i-konsulta mo sa CELO! Ang Libreng Payong Legal ay face-to-face, free legal consultation mula Lunes hanggang Biyernes, 2:00 hanggang 3:30 ng hapon sa 4th flr ng Taguig City Hall.

Limitado po ang slots. Kaya habang maaga, mag-book na po ng appointment. Hanapin lang po ang "Book now" button sa may itaas ng FB Page ng City Executive Legal Office.

,

PATUNAY BA NG PAGBABAYAD NG 13TH MONTH ANG PAYROLL LISTING?Dear CELO, Ako po ay dating empleyado ng isang airline compan...
01/08/2026

PATUNAY BA NG PAGBABAYAD NG 13TH MONTH ANG PAYROLL LISTING?

Dear CELO,

Ako po ay dating empleyado ng isang airline company. Ako ay nagsumite ng reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) laban sa naturang kompanya dahil ako ay tinanggal sa trabaho nang walang makatarungang dahilan, at hindi ako nabayaran ng aking karampatang sahod at 13th month pay alinsunod sa batas.

Subalit, ibinasura ng Labor Arbiter ang aking reklamo kaugnay ng ilegal na pagtanggal sa trabaho. Tungkol naman sa aking mga monetary claims, sinabi ng Labor Arbiter at ng NLRC na nagsumite ang kumpanya ng mga dokumento ng payroll bilang patunay ng pagbabayad. Gayunman, nais kong idiin na ako ay hindi nakatanggap ng anumang bayad.

Gusto kong ni-apela ang desisyong inilabas kaugnay ng aking kaso, bago pa man maglabas ng pinal na pasya ang NLRC. Kaugnay nito, nais ko pong malaman kung may sapat na legal na batayan para ituloy ang hakbang na aking isinasaalang-alang.
Maraming salamat po sa inyong tugon.

Danilo

***

Dear Danilo,

Ayon sa kasong Philippine Airlines, Inc. vs. Romeo N. Ahmee et al., at Romeo N. Ahmee et al., vs. Philippine Airlines, Inc. (G.R. No. 221065 at G.R. No. 221164. April 7, 2025), ipinaliwanag ng Korte Suprema na hindi sapat ang ebidensiyang inilahad ng Philippine Airlines, Inc. (PAL) upang patunayan ang pagbabayad ng sahod at 13th month pay sa mga dating empleyado nito. Ang Payroll Listing at 13th Month Pay Payroll Register na ipinakita ng PAL ay hindi sapat, sapagkat hindi nito napatunayan na tunay na natanggap ng mga empleyado ang mga bayad.

Upang mapatunayang binayaran sa pamamagitan ng bangko ang sahod ng mga empleyado, kailangang maipakita ng mga employer na ang payroll ay naipasa at natanggap ng bangko. Sa nasabing kaso, pinagtibay ng Korte Suprema ang pasya ng Court of Appeals at binigyang-diin na ang payroll records at vouchers ay maituturing na matibay na ebidensiya ng pagbabayad lamang kung malinaw na nakasaad dito na natanggap ng empleyado ang pera at kung kailan ito ibinayad.

Para sa mga suweldo at benepisyo na dinadaan sa payroll account, binanggit ng korte na may tatlong yugto ito: una, ang paghahanda ng payroll; ikalawa, ang pagsusumite nito sa bangko; at ikatlo, ang pag-credit ng sahod sa bank account ng mga empleyado.

Upang mapatunayan ang pagbabayad, kailangang may ebidensiya ang employer na: isinumite ang payroll advice sa bangko, at ito ay aktwal na natanggap ng bangko, at sa kalaunan ng empleyado.

Nawaโ€™y nakatulong ang nasabing payo.

Gumagalang,

CELO

Paalala: Ang impormasyong ito ay pang-edukasyon lamang. Pinapayuhan po naming kayong mag-konsulta pa rin sa mga ganap na abogado para sa legal na payo sa inyong kaso.

Kung may problemang legal, i-konsulta mo sa CELO! Ang Libreng Payong Legal ay face-to-face, free legal consultation mula Lunes hanggang Biyernes, 2:00 hanggang 3:30 ng hapon sa 4th flr ng Taguig City Hall.

Limitado po ang slots. Kaya habang maaga, mag-book na po ng appointment. Hanapin lang po ang "Book now" button sa may itaas ng aming FB Page.

,

MENOR DE EDAD PINILIT MAKIPAGTALIK NG 60 GULANG NA FOREIGNER Dear CELO, Ako po si Alma at mayroon akong anak na si Mary,...
31/07/2026

MENOR DE EDAD PINILIT MAKIPAGTALIK NG 60 GULANG NA FOREIGNER

Dear CELO,

Ako po si Alma at mayroon akong anak na si Mary, isang menor de edad na 15 taong gulang. Si Mary ay may nakilala sa Facebook na isang foreigner nagngangalang Pete, 60 taong gulang, na kalaunan ay naging kanyang online โ€œsweetheart.โ€ Mula noon, nagsimulang humingi si Pete kay Mary ng mga hubad na larawan, na pinagbigyan naman ng aking anak kapalit ng pera. Bagamat kusa niyang ipinadala ang mga larawan, sinubukan niyang sabihin kay Pete na tigilan na ang paghingi ng mga ito. Subalit nagalit si Pete at tinakot si Mary na ipo-post niya ang mga larawan sa kanyang page.

Pagkatapos nito, ipinahayag ni Pete ang kagustuhan niyang makipagkita nang personal sa aking anak. Pumayag si Mary na makipagkita kay Pete kapalit ng PHP10,000.00. Nagkasundo silang magkita noong Enero 31.
Sa napagkasunduang araw, pumunta si Mary sa lugar na iyon at sila ay nagtalik. Makalipas ang ilang sandali, sinabi ni Mary kay Pete na tumigil na siya, ngunit hindi siya pinakinggan. Umiyak si Mary at muling nakiusap na itigil na ito, ngunit hindi pa rin siya pinakinggan. Nang makatulog si Pete, saka lamang nakatakas si Mary.

Nais ko lamang pong malaman kung may basehan ba upang masampahan ng kaso si Pete, kahit na sa simula ay pumayag ang aking anak na magpadala ng mga hubad na larawan at makipagtalik sa kanya.

Maraming salamat po sa inyong tugon.

Alma

***

Dear Alma,

Sa kasong People of the Philippines vs. Willem Johannes Peek (G.R. No. 256452. 25 February 2025), ipinaliwanag ng Korte Suprema na ang pag-imbita at pakikipagkita sa isang menor de edad para sa layunin ng seksuwal na pagsasamantala ay isang uri ng โ€œQualified Trafficking in Persons.โ€ Sa nasabing kaso, napatunayang nagkasala ng โ€œRapeโ€ at โ€œQualified Trafficking in Personsโ€ ang isang 68-anyos na dayuhan dahil sa seksuwal na pagsasamantala sa isang menor de edad. Ayon sa Korte, pinilit ng dayuhan ang biktima na pumunta sa kanyang apartment upang makipagtalik kapalit ng pera, at may bantang ia-upload ang kanyang hubad na larawan sa internet kung siya'y tatanggi.

May trafficking kapag ang isang tao ay kinakanlong o tinatanggap para sa prostitusyon, pornograpiya, o seksuwal na pagsasamantala. Ang kanlungan (harboring) ay maaaring tumukoy sa pananatili o panunuluyan ng isang tao sa lugar kung saan siya pagsasamantalahan, habang ang pagtanggap (receipt) ay maaaring tumukoy sa pakikipagkita sa biktima sa isang napagkasunduang lugar. May seksuwal na pagsasamantala kapag ang isang tao ay napipilitang makilahok sa prostitusyon o paggawa ng pornograpikong materyal dahil sa banta o pang-aabuso sa kanyang kahinaan. Ang krimen ay nagiging kwalipikado, o may mas mabigat na parusa, kung ang biktima ay isang menor de edad.

Samantala, ang panggagahasa o โ€œr**eโ€ sa ilalim ng Article 266-A(1)(A) ng Revised Penal Code (RPC) ay nagaganap kapag ang isang lalaki ay nakikipagtalik sa isang babae sa pamamagitan ng puwersa, banta, o pananakot, o kung ang biktima ay wala pang 12 taong gulang.

Sa madaling salita ay maaaring makasuhan si Pete ng r**e at Qualified Trafficking in Persons.

Nawaโ€™y nakatulong ang nasabing impormasyon.

Gumagalang,

CELO

( Paalala: Ang impormasyong ito ay pang-edukasyon lamang. Pinapayuhan po naming kayong mag-konsulta pa rin sa mga ganap na abogado para sa legal na payo sa inyong kaso. )

Kung may problemang legal, i-konsulta mo sa CELO! Ang Libreng Payong Legal ay face-to-face, free legal consultation mula Lunes hanggang Biyernes, 2:00 hanggang 3:30 ng hapon sa 4th flr ng Taguig City Hall.

Limitado po ang slots. Kaya habang maaga, mag-book na po ng appointment. Hanapin lang po ang "Book now" button sa may itaas ng aming FB Page.

,

Address

Taguig City Hall
Taguig
1637

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Executive Legal Office - City of Taguig posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to City Executive Legal Office - City of Taguig:

Shortcuts

Share