11/04/2026
ALAMIN: Para Saan ang Electronic Benefit Card ng DSWD Walang Gutom Program?
Para matiyak na ang bawat pamilyang benepisyaryo ay may sapat at masustansyang pagkain sa kanilang mesa, inilunsad ng DSWD ang Walang Gutom Program (WGP). Layunin nitong matulungan ang mga pamilya na makabili ng de-kalidad at masustansyang pagkain alinsunod sa food values - 50% Carbohydrates; 30% Protein at 20% Fiber - fruits and vegetables.
Sa ilalim ng programa, ang mga aktibong benepisyaryo ay binibigyan ng electronic benefit transfer (EBT) card na naglalaman ng Php 3,000 na food credits, na maaaring gamitin sa bawat food redemption activity sa mga DSWD partner retailers. Para masiguro ang balanseng pagkain, ang budget ay hinahati sa tatlong kategorya na dapat sundin sa pagbili: Go, Grow, at Glow foods.
Alinsunod sa hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., layunin ng WGP na puksain ang gutom at malnutrisyon sa buong bansa at makamit ang isang malusog at masiglang sambayanang Pilipino.
โค๏ธ