09/08/2026
๐ง๏ธ NO FACE-TO-FACE CLASSES | AUGUST 10, 2026
Dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon (Habagat) at sa forecast ng PAGASA na maaaring magdulot ng pagbaha at pagtaas ng tubig sa mga ilog, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa Bayan ng Tanay bukas, August 10, 2026.
Ang mga paaralan ay inaabisuhang mag shift sa modular distance learning upang maipagpatuloy ang pag-aaral habang nananatiling maulan ang panahon.
Pagkakataon din ito para maiayos at maihanda ang mga gagamitin sa eskwela ng ating mga kabataan at maiayos ang mga paaralan na ginamit bilang evacuation area.
Patuloy ding pinapayuhan ang lahat na maging alerto, lalo na ang mga nakatira malapit sa ilog, mabababang lugar, at landslide-prone areas.