Technology and Livelihood Development Center - Tanay, Rizal

Technology and Livelihood Development Center - Tanay, Rizal Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Technology and Livelihood Development Center - Tanay, Rizal, Government Organization, M. H. Del Pilar Street, Tanay.

OFFICE SCHEDULE
MONDAY TO FRIDAY
8:00 AM - 5:00 PM

CONTACT: (02) 942-7174 Loc 246

FOR MORE DETAILS :
[email protected]
[email protected]

"Tungo sa Moderno at Tuloy-tuloy na Pag-unlad ng Bayan ng Tanay"

26/08/2026

🌿 TRADITIONAL HILOT WELLNESS EXPERIENCE 🌿Nag-Aral Ng TESDA.
📍 CampSite Upland Barangay, Tanay, Rizal
Balikan ang simpleng paraan ng pagpapahinga at kagalingang hango sa ating katutubong tradisyon at kalikasan. 🍃
✨ Damhin ang traditional hilot experience gamit ang mga natural at indigenous materials mula sa kapaligiran—
🪨 mga batong hinango sa batis
🪵 natural na tuod ng kahoy bilang bahagi ng relaxing setup
🌺 at mainit na Ternate Flower Tea para sa calming experience.
Isang payak ngunit kakaibang wellness experience—malapit sa kalikasan, kultura, at tradisyon ng Tanay. 💚
🌿 Relax. Reconnect. Experience Traditional Hilot.
Tara sa Upland Tanay!

18/08/2026

sa mga nagmemessage po psa lang po kayo Bio Data sa aming opis at mas mainam may ganito po kayo:

Maikling Procedure: TESDA Skills Passport

1. I-download ang TESDA Skills Passport app sa iyong cellphone.
2. Gumawa ng account gamit ang iyong personal information at email/mobile number.
3. Mag-log in at kumpletuhin ang iyong TESDA profile.
4. I-verify ang identity (eKYC) gamit ang National ID/PhilSys o iba pang accepted government ID.
5. Kapag verified na, maaari nang gamitin ang Skills Passport para makita ang trainings/certifications, learning opportunities, scholarships at job opportunities.
🫡🇵🇭🙏✅


2026 TESDA Rizal World Café of OpportunitiesIsinagawa noong Lunes, Agosto 17, 2026 sa Robinsons Antipolo ang 2026 TESDA ...
18/08/2026

2026 TESDA Rizal World Café of Opportunities

Isinagawa noong Lunes, Agosto 17, 2026 sa Robinsons Antipolo ang 2026 TESDA Rizal World Café of Opportunities, isang programa na naglalayong pagdugtungin ang mga job seekers, employers, at mga institusyong nagbibigay ng skills at employment opportunities.

Tampok sa programa ang Job Linkaging (Job Fair), skills demonstrations, lectures, TVET promotions, at iba’t ibang oportunidad para sa mga naghahanap ng trabaho at nais mapaunlad ang kanilang kasanayan.

Dumalo at nagbigay-suporta sina DDG Felizardo R. Colambo, TESDA Deputy Director General for Special Concerns; Engr. Jovencio M. Ferrer, Jr., Regional Director, TESDA IV-A; Ms. Imee G. Sigua, Acting Provincial Director, TESDA Rizal; gayundin ang mga kinatawan ng Rizal Provincial Government at Antipolo City Government.

Sa atas po ng Punong Bayan ng Tanay, nailatag at isa isang sinalaysay po ang mga magandang adhikain sa ating Bayan Sa Harap ng Matataas na Opisyal ng TESDA upang mapalakas pa ang mga programa sa ating Bayan🇵🇭

Sa huli, Isang makabuluhang pagtitipon na muling nagpapatunay na ang skills development ay daan tungo sa mas maraming oportunidad, trabaho, at mas magandang kinabukasan.
Marami pong salamat sa pagtitiwala. Tara na sa BAGONG PILIPINAS🇵🇭



ayun po sa ating Pamahalaan Alinsunod sa Memorandum Circular No. 128, ipinatutupad ang Alternative Work Arrangements (AW...
18/08/2026

ayun po sa ating Pamahalaan Alinsunod sa Memorandum Circular No. 128, ipinatutupad ang Alternative Work Arrangements (AWA) sa lahat ng government offices sa buong Lalawigan ng Rizal ngayon Martes August 18, 2026.

Ito ay bunsod ng patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat (Southwest Monsoon).

Mananatiling BUKAS ang mga tanggapang nagbibigay ng medical at health services, disaster preparedness and response, emergency response, at iba pang basic at essential services na kinakailangan sa panahon ng sakuna.

Patuloy na mag-ingat at manatiling updated sa mga opisyal na abiso mula sa pamahalaan. 🙏🏻

Ingat ang lahat! TLDC attendance check✅


🔥 PATULOY PA RIN ANG PAGTANGGAP NG MGA APLIKANTE! 🔥May pagkakataon ka pang matuto, mahasa, at magkaroon ng sertipikasyon...
10/08/2026

🔥 PATULOY PA RIN ANG PAGTANGGAP NG MGA APLIKANTE! 🔥

May pagkakataon ka pang matuto, mahasa, at magkaroon ng sertipikasyon sa welding! 👨‍🏭⚡

🧑‍🏭 SHIELDED METAL ARC WELDING (SMAW) NC III

🎓 FULL SCHOLARSHIP PROGRAM
⏱️ 15 Araw / 120 Oras na Pagsasanay
📅 Lunes hanggang Biyernes | 8:00 AM – 5:00 PM
📍 TLDC Training Area, Tanay Municipal Compound

📢 BUKAS PA ANG APLIKASYON!
Patuloy pa ring tumatanggap ng mga aplikante para sa SMAW NC III. Huwag palampasin ang pagkakataong madagdagan ang inyong kaalaman at kasanayan para sa mas magandang oportunidad sa trabaho!

📩 Email: [email protected]
☎️ Contact: (02) 942-7174 Loc. 246
📍 Registration: 2nd Floor TLDC/TESDA Office, Tanay Municipal Main Building

👉 Mag-apply na! I-level up ang iyong welding skills at maging isang mas mahusay at sertipikadong welder! 💪🔥

#
Municipality of Tanay, Rizal RM Tanjuatco

07/08/2026

Maulang Friday Ingat Kabayan…
laging pakatandaan: Don’t Give Up!!! Laban Lang, Hane!

Handog ng Pamahalaang Bayan- MSWD para sa ating mga kababaihan🫶🏻❤️🙏



atm: Para sa Mahal nating mga Kababayan:Narito ang 10 simpleng TIP para maging masigla ang pangkabuhayan o negosyo ng mg...
07/08/2026

atm: Para sa Mahal nating mga Kababayan:

Narito ang 10 simpleng TIP para maging masigla ang pangkabuhayan o negosyo ng mga Solo Parent, lalo na sa paggamit ng social media:

1. Maging Masigasig – Huwag madaling sumuko. Ang maliit na negosyo ay lumalaki kapag patuloy na pinagsisikapan.
2. Huwag Mahiyang Mag-Facebook Live – Ipakita ang produkto, proseso, presyo at kuwento ng inyong negosyo. Mas maraming nakakakita, mas maraming posibleng bumili.
3. Gamitin ang Sariling Kakayahan – Magnegosyo batay sa inyong talento tulad ng pagluluto, pananahi, baking, online selling o serbisyo.
4. Maging Malikhain sa Pagpo-post – Gumamit ng malinaw na larawan, maikling video at simpleng caption na madaling maintindihan.
5. Makipagkaibigan sa Customers – Maging magalang, mabilis sumagot at panatilihing maganda ang pakikitungo sa bawat mamimili.
6. Magsimula sa Maliit – Hindi kailangang malaki agad ang puhunan. Magsimula sa kaya at unti-unting palaguin.
7. Ipakita ang Totoong Kuwento – Ibahagi kung paano ninyo sinisikap ang negosyo bilang Solo Parent. Ang tunay na kuwento ay nakaka-inspire at nakakaengganyo sa customers.
8. Matutong Mag-Online Selling – Alamin ang paggamit ng Facebook Marketplace, Messenger, TikTok at iba pang platform para mas mapalawak ang merkado.
9. Mag-ipon at Mag-reinvest – Huwag ubusin lahat ng kinikita. Magtabi para sa puhunan, kagamitan at pagpapalago ng negosyo.
10. Maniwala sa Sarili – Solo Parent man, kaya mong maging negosyante! Maging MASIGASIG, MATAPANG AT HINDI MAHIYAIN sa pag-promote ng sariling produkto.

Tandaan: “Hindi kailangang maging malaki agad ang negosyo. Ang mahalaga, nagsisimula, nagsisikap at hindi sumusuko.” 💪💼❤️

Ipagpatuloy para sa Kinabukasan…🙏 Lamang ang may ALAM🇵🇭🤜🤛🏻❤️Another batch of CBT Shielded Metal Arc Welding -Tanay1 ALBA...
02/08/2026

Ipagpatuloy para sa Kinabukasan…🙏 Lamang ang may ALAM🇵🇭🤜🤛🏻❤️

Another batch of CBT Shielded Metal Arc Welding -Tanay

1 ALBA, RODRICK JOHN P.
2 ALTAMERANO, SEBASTIAN GABRIEL C.
3 BAUTISTA, BRAYLE DAVEN A.
4 BAUTISTA, RYAN JHEAROLL F.
5 BUMANLAG, TRISTAN CARLOS P.
6 CASILE, JHON MANUEL G.
7 CATOLOS, ERICK C.
8 DELA CRUZ, JAMES DARYL B.
9 DELA CRUZ, JULLO P.
10 ELAGO, DHARYL V.
11 FERNANDEZ, JULIAN M.
12 GARCIA, JOHN PAUL VIC R.
13 GUEVARRA, MARK JHIRO D.
14 JIMENEZ II, ELYSUS PRINCE HANSAM B.
15 LOBEDORIAL, REGGIE G.
16. Magno, Carlos
17. MAGNO, JHENICO M.
18.ONDIZ, LIMUEL M.
19. PONDALES, REXON C.
20. PORGATORIO, ROMEO JR. P.
21. RAMOS, ALBERT
22.RAMOS, ROMEL C.
23.REYES, MC CLEAN S.
24 ROSALES, MARLON P.
25.SANCHES, JEREMIE A.
26 SOLERES, DENMARK Y.
27 ULPATO, RICH JAMES
28 URBANO, DENNISE V.
29. ZARI, QUEEN CLAUDETTE C.
30. ZARI, ROCKY B.

Address

M. H. Del Pilar Street
Tanay
1980

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Technology and Livelihood Development Center - Tanay, Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share