09/08/2026
🚨 BARANGAY ADVISORY
PARA SA LAHAT NG RESIDENTE SA MGA LUGAR NA NAAPETEKTUHAN NG BAHA
MULA SA:
PUNONG BARANGAY/ BARANGAY COUNCIL
PETSA: AUG. 9, 2026
Lahat ng mga nakatira sa mga lugar na madalas bahain ay pinapayuhang maging handa at alerto sa lahat ng oras. Inaasahan ang patuloy na pag-ulan at pagtaas ng antas ng tubig, kaya’t pinapayuhan kayong sundin ang mga sumusunod:
MGA DAPAT GAWIN:
1. Maging Alerto — Bantayan ang ulat ng panahon at mga anunsyo mula sa Barangay at LGU.
2. Ihanda ang Emergency Kit — Maghanda ng pagkain, tubig, gamot, ilaw, baterya, at mahahalagang dokumento na nakalagay sa ligtas na lagayan.
3. Ilipat ang Gamit sa Mataas na Lugar — Itaas ang mga kagamitan, kagamitang de-kuryente, at mahahalagang gamit upang hindi mabasa.
4. Maghandang Lumikas — Kung tumaas na ang tubig o kung inutusan na ng mga awtoridad, lumikas agad sa ligtas na lugar o sa itinalagang Evacuation Center. Huwag nang maghintay pa.
5. Iwas Panganib — Iwasan ang pagtawid sa mabilis na agos ng tubig. Patayin ang kuryente kung kinakailangan at huwag humawak sa mga basang kable.
6. Alagaan ang Pamilya — Siguraduhing ligtas ang mga bata, matatanda, at may sakit. Huwag iiwanan ang inyong tahanan nang walang nakakaalam kung saan kayo pupunta.
KUNG MAY EMERGENCY, MAKIPAG-UGNAY SA AMIN:
Barangay Officials/Emergency Hotline
Punong Barangay: RAMON V. BERALDE
Maging Laging Handa, Mag-ingat, at Magtulungan!