03/08/2026
Sa pagsisimula ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, buong pagmamalaki nating ipinakita ang ating pagmamahal sa wikang Filipino at mayamang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagsusuot ng ating mga kasuotang Pilipino.
Ang bawat barong, baroβt saya, Filipiniana, at iba pang tradisyunal na kasuotan ay sumasalamin sa ating pagkakakilanlan, kasaysayan, at pagmamahal sa ating bansang sinilangan. Sa temang βWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,β nawaβy maging inspirasyon ang pagdiriwang na ito upang patuloy nating gamitin, pahalagahan, at paunlarin ang ating sariling wika kasabay ng responsableng paggamit ng makabagong teknolohiya.
Maraming salamat sa lahat ng mga g**o, kawani, at mag-aaral na nakiisa sa pagbubukas ng pagdiriwang. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagpapayabong ng ating wika at kulturang Pilipino.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang kulturang Pilipino! π΅ππβ€οΈπ