05/10/2026
OCTOBER 2, 2026
Serbisyong Gayem ti Umili / Ronda Barangay / Purok Kalusugan sa Barangay Lacab, Jones, Isabela Jones,Isabela🩺🌾❤️
Isang masigla at produktibong araw na naman para sa ating lingguhang caravan! Matagumpay nating dinala ang iba't ibang serbisyo ng pamahalaang lokal diretso sa Barangay Lacab upang mas mapalapit ang kalinga sa bawat pamilyang Jonesians.
Ang malawakang programang ito para sa 42 barangays ng Jones ay patuloy na sustained at isinasakatuparan sa ilalim ng liderato at buong-pusong suporta ng ating Municipal Mayor Nhel C. Montano and elected officials 🫡🌟
🤝 MGA SERBISYONG INIHANDOG SA KOMUNIDAD:
Maraming residente ang nakatanggap at nakinabang sa ating mga libreng serbisyo na naganap:
• 🩺 Medical Consultation – Libreng check-up at konsultasyon sa doktor
• 🦷 Dental Services – Alagang pang-ngipin, dental health education and flouride application
• 🧪 Laboratory Services – Libreng pagsusuri at mga medical tests
• 💊 Pharmacy Services – Libreng pamimigay ng mga iniresetang gamot at bitamina diretso sa mga pasyente.
• 🧓 Geriatric Screening – Espesyal na pagsusuri at kalinga para sa kalusugan ng ating mga minamahal na Senior Citizens.
• 📝 YAKAP PhilHealth Registration – On-site enrollment at pag-update ng membership para sa agarang seg**ong pangkalusugan ng pamilya.
• 📢 Ronda Health Fair – Malawakang edukasyon ukol sa mga priority health areas (Move more,Eat Right, Be Clean,Live Sustainably, Get Vaccinated, Don't Smoke,Avoid Alcohol, No to Drugs,Care for yourself,Care for Others, Practice Safe Sex,Do no Harm, Put safety First) at mga iba pa.
RONDA HEALTH EVALUATION & FEEDBACKING SESSION
Matapos ang matagumpay na caravan, agad ding isinagawa ang Ronda Health Evaluation. Ito ang ating Yearly Evaluation para sa implementasyon ng mga programa ng Barangay Health Station upang masig**ong abot ang ating mga health targets sa grassroots level.
Sinundan ito ng isang komprehensibong Feedbacking Session kasama ang mga miyembro ng Barangay Health Board upang dinggin ang mga mungkahi, tugunan ang mga pangangailangan, at patuloy na i-upgrade ang ating serbisyong medikal para sa ating mga ka-babayan. 📋📉
❤️ MARAMING SALAMAT PO!
Isang napakalaking pasasalamat sa mainit na pagtanggap, suporta, at pag-asikaso ng ating host barangay na pinamumunuan ni Brgy. Capt. Jocelyn Colobong kasama ang kanyang buong-sipag na Barangay Officials.
Taos-pusong pasasalamat din sa walang-pagod na dedikasyon ng ating mga bayaning frontliners:
• 👩⚕️ Rural Health Midwife Jacqueline Salvador & Human Resources for Health Irish Jane Salvador
• 🤝 Barangay Health Workers (BHWs)
• 🍏 Barangay Nutrition Scholar(BNS)
Salamat sa inyong pakikiisa para sa isang mas malusog, maunlad, at masiglang Jones! 💪🇵🇭
🌐 | | | |