Irene Morgado

Irene Morgado The official page of Irene Morgado.

29/08/2026

DOST Scholarship 2027. For incoming First Year College Students or Grade 12 ngayon.

BENEFITS:
✅ Monthly Living Allowance: ₱8,000
✅ Tuition and Other School Fees: Up to ₱40,000 per academic year
✅ Book Allowance: ₱10,000 per year
✅ Clothing Allowance: ₱1,000 for the first semester
✅ Thesis Allowance: ₱10,000
✅ More

Source: DOST
📌 For informational purposes only. We do not process applications.

Isa na namang matagumpay na pagpupulong ang naidaos ng Romblon Provincial Cooperative Development Council para sa ika-2 ...
06/08/2026

Isa na namang matagumpay na pagpupulong ang naidaos ng Romblon Provincial Cooperative Development Council para sa ika-2 quarter, ngayong Agosto 6, 2026 sa Provincial Extension Office, Odiongan, Romblon. Nagtipon ang mga kinatawan mula sa National Agencies, Provincial Cooperative Dev’t Office, PPDO, OPAg, mga MCDOs, at mga katuwang sa buong lalawigan para pag-usapan ang kalagayan ng mga kooperatiba, ang paghahanda para sa 20th Ragipunan sa darating na Oktubre, mga update tungkol sa Regional Cooperative Congress sa Marinduque, at ilang panukalang resolusyon na naglalayong magpatibay pa ng ating mga programa.

Sa bawat pagpupulong na tulad nito, lalong nagiging matatag ang ugnayan ng mga miyembro at ng mga ahensyang kasama natin sa laban. Patuloy nating pagyamanin ang diwa ng kooperatibismo — para sa mas maunlad at mas matatag na Romblon. 🤝

Happy 60th birthday, Nancy! 🎉 Sobrang saya na maging bahagi ng inyong “Fabulous at 60” celebration! Nakakataba ng puso n...
04/08/2026

Happy 60th birthday, Nancy! 🎉 Sobrang saya na maging bahagi ng inyong “Fabulous at 60” celebration! Nakakataba ng puso na makita ang init ng bati mula sa mga kaibigan at pamilya, at ang saya sa bawat kwentuhan at handaan. Sana’y patuloy ka pang pagpalain ng Diyos ng mahabang buhay, mabuting kalusugan, at maraming pang taon ng kasiyahan kasama ang mga taong nagmamahal sa’yo. Fabulous at 60 talaga! ❤️🥳🎂

Bawat kilong bigas, bawat gulay na inaani — isang patunay ng pagmamahal ng ating mga magsasaka. 🌾💜Nagsama-sama tayo ngay...
29/07/2026

Bawat kilong bigas, bawat gulay na inaani — isang patunay ng pagmamahal ng ating mga magsasaka. 🌾💜

Nagsama-sama tayo ngayong araw kasama ang ating buting Mayor Mayor Roger "Toto" Fodra Jr.
hindi lamang para sa Kadiwa ng Pangulo at sa abot-kayang bigas, kundi para din ipakita ang tunay na suporta natin sa mga Pilipinong nagsusumikap araw-araw sa bukid.

Salamat sa ating mga Farmers Association sa sariwang produkto — mula sa okra hanggang sitaw, saging hanggang kalabasa — lahat galing sa pawis at pagmamahal ng ating mga magsasaka.

Dito nagsisimula ang pagbabago: kapag sinuportahan natin ang lokal, tumataas ang kabuhayan ng bawat pamilyang umaasa sa lupa. Hindi lang tayo bumibili ng bigas at gulay — nagbibigay tayo ng pag-asa at dignidad sa bawat magsasakang gumagawa nito para sa atin.

Padayon, mga kababayan! Suportahan natin ang sariling atin. 🇵🇭🌱

📸Mayor Roger "Toto" Fodra Jr.

Happy 112th Founding Anniversary sa Iglesia Ni Cristo! 🙏💚💛Nais kong makiisa sa pagbati at pagpaparangal sa napakahabang ...
28/07/2026

Happy 112th Founding Anniversary sa Iglesia Ni Cristo! 🙏💚💛

Nais kong makiisa sa pagbati at pagpaparangal sa napakahabang taon ng paglilingkod at debosyon ng Iglesia sa larangan ng pananampalataya. Kahanga-hanga ang inyong disiplina, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain at gabayan sa mga susunod pang taon ng paglilingkod. Maligayang anibersaryo! 🎉

— Mula kay SP Irene Morgado

19/07/2026
Isang araw na puno ng ngiti at pasasalamat sa San Jose! Kasama ang Romblon Marble Lady Eagles Club, PNP, at mga kapwa bo...
16/07/2026

Isang araw na puno ng ngiti at pasasalamat sa San Jose! Kasama ang Romblon Marble Lady Eagles Club, PNP, at mga kapwa boluntaryo, ipinamahagi namin ang pagkain, gamot, at reading glasses sa ating mga kababayan, lalo na sa ating mga lolo at lola.

Dahil ang tunay na paglilingkod ay hindi naghihintay sa opisina — dinadala natin ang serbisyo diretso sa kanilang tirahan. Ito ang tunay na kahulugan ng “malapit ang lingkod sa mamamayan” — hindi lamang salita, kundi gawa.

Salamat sa bawat kamay na tumulong, sa bawat ngiti na aming nakita, at sa tiwalang ipinagkaloob ng ating komunidad. Ipagpapatuloy natin ito — dahil walang maiiwan sa likod. 🦅💜

“Puso ng lingkod-bayan, laging nasa serbisyo. 💜”Ipinamahagi natin ang pagkain sa mga estudyanteng nag evacuate sa Romblo...
12/07/2026

“Puso ng lingkod-bayan, laging nasa serbisyo. 💜”

Ipinamahagi natin ang pagkain sa mga estudyanteng nag evacuate sa Romblon State University, Progresso Weste at Ferrol bilang bahagi ng patuloy na pagmamalasakit sa mga apektado ng kalamidad. Sa gitna ng mga hamong dulot ng sitwasyon, ipakita natin ang tunay na malasakit sa kapakanan ng mga kabataan at mamayan, tinitiyak na hindi sila nag-iisa sa mga oras na ito.

Patuloy ang pangako nating tumulong at maglingkod sa mga mamamayan, lalo na sa panahon ng kagipitan

Matagumpay na inilunsad noong July 1, 2026 ang opisyal na pagbubukas ng Uswag Panique SLP Association Portable Gasoline ...
07/07/2026

Matagumpay na inilunsad noong July 1, 2026 ang opisyal na pagbubukas ng Uswag Panique SLP Association Portable Gasoline Station, isang proyekto sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP).

Ang inisyatibang ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap at pananalig ng ating mga kababayan sa Panique, Odiongan, Romblon na magkaroon ng sustainable na pagkukunan ng kabuhayan. Layunin nitong tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa karagdagang kita at trabaho para sa mga miyembro ng asosasyon.

Address

Looc

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Irene Morgado posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share