Labu-Labu II page

Labu-Labu II page ALONG NATIONAL HIGHWAY

August 17, 2026 BLGU Labu-Labu II Conduct - Regular Flag Raising Ceremony
17/08/2026

August 17, 2026

BLGU Labu-Labu II Conduct - Regular Flag Raising Ceremony

Assalamu Alaikum W.WMga KabarangayIlay nu syaba e lekitanu a Barangay Labu-Labu II, ka upama mailay nu e ngala nu sanba ...
04/08/2026

Assalamu Alaikum W.W
Mga Kabarangay

Ilay nu syaba e lekitanu a Barangay Labu-Labu II, ka upama mailay nu e ngala nu sanba na lukanu bu sa barangay hall ka endu kanu makakwa sa form antu a kailangan pan e fill-up NJ u entyin e nakaamong syaba tigilan na UPLIFT

16/07/2026
16 July 2026Nagsagawa ng mahalagang pagpupulong ang mga opisyal ng BLGU Labu-Labu II, Katuwang ang ating mga kasundaluha...
16/07/2026

16 July 2026

Nagsagawa ng mahalagang pagpupulong ang mga opisyal ng BLGU Labu-Labu II, Katuwang ang ating mga kasundaluhan, upang talakayin at pagtibayin ang mga hakbang na magpapanatili ng kapayapaan, katahimikan, kaayusan, at seguridad sa ating komunidad.

Sa pamamagitan ng bukas na talakayan, maayos na koordinasyon, at matibay na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng ating mga kasundaluhan, patuloy nating isinusulong ang mga programa at estratehiya na magbibigay ng ligtas at payapang pamayanan para sa bawat mamamayan.

Ang pagpapanatili ng kapayapaan ay isang sama-samang responsibilidad. Sa pagkakaisa, pagtutulungan, at aktibong pakikilahok ng bawat isa, makakamit natin ang isang mas ligtas, maayos, at maulad na Barangay Labu-Labu II.

"Kapayapaan ang pundasyon ng kaunlaran,at ang pagkakaisa ang susi sa isang matatag na pamayanan."




13 July 2026Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Barangay ng Barangay Labu-Labu II sa pangunguna ng ating masipag na ...
13/07/2026

13 July 2026

Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Barangay ng Barangay Labu-Labu II sa pangunguna ng ating masipag na Punong Barangay Hon.Tato G. Zangkala, sa ating Minamahal na Mayor Hon.Datu Prince Sufri M. Ampatuan, at sa ating butihing Vice Mayor, Hon. Bai Bongbong M. Ampatuan, kanilang taos-pusong malasakit at walang pag-aatubiling pagtulong sa isa nating indigent senior citizen, Ginang Kulot T. Daulog.

Sa pamamagitan ng inyong kabutihang-loob, naipaayos ang kanyang tahanan - isang biyayang nagbigay sa kanya Ng mas ligtas at mas maayos, at mas komportableng lugar na matatawag na tahanan. Higit pa sa pagkukumpuni ng isang bahay, kayo po ay nagbigay ng panibagong pag-asa, dignidad, at kapanatagan sa buhay ng isa nating nakatatandang kababayan.

Ang inyong ipinakitang malasakit ay sumasalamin sa tunay na diwa ng pamumunong may puso at serbisyong inuuna ang kapakanan ng bawat mamamayan, Lalo na ang mga higit na nangangailangan.

Mula sa Pamahalaang Barangay Labu Labu II at sa buong komunidad, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na suporta, malasakit, at dedikasyon sa paglilingkod.. Nawa'y patuloy kayong gabayan at pagpalain sa inyong marangal na misyon para sa kapakanan ng ating mga mamamayan.

Muli Maraming Maraming Salamat po



12/07/2026

𝐒𝐄𝐄 π˜πŽπ” 𝐈𝐍 𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒 π“πŽπŒπŽπ‘π‘πŽπ–!

Inaabisuhan ang publiko na lifted na ang class suspension sa buong Probinsiya ng Sultan Kudarat.

Ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ay maaaring magpatuloy sa kanilang regular na academic activities, alinsunod sa mga umiiral na alituntunin at sa anumang school-specific advisories.

Ang opisyal na Executive Order ay ilalabas at ipo-post sa page para sa kumpletong detalye.

Maraming salamat sa inyong patuloy na kooperasyon!

12/07/2026
Ang Pamahalaang Barangay ng Labu-Labu II, Datu Hoffer Ampatuan, MDS ay taos-pusong nagpapasalamat sa Pamahalaang Panlala...
11/07/2026

Ang Pamahalaang Barangay ng Labu-Labu II, Datu Hoffer Ampatuan, MDS ay taos-pusong nagpapasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur, sa pangunguna ng ating butihing Governor Hon. Datu Ali Midtimbang, Alhadj at PDRRMO-MDS sa agarang pagtugon at pagbibigay ng relief assistance sa ating mga kababayang naapektuhan ng pagbaha dulot ng Bagyong Inday.

Ang inyong malasakit, mabilis na aksyon, at taos-pusong paglilingkod ay naging malaking pag-asa at kaginhawaan sa ating mga pamilya na pansamantalang lumikas at naapektuhan ng kalamidad.

Muli, maraming salamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa patuloy na pagsuporta at pakikiisa sa ating Barangay sa panahon ng pangangailangan.




Nais ipaabot ng ating mga IDPs ang kanilang Taos-pusong pasasalamat sa MSSD-BARMM at MSSD -Datu Hoffer sa katauhan ng at...
10/07/2026

Nais ipaabot ng ating mga IDPs ang kanilang Taos-pusong pasasalamat sa MSSD-BARMM at MSSD -Datu Hoffer sa katauhan ng ating masipag na MSWDO Maam Zhai Ibrahim-Blo

Maraming maraming salamat po




Address

Maganoy

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Labu-Labu II page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share