30/09/2026
🥗𝗚𝗨𝗟𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗞𝗨𝗥𝗔𝗡 𝗩𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 |
𝗕𝗖𝗣𝗖
𝘍𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺 𝘔𝘰𝘯𝘵𝘩 𝘊𝘦𝘭𝘦𝘣𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 (𝘒𝘈𝘐𝘕𝘈𝘕𝘎 𝘗𝘈𝘔𝘐𝘓𝘠𝘈 𝘔𝘈𝘏𝘈𝘓𝘈𝘎𝘈)
Matagumpay na binisita ngayong araw ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) ng Barangay San Isidro ang mga kalahok sa ating programang 𝗚𝗨𝗟𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗞𝗨𝗥𝗔𝗡.
Sa pangunguna ng ating masipag na
Punong Barangay at BCPC Chairperson
KGG.ARNOLD G. GARCIA at ng
ating BCPC Vice Chairperson KGG. EVANGELINE R. TAMPIS, at mga Barangay Kagawad na sina Kgg. Carmelita Rub, Kgg. John Aguilar, Kgg. Christian Boy Viuya at Kgg. Woody Castillo, kasama din ang Barangay Nutrition Scholar na si Ms. Donna Guttierrez, ay personal na inikot ang mga bakuran ng ating mga kalahok.
Lubos po kaming humanga sa sipag at tiyaga ng ating mga pamilya! Kitang-kita ang pagmamahal nila sa pagtatanim - may talong, okra, pechay, kamatis, sili at marami pang iba, gamit pa ang mga recycled materials. Patunay na kahit maliit ang bakuran, basta may diskarte, may aanihin!
Layunin ng programang ito na turuan ang bawat pamilya na magtanim ng sariwa at masustansyang gulay para sa mas malusog na pamilya at mas masaganang pamumuhay.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa!