National Privacy Commission

National Privacy Commission National Privacy Commission β€” protecting the right to privacy in the digital age. This page is managed by the NPC's Public Information and Assistance Division.
(332)

The National Privacy Commission is the country's privacy watchdog; an independent body mandated to administer and implement the Data Privacy Act of 2012 and to monitor and ensure compliance of the country with international standards set for data protection. if you feel like any of your data privacy rights have been violated, contact us at [email protected] or [email protected].

31/07/2026

Nag-upload ka na rin ba ng photo mo sa AI para magkaroon ng instant professional photoshoot? πŸ“Έβœ¨

Alam mo ba kung ano ang pwedeng mangyari sa personal data mo pagkatapos niyan?

Sa panibagong episode na ito, makakasama natin si Deputy Privacy Commissioner Atty. Juan Paolo F. Fajardo para talakayin ang risks at realities ng deepfakes at emerging technologies - mula sa fake videos at cloned voices na ginagamit sa scam, hanggang risks sa pag-upload ng pictures sa AI.

Deep-Fake It 'Til You Break It: Spotting Scams in the Age of AI

Tutok na, mga ka-privacy!

29/07/2026

Hanggang saan nga ba kayang subukin ng AI ang ating tiwala? πŸ‘€

Sa panahon ng AI, paano natin malalaman kung alin ang totoo at alin ang dapat pag-ingatan?

Alamin ang mga posibleng risks ng AI at kung paano natin mapoprotektahan ang ating personal data.

Abangan ang bagong episode ng Privacy in the Spotlight!

πŸ‘€ Akala mo dahil public ang post mo, pwede na itong kunin at gamitin ng kahit sino? Think again.  Alam mo ba, kayang man...
24/07/2026

πŸ‘€ Akala mo dahil public ang post mo, pwede na itong kunin at gamitin ng kahit sino?

Think again.

Alam mo ba, kayang mangolekta ng automated tools ng ng impormasyon mula sa websites at social media sa loob lamang ng ilang segundo. Ang prosesong ito ay tinatawag na data scraping.

Ayon sa NPC Advisory No. 2026-01, ang data scraping ay tumutukoy sa automated o manual na pagkuha ng publicly available personal data, kabilang ang text, larawan, audio, video recordings, at user profiles, mula sa websites, applications, at iba pang online sources. Maaari itong gamitin para sa lehitimong layunin, ngunit kapag ang kinokolekta ay personal data, ang pagproseso nito ay nananatiling saklaw ng Data Privacy Act of 2012 (Republic Act No. 10173).

Mahalagang tandaan na ang pagiging publicly available ng personal data ay HINDI awtomatikong nangangahulugang may pahintulot na ang data subject para gamitin ito sa anumang layunin.

Ang mga Personal Information Controllers (PICs) ay dapat pa ring magkaroon ng lawful basis, malinaw na legitimate purpose, at sumunod sa mga prinsipyo ng data privacy, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa Transparency, Legitimate Purpose, Proportionality, at Accountability sa pagproseso ng personal data.

Bilang data subject, maaari mong mabawasan ang iyong digital footprint sa pamamagitan ng:

πŸ”Pag-review ng iyong privacy settings.
πŸ‘€ Paglilimita ng personal na impormasyong ibinabahagi sa publiko.
πŸ€” Pag-iisip muna bago mag-post o magbahagi ng sensitibong impormasyon.

Public doesn't mean permission. Ang privacy ay hindi nawawala dahil lamang nakikita ang iyong impormasyon online.

πŸ“– Basahin ang buong NPC Advisory No. 2026-01: Guidelines on Data Scraping of Publicly Available Personal Data dito:

https://privacy.gov.ph/wp-content/uploads/2026/04/SGD_A_1.pdf

Sold out ang tickets. Pero secured ba ang personal data mo? πŸ‘€ Concert tickets, limited-edition releases, and exclusive d...
23/07/2026

Sold out ang tickets. Pero secured ba ang personal data mo? πŸ‘€

Concert tickets, limited-edition releases, and exclusive drops often create a rush among buyers.

Pero habang naghahanap tayo ng tickets online, mahalaga ring maging mapanuri kung saan napupunta ang ating impormasyon.

Some sellers, resellers, or automated tools may collect information from online platforms to monitor trends, availability, or user activity.

Kapag ang nakokolektang impormasyon ay may kasamang personal data, maaari itong maituring na processing of personal data na saklaw ng Data Privacy Act of 2012 (Republic Act No. 10173).

Ayon sa NPC Advisory No. 2026-01: Guidelines on Data Scraping of Publicly Available Personal Data, ang data scraping ay tumutukoy sa automated o manual na pagkuha ng publicly available personal data mula sa websites, applications, at iba pang online sources.

Ngunit mahalagang tandaan: ang pagiging publicly available ng personal data ay hindi nangangahulugang may pahintulot na itong gamitin sa kahit anong layunin.

Bilang online buyers, tandaan:

🎟️ Huwag basta magbigay ng IDs, account details, o iba pang sensitibong impormasyon sa hindi beripikadong sellers.

πŸ”’ I-check kung saan at kanino mo ibinabahagi ang iyong personal data.

πŸ‘€ Maging maingat sa mga links, forms, at third-party platforms na humihingi ng impormasyon.

Dahil sa digital world, hindi lang tickets ang dapat protektahan, pati ang digital footprint mo.

πŸ“– Basahin ang buong NPC Advisory No. 2026-01: Guidelines on Data Scraping of Publicly Available Personal Data dito:

https://privacy.gov.ph/wp-content/uploads/2026/04/SGD_A_1.pdf

β€ŽπŸŽ’ Balik-eskwela na naman! β€Žβ€ŽKaraniwan nang hinihingi ang fetcher's ID upang matiyak na ang mga estudyante  ay sinusundo...
22/07/2026

β€ŽπŸŽ’ Balik-eskwela na naman!
β€Ž
β€ŽKaraniwan nang hinihingi ang fetcher's ID upang matiyak na ang mga estudyante ay sinusundo ng mga awtorisadong tao.
β€Ž
β€ŽIsa itong mahalagang security measure ngunit kasabay nito ang responsibilidad na pangalagaan ang personal information na nakapaloob sa ID.
β€Ž
β€ŽSa ilalim ng Republic Act No. 10173 o ang Data Privacy Act of 2012, ang pangongolekta at paggamit ng personal data ay dapat na naaayon sa layunin (legitimate purpose) at limitado lamang sa kinakailangan (proportionality or data minimization).
β€Ž
β€ŽKaya ano lang ba ang dapat?
β€Ž
β€ŽAng fetcher's ID o verification process ay karaniwang nangangailangan lamang ng impormasyong sapat upang:
β€Ž
β€Žβœ”οΈ Makilala ang authorized fetcher;
β€Žβœ”οΈ Ma-verify ang pagkakakilanlan nito; at
β€Žβœ”οΈ Matiyak ang ligtas na pagsundo ng mga estudyante.
β€Ž
β€ŽKung hindi naman kailangan para sa verification, iwasan ang pangongolekta o paghingi ng labis na personal na impormasyon.
β€Ž
β€ŽPaano ang tamang paggamit?
β€Ž
β€ŽπŸ”’ Gamitin lamang ang impormasyon para sa pickup verification.
β€Ž
β€ŽπŸ—‚οΈ Limitahan ang access sa mga taong may awtorisadong tungkulin lamang.
β€Ž
β€ŽπŸ“± Kung gumagamit ng third-party app o visitor management system, tiyaking may sapat na privacy and security safeguards at malinaw ang layunin ng pangongolekta. I-assess din kung kinakailangang mag-conduct ng privacy impact assessment (PIA)
β€Ž
β€ŽπŸ—‘οΈ Huwag panatilihin ang personal data nang mas matagal kaysa sa kinakailangan, alinsunod sa retention policies at naaangkop na batas.
β€Ž
β€ŽπŸ“’ Ipabatid sa mga magulang o fetchers gamit ang angkop na privacy notice kung bakit kinokolekta ang kanilang impormasyon, paano ito gagamitin, sino ang may access, at paano ito poprotektahan.
β€Ž
β€ŽAng Privacy Notices ay dapat nakapaskil sa mga lugar na madaling makita.
β€Ž
β€ŽAng seguridad ng mga estudyante at ang pagprotekta sa personal data ay hindi magkalaban, magkasabay silang dapat isaalang-alang.
β€Ž
β€ŽNgayong balik-eskwela, tandaan: collect only what is necessary, and protect what is collected.
β€Ž
β€ŽπŸ“– Basahin ang buong NPC Advisory No. 2023-03: Guidelines on Identification Cards dito:
β€ŽPublished-NPC-Circular-No.-2023-03_Guidelines-on-Identification-Cards_07Nov2023.pdf

β€Ž

Hindi lang bagyo ang dapat bantayan, pati cyber scams din! 🚨 Ngayong National Disaster Resilience Month, paalala sa laha...
16/07/2026

Hindi lang bagyo ang dapat bantayan, pati cyber scams din! 🚨

Ngayong National Disaster Resilience Month, paalala sa lahat na ang pagiging disaster-ready ay nangangahulugan din ng pagiging privacy-ready. Sa panahon ng sakuna, sinasamantala ng mga scammer ang takot at pagmamalasakit ng tao sa pamamagitan ng fake ayuda, fake donations, at phishing links.

Huwag hayaang masalanta ang iyong personal data! Tandaan:

βœ”οΈ Verify before you click.

βœ”οΈ Think before you share.

βœ”οΈ Report suspicious messages.

Magkasama nating ihanda ang ating sarili laban sa kalamidad at cyber threats tungo sa isang panatag na Bagong Pilipinas! πŸ‡΅πŸ‡­πŸ›‘οΈ

Hindi lahat ng "I love you" ay totoo.  πŸ’”Minsan, paraan lang ito para makuha ang tiwala mo. May mga scammer na nagpapangg...
15/07/2026

Hindi lahat ng "I love you" ay totoo. πŸ’”

Minsan, paraan lang ito para makuha ang tiwala mo.

May mga scammer na nagpapanggap na gustong makipagrelasyon para makahingi ng personal information, pera, o access sa iyong online accounts.

Kapag may humihingi ng iyong password, OTP, government ID, bank details, o kahit sobrang daming personal na impormasyon, mag-isip muna.

Ang personal data mo ay para lang sa mga taong mapagkakatiwalaan. Okay lang magmahal, pero dapat ganoon mo rin kamahal ang personal information mo.


So eto na nga... πŸ‘€Minomonitor ni employer ang activities ni employee habang gamit nito ang office-issued computer. Viola...
14/07/2026

So eto na nga... πŸ‘€

Minomonitor ni employer ang activities ni employee habang gamit nito ang office-issued computer. Violation ba ito ng Data Privacy Act of 2012 (DPA)?

Hmm...

Answer in the comment section πŸ‘‡

13/07/2026

Mabbalo, Cagayan Valley! 🫢

Lumipad ang Kabataang Digital Team sa Tuguegarao City upang magbigay-kaalaman sa mga estudyante tungkol sa data privacy, rights of data subjects, responsible use of AI, at mga tips kung paano maging matalino, mapagmatyag, at mapanuring mga kabataang digital! πŸ‘§πŸ‘¦

Lubos na nagpapasalamat ang National Privacy Commission sa DepEd Tuguegarao City, Carig Integrated School, Cagayan National High School-Junior High, Cagayan National High School- Senior High, Annafunan Integrated School, at Tuguegarao City Science High School sa mainit na pagtanggap at pakikilahok sa KD Program. πŸ€—

Hanggang sa muli, mga Kabataang Digital! πŸ©·πŸ©΅πŸ’œ

Hello, July! New month, new start, but same reminder: check your privacy settings.Habang nagsisimula ang panibagong buwa...
06/07/2026

Hello, July!

New month, new start, but same reminder: check your privacy settings.

Habang nagsisimula ang panibagong buwan, magandang chance din ito para i-review ang mga accounts mo online, social media man ’yan, email, shopping apps, or even messaging apps.

Minsan hindi natin napapansin, naka-public pala ang posts, naka-save ang old permissions, o sobrang dami nang naka-access sa personal info natin. πŸ‘€

Kaya this July, take a few minutes to:

πŸ”’ Check who can see your posts

πŸ“± Review app permissions

🧾 Limit sharing of personal details

🚫 Remove unknown or unused accounts

Ang privacy ay hindi isang one-time setup, regular dapat itong chine-check.

❀️ Start the month right by protecting what matters most: your personal data.

Address

25th-27th Floors, The Upper Class Tower, Quezon Avenue Corner Scout Reyes Street
Quezon City
1103

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639050310638

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when National Privacy Commission posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to National Privacy Commission:

Shortcuts

Share