01/06/2026
Bahagyang mas mababa ang ilang presyo ng school supplies sa Divisoria at Baclaran isang linggo bago ang balik eskwela.
Panawagan po natin sa DTI na patuloy na bantayan ang mga presyo ng mga gamit eskwela habang papalapit ang pasukan dahil malaking bawas ito sa gastusin ng mga magulang at mag-aaral.
Sana maging sa ibang parte ng bansa ay mapanatili ang tama at mababang presyo.