18/09/2026
๐๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐ ๐๐ฎ๐บ๐ฏ๐ผ๐ผ ๐ ๐ผ๐ป๐๐ต ๐ฎ๐ ๐ช๐ผ๐ฟ๐น๐ฑ ๐๐ฎ๐บ๐ฏ๐ผ๐ผ ๐๐ฎ๐!
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Bamboo Month at World Bamboo Day, isinagawa ng Municipal Environment and Natural Resources Office kasama ang Municipal Livelihood Technical, Vocational, Educational and Skill Development Center, Municipal Tourism and Cultural Affairs Office, Local Youth Development Office at Municipal Solid Waste Management Office ang Bamboo Carving Workshop upang maipakita ang potensyal ng kawayan bilang likas-yaman, materyal para sa sining at pagkamalikhain, at alternatibong pagkakakitaan.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa local communities, local artisans, entrepreneurs, kabataan, local tour guides, at ating mga kapatid na katutubong Dumagat/Remontadoโisang pagtitipon ng ibaโt ibang sektor na naglalayong kilalanin at pahalagahan ang kawayan bilang yaman ng ating komunidad.
Sa pangunguna ng mga resource persons mula sa Bamboo Professionals, Inc. at Paete Carversโ Guild, natutuhan ng mga kalahok ang mga pangunahing kaalaman at pamamaraan sa bamboo carving, at kung paano maaaring maging produkto, sining, at sustainable livelihood ang kawayan.
Ang ganitong mga inisyatibo ay isinusulong sa pangunguna ng Punong Bayan, Mayor General Ronnie S. Evangelista, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan, pagpapalakas ng lokal na kabuhayan, at pagbibigay ng oportunidad sa ating mga komunidad.
๐๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ธ๐ข๐บ๐ข๐ฏ, ๐ญ๐ถ๐ฎ๐ช๐ฌ๐ฉ๐ข.
๐๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ญ๐ช๐ฌ๐ข๐ด-๐บ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ, ๐ฃ๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ๐ข๐ฏ.
๐๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ญ๐ช๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฏ, ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฌ๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ถ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฏ.