DSWD Field Office 1 - Ilocos Region

Call Directions Website Contact the organization

DSWD Field Office 1 - Ilocos Region Official page of the Department of Social Welfare and Development Field Office 1
(7)

  | Suspendido ang operasyon ng tanggapan sa DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) sa Lunes, November 2, 2026....
31/10/2026

| Suspendido ang operasyon ng tanggapan sa DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) sa Lunes, November 2, 2026.

Alinsunod sa Proclamation No. 1106 na nagtatakda sa November 2, 2026 bilang Special Non-Working Day bilang paggunita sa Araw ng mga Kaluluwa.

Muling magbabalik ang operasyon ng Opisina sa araw ng Martes, November 3, 2026.




Department of Social Welfare and Development - DSWD

Ang Santol, La Union ang isa sa mga bayan sa lalawigan na gumagawa ng soft broom o walis tambo. Isang produkto na gawa s...
31/10/2026

Ang Santol, La Union ang isa sa mga bayan sa lalawigan na gumagawa ng soft broom o walis tambo. Isang produkto na gawa sa tiger grass o "boyboy" na kadalasang itinatanim sa mga bulubunduking bahagi ng mga bukirin.

Ngunit higit pa isang produkto, ang boyboy ay sumasalamin rin sa mayamang kultura at tradisyon ng mga Katutubong Kankana-ey na miyembro ng Puguil
Softbroom Sustainable Livelihood Program Association (SLPA).

Ang kasanayan sa paggawa ng matitibay at dekalidad na walis tambo ay minana pa nila sa kanilang mga ninuno at patuloy na pinagyayabong ng kanilang henerasyon.

Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Indigenous Peoples (IP) Month, ipinagmamalaki ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) ang Puguil Softbroom SLPA sa ipinakita nilang sikap at determinasyon upang protektahan at panatilihing buhay ang kanilang kultura at pagkakakilanlan.




Department of Social Welfare and Development - DSWD

TINGNAN | Dahil sa banta ng El Niño, mahalagang maging maingat sa paggamit ng tubig, ka-DSWD.Maliban sa Risk Resiliency ...
31/10/2026

TINGNAN | Dahil sa banta ng El Niño, mahalagang maging maingat sa paggamit ng tubig, ka-DSWD.

Maliban sa Risk Resiliency Program (RRP) – Project LAWA at BINHI, na nagsusulong ng mga hakbang upang palakasin ang water security at food security ng mga komunidad, lalo na sa harap ng mga epekto ng climate change, mahalaga rin ang pagtitipid at pag-iipon ng tubig sa ating pang-araw-araw na gawain.

Alamin ang ilang simple at praktikal na paraan upang makapag-ipon at makatipid sa tubig, ka-DSWD.



Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Month 2026, nakiisa ang mga katutubong pamilya na DSWD Field...
30/10/2026

Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Month 2026, nakiisa ang mga katutubong pamilya na DSWD Field Office 1 - Ilocos Region Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Aringay at Bagulin, La Union, gayundin sa Vintar, Bangui, Dingras, at Adams, Ilocos Norte sa iba’t ibang aktibidad na naglalayong kilalanin at pahalagahan ang kanilang kultura, tradisyon, at karapatan.✨

Sa pamamagitan ng mga talakayan, tree planting, paligsahan, pagpapakita ng katutubong kultura, pagsasanay sa kabuhayan, at pagbibigay ng serbisyong medikal, dental, at libreng gupit, patuloy na pinagtitibay ang pagkakaisa ng komunidad at isinusulong ang pangangalaga sa mayamang pamana ng mga katutubo para sa susunod na henerasyon.🤝👏

Patuloy ang DSWD sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay-halaga sa kultura, kakayahan, at kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino. 💛💙❤️



Ngayong Buwan ng mga Katutubo (Indigenous Peoples Month), ating kilalanin si Junalivia E. Ganaog, isang Katutubong Tingu...
30/10/2026

Ngayong Buwan ng mga Katutubo (Indigenous Peoples Month), ating kilalanin si Junalivia E. Ganaog, isang Katutubong Tinguian mula sa Quirino, Ilocos Sur.

Siya ang kasalukuyang presidente ng Pantungcaleo Farmer's (PFL) League Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) na may kabuoang 30 miyembro.

Gamit ang tulong kapital na natanggap mula sa DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) SLP noong 2025, opisyal na nabuksan ng SLPA ang kanilang Agrisupply Business. Ngayong taon, sinisikap naman nilang palaguin ang kabubukas lamang na General Merchandise gamit ang karagdagang insentibo mula sa programa.

Basahin ang kanyang pahayag👇




Department of Social Welfare and Development - DSWD

PABATID SA PUBLIKO: ANG TARA, BASA! MODULES AY HINDI IPINAGBIBILI! 🚫Nakatanggap ang DSWD ng impormasyon na may mga indib...
30/10/2026

PABATID SA PUBLIKO: ANG TARA, BASA! MODULES AY HINDI IPINAGBIBILI! 🚫

Nakatanggap ang DSWD ng impormasyon na may mga indibidwal na nagbebenta ng mga publikasyon sa ilalim ng Tara, Basa! Program, kabilang ang Enhanced Nanay-Tatay Module.

PAALALA: ANG MGA MODULE NA ITO AY LIBRE AT HINDI DAPAT IPINAGBIBILI. Ito ay para lamang sa mga benepisyaryo ng programa at hindi dapat pagkakitaan.

Kung may makitang nagbebenta ng mga module, hinihikayat ang publiko na agad itong i-report sa DSWD.

❤️

https://www.facebook.com/photo/?fbid=1557430803075202&set=a.224758276342468

PABATID SA PUBLIKO: ANG TARA, BASA! MODULES AY HINDI IPINAGBIBILI! 🚫

Nakatanggap ang DSWD ng impormasyon na may mga indibidwal na nagbebenta ng mga publikasyon sa ilalim ng Tara, Basa! Program, kabilang ang Enhanced Nanay-Tatay Module.

PAALALA: ANG MGA MODULE NA ITO AY LIBRE AT HINDI DAPAT IPINAGBIBILI. Ito ay para lamang sa mga benepisyaryo ng programa at hindi dapat pagkakitaan.

Kung may makitang nagbebenta ng mga module, hinihikayat ang publiko na agad itong i-report sa DSWD.

❤️

Umabot na sa 113 kliyente ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) Center and Residential Care Facilities (CEC...
30/10/2026

Umabot na sa 113 kliyente ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) Center and Residential Care Facilities (CECF) ang nakapagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys) ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Pinakahuli rito ang 19 na kliyente ng The Haven-Regional Center for Children (TH-RCC) na nagparehistro noong October 19, 2026. Kabilang din sa mga naisagawang registration ang Home for Girls (HFG), Haven for Women (HFW), Area 1 Vocational Rehabilitation Center, at Regional Rehabilitation Center for Youth 1 (RRCY 1).

Bahagi ito ng Basta Beripikado, Mabilis ang Serbisyo (BBM Serbisyo) na naglalayong mapadali ang beripikasyon ng pagkakakilanlan at pag-access ng mga kliyente sa mga serbisyo ng pamahalaan.




Department of Social Welfare and Development - DSWD

Dagdag Kaalaman, Dagdag-Kabuhayan para sa 4Ps Families! 🧼Lumahok ang 15 katutubong benepisyaryo ng DSWD Field Office 1 -...
30/10/2026

Dagdag Kaalaman, Dagdag-Kabuhayan para sa 4Ps Families! 🧼

Lumahok ang 15 katutubong benepisyaryo ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Aringay, La Union sa pagsasanay sa paggawa ng liquid dishwashing soap noong October 28, 2026.👏

Ang natutunang bagong kasanayan ay maaari nilang gawing negosyo upang maging dagdag na pagkakakitaan ng kanilang pamilya.

Bilang bahagi ng Convergence Initiative, layunin ng pagsasanay na magbigay ng inklusibong oportunidad sa kabuhayan para sa 4Ps families, kabilang ang mga katutubo.🤝

Bahagi ito ng patuloy na pagsuporta ng DSWD upang matulungan ang mga pamilya na mapaunlad ang kanilang kakayahan, magkaroon ng sariling pagkakakitaan, at unti-unting maging self-sufficient o kayang matugunan ang pangangailangan ng pamilya sa sariling sikap. 💛💙❤



Sa nalalapit na paggunita ng Undas, bahagi na ng ating tradisyon ang pag-aalay ng kandila bilang sagisag ng pagmamahal a...
29/10/2026

Sa nalalapit na paggunita ng Undas, bahagi na ng ating tradisyon ang pag-aalay ng kandila bilang sagisag ng pagmamahal at pag-alala sa mga mahal sa buhay na pumanaw na.

Ngayong taon, gawing mas makabuluhan ang inyong pagbili sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga kandilang likha ng Manaoag Sibol Persons with Disability (PWD) Sustainable Livelihood Program Association (SLPA).

Sa mga interisadong mamimili, narito ang kanilang buong detalye:
📢 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗼𝗮𝗴 𝗦𝗶𝗯𝗼𝗹 𝗣𝗪𝗗 𝗦𝗟𝗣𝗔
📌 𝗟𝗼𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻: 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗼𝗮𝗴, 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀𝗶𝗻𝗮𝗻
📞 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 : 𝟬𝟵𝟵𝟭-𝟲𝟴𝟮-𝟭𝟵𝟮𝟱

Sa bawat sindi ng kandila, may kabuhayang patuloy na nagliliwanag!🕯️✨




Department of Social Welfare and Development - DSWD

Nagbigay suporta sa pagtataguyod ng literatura, kasanayan, at lengwaheng Iloko ang DSWD Field Office 1 - Ilocos Region  ...
29/10/2026

Nagbigay suporta sa pagtataguyod ng literatura, kasanayan, at lengwaheng Iloko ang DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) sa selebrasyon ng Gunglo dagiti Mannurat nga Ilokano iti La Union (GUMIL) 60th Anniversary nito sa SM City La Union ngayong araw, October 29.

Kasabay ng selebrasyon ay nagkaroon ng pagkakataon ang ahensya upang makapaghatid ng tamang impormasyon tungkol sa mga programa at serbisyo sa mga kalahok at iba pang kliyente. Naging bukas din ang DSWD FO 1 sa mga tanong, klaripikasyon o reklamo sa pamamagitan ng Public Assistance and Complaints Desk.


Address

DSWD FIELD OFFICE 1, QUEZON Avenue, BARANGAY SEVILLA
San Fernando
2500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63726878000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DSWD Field Office 1 - Ilocos Region posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DSWD Field Office 1 - Ilocos Region:

Shortcuts

Share