01/06/2026
Ngayong araw ay opisyal nang nagsimula ang Incident Command System (ICS) Position Course Level 3 na ginaganap sa Provincial Civic Center. Ang pagsasanay na ito ay proyekto at inisyatibo ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Rizal, na naglalayong higit pang palakasin ang kakayahan ng mga kalahok sa epektibong pamamahala at pagtugon sa mga insidente at sakuna.
Bilang kinatawan ng ating tanggapan, ipinadala natin sina Ms. Maricar Garillo at Ms. Chuchi Wagayen upang lumahok sa nasabing limang-araw na pagsasanay. Inaasahan natin na ang kanilang mga matututunan mula sa kursong ito ay makatutulong sa pagpapalakas ng ating kahandaan, koordinasyon, at kakayahan sa disaster response at emergency management.
Nais din nating iparating ang ating buong suporta sa kanilang paglahok sa training na ito. Nawa’y maging matagumpay ang kanilang pag-aaral at maibahagi nila ang kanilang mga bagong kaalaman at kasanayan para sa kapakinabangan ng ating organisasyon at ng komunidad na ating pinaglilingkuran.