16/10/2025
Huwag basta-basta magpa-park ng motor/tricycle, madaming nawawalan ngayon…
TRICYCLE NG ISANG MAG-ASAWA MULA SA MANGALDAN, PANGASINAN, NINAKAW SA STA. BARBARA!
Nagpapatulong ngayon ang isang mag-asawa na residente ng Barangay Tebag, Mangaldan, Pangasinan matapos tangayin ng hindi pa nakikilalang suspek ang kanilang tricycle.
Kwento ng mister na si Rufo Cereno, nagta-trabaho silang mag-asawa sa isang peryahan sa Sta. Barbara, Pangasinan.
5PM noong October 11 nang iparada nila ang tricycle sa Auditorium ng Sta. Barbara. Kampante ang mag-asawa na walang mangyayaring masama dahil dito sila lagi nagpa-park.
Pero bago mag-8 nang gabi, nang iihi ang misis niya napansin niyang wala na ang tricycle sa lugar kung saan nila ito ipinarada.
Agad na nag-check ng mga CCTV Camera at nakita na tinangay ito ng isang lalaki.
Pero malabo ang kuha ng CCTV Camera kaya hirap matukoy ang suspek. Pero base sa nakuhang impormasyon sa isang tricycle driver sa lugar, nakita niya ang suspek bago tumakas.
Matangkad daw ang lalaki, payat na payat, lubog ang mata at may balbas.
Umaasa ang mag-asawa na maibabalik sa kanila ang tricycle na ginagamit nilang service sa paghahanap-buhay.
©️ Russel Simorio