23/08/2026
FIRST DAY FIGHT RECAP? TARA, BALIKAN NATIN ANG KASAYSAYAN NG FDF! 🤩✊️
Sa loob ng 44 taon, militanteng pinanghawakan ng Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA) PUP ang prinsipyong "Ang Edukasyon ay Karapatan". Ang ating kasaysayan bilang organisasyon at partido-alyansa, ay nakatali na sa kasaysayan ng pakikibaka ng mga Iskolar ng Bayan! Militanteng pinangunahan ng SAMASA PUP ang First Day Fight kasama ang mga Iskolar ng Bayan!
2019 — Ang huling taon bago magpandemya, kasagsagan ito ng pagraratsada ng NPU Bill kasabay ng pagtataas ng mga Other School Fees at paglala ng mga Anti-Student Policies sa loob ng Sintang Paaralan. Gayundin ang kabi-kabilaang pasismo at kaso ng EJKs sa ilalim ng diktador na si Rodrigo Duterte.
2022 — Sa pagbabalik ng hybrid classes, bitbit ng mga Iskolar ng Bayan ang kampanya para sa ligtas na balik eskwela, pagprotekta sa pamantasan sa pagbubuwag ng PUP-DND Accord, kampanya para sa pagtutol sa kaltas badyet sa sektor ng edukasyon lalo na sa usapin ng Budget Cut.
2023 — Sa naganap na Tanglaw Fest, militante muling bitbit ng SAMASA PUP kasama ang mfa Iskolar ng Bayan ang laban para sa mas mataas na badyet sa PUP, inklusibong pagbabalik eskwela, at pagtutol sa Mandatory ROTC.
2024 — Higit lalong nag-aalab ang laban ng mga Iskolar ng Bayan para sa mas mataas na pondo sa pamantasan, at sa pagprotekta sa Kalayaang Akademiko kasabay ng pagbitbit ng kampanya ng mga magsasaka, manggagawa, tsuper, at iba pang batayang sektor sa lipunan. Singilin si Marcos Jr. at Panagutin si Sara Duterte!
2025 — Sa tumitinding kronikong krisis sa lipunan, militante nating sinalubong ang First Day Fight laban sa banta ng NPU Bill at Budget Deficiency sa Sintang Paaralan. Walang humpay nating pinatampok ang laban ng mga batayang sektor ng lipunan.
AT NGAYONG 2026, tagumpay ng bawat Iskolar ng Bayan ang militanteng pagsalubong sa taog panuruan. Lalo na sa pagbabalik ng Budget Cut sa PUP, sa pagraratsada muli ng National Polytechnic University Bill, at sa paglala ng mga atake sa demokratikong karapatan ng sambayanan gaya ng Pax Silica.
Sinikap ng partido-alyansa na makipag-ugnayan sa lahat ng mga Local na Konseho, organisasyon, block representatives at nagsagawa ng kabi-kabilaang Community Planning. Lahat ng ito ay nagbunga sa pinaka-malaking First Day Fight na dinaluhan ng humigit-kumulang 3000+ Iskolar ng Bayan! ANG MASA ANG NASA LIKOD NG FDF! Ang sambayanan ang dahilan kung bakit tayo kumikilos at lumalaban!
Simula pa lamang ito ng mas maraming laban, at handang-handa ang SAMASA PUP na pangunahan, makiisa, at ipanalo ang bawat laban na ito para sa sambayanan. Tutulann ang bogus na NPU Bill, lumaban para sa mas mataas na pondo sa pamantasan. Tuloy-tuloy ang laban, Iskolar ng Bayan! ✊❤️🔥
JOIN SAMASA PUP NOW! MAGING TUNAY, PALABAN, AT MAKABAYAN!
tinyurl.com/JoinSAMASAPUPNow