Barangay Nutrition Scholar - Aplaya

Barangay Nutrition Scholar - Aplaya Barangay Nutrition Scholar

NUTRI COOKING CONTEST 2026 Isang masaya at makabuluhang aktibidad ang naganap noong Hulyo 16, 2026, ganap na 1:00 ng hap...
18/08/2026

NUTRI COOKING CONTEST 2026

Isang masaya at makabuluhang aktibidad ang naganap noong Hulyo 16, 2026, ganap na 1:00 ng hapon, sa Tiongco Covered Court, para sa Nutri Cooking Contest 2026.

Ipinakita ng ating mga kalahok ang kanilang galing, pagkamalikhain, at kaalaman sa paghahanda ng masustansiya at masarap na pagkain. Sa nasabing patimpalak, ang kanilang inihandang putahe ay โ€œOkra Chilli Oyster Sauce,โ€ isang masarap at masustansiyang putahe na nagpapakita kung paano gawing mas kaaya-aya at malinamnam ang gulay.

Taos-pusong pasasalamat mula sa Barangay Aplaya sa ating mga masisipag na recipients na buong pusong nakiisa sa patimpalak:

๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿณ Josie Guaio
๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿณ Anabell Cabacungan
๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿณ Ruth Caponga

Maraming salamat sa inyong oras, pagsisikap, talento, at buong pusong pakikilahok. Tunay kayong naging bahagi ng tagumpay ng aktibidad na ito at inspirasyon sa pagsusulong ng wastong nutrisyon at malusog na pamumuhay sa ating komunidad. ๐Ÿ’š

HEALTHIEST BABY CONTEST 2026 Matagumpay na idinaos ang Healthiest Baby Contest 2026, kung saan buong pagmamalaking kinat...
18/08/2026

HEALTHIEST BABY CONTEST 2026

Matagumpay na idinaos ang Healthiest Baby Contest 2026, kung saan buong pagmamalaking kinatawan ng Barangay Aplaya ang ating munting kalahok na si Kaizer Jeriel V. Delavin.

Taos-puso ang aming pasasalamat kay Midwife Lilibeth P. Villanueva sa kanyang dedikasyon at pagsisikap na makahanap ng kalahok na kakatawan sa ating barangay sa nasabing patimpalak. Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at malasakit sa kalusugan at kapakanan ng ating mga sanggol at pamilya.

๐Ÿ’ƒ๐Ÿ•บ NUTRI TIKTOK DRAMA DANCE 2026 ๐Ÿ•บ๐Ÿ’ƒIsang masigla at makulay na hapon ang naging tampok sa Nuti tiktok drama dance na gin...
18/08/2026

๐Ÿ’ƒ๐Ÿ•บ NUTRI TIKTOK DRAMA DANCE 2026 ๐Ÿ•บ๐Ÿ’ƒ

Isang masigla at makulay na hapon ang naging tampok sa Nuti tiktok drama dance na ginanap noong Hulyo 9, 2026, ganap na 1:00 ng hapon, sa Gabaldon Central 2. Ang bawat kalahok ay nagpakita ng sigla, dedikasyon, at pagmamahal sa pagpapanatili ng isang malusog at aktibong pamumuhay.

Ang buong Barangay Aplaya ay taos-pusong nagpapasalamat sa ating mga Senior Citizens na buong pusong nakiisa at lumahok sa patimpalak. Ang inyong kasipagan, enerhiya, at magandang samahan ay tunay na inspirasyon sa ating komunidad.

Maraming salamat din sa lahat ng sumuporta at naging bahagi ng matagumpay na aktibidad na ito. Patuloy nating isulong ang malusog na pamumuhay at pagkakaisa para sa isang mas masigla at mas malakas na Barangay Aplaya.

06/08/2026

LIGTAS TIGDAS!

Panahon na naman ng pagsasagawa ng โ€œLigtas Tigdasโ€ Measles-Rubella Supplemental Immunization Activities (MR SIA) sa ating lugar.

Mahalagang paalala po sa lahat ng magulang at tagapag-alaga: Sa darating na ika-13 ng Agosto 2026, sa ating Barangay Aplaya. Dalhin ang inyong anak na may edad 6 hanggang 59 na buwan (wala pang 5 taong gulang) sa mga vaccination site upang mabigyan ng karagdagang bakuna laban sa Measles at Rubella, pati na rin ang Vitamin A supplementation bilang dagdag na proteksyon sa kanilang kalusugan.

Sumangguni sa ating barangay health center o sa nurse o midwife sa inyong lugar para sa karagdagang impormasyon.



MGA INA, NAGSIPAGTAPOS SA PROGRAMANG PABASA SA NUTRISYONBilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-52 Nutrition Month, kinilala...
28/07/2026

MGA INA, NAGSIPAGTAPOS SA PROGRAMANG PABASA SA NUTRISYON

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-52 Nutrition Month, kinilala ang mga inang matagumpay na nagsipagtapos sa programang Pabasa sa Nutrisyon noong Hulyo 24, 2026.

Sa pangunguna ng City Nutrition Office, layunin ng programang ito na mabigyan ang mga ina ng sapat na kaalaman at kasanayan sa tamang nutrisyon sa pamamagitan ng isang 10-linggong kurso.

Sa pamamagitan nito ay magkakaroon sila ng mas malalim na pag-unawa sa wastong pangangalaga sa kalusugan at nutrisyon ng kanilang mga pamilya upang makatulong sa pagbawas ng kaso ng malnutrisyon sa lungsod.

๐Ÿ“ธ: CIO Tonypet





๐Ÿฆ

NUTRISLOGAN 2026 July 8, 2026Ipinagmamalaki naming ipakilala ang ating kalahok na si Jhon Trixx Cabacungan, na buong hus...
16/07/2026

NUTRISLOGAN 2026
July 8, 2026

Ipinagmamalaki naming ipakilala ang ating kalahok na si Jhon Trixx Cabacungan, na buong husay na kumatawan bilang kabataan sa larangan ng Nutrislogan! ๐Ÿ’šโœจ

Ang patimpalak ay ginanap noong July 8, 2026 sa Gabaldon Central 2, kung saan ipinamalas niya ang kanyang talento at kumpiyansa sa pagpapahayag ng kahalagahan ng nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan. ๐ŸŒฑ๐Ÿ“ฃ

Patunay na ang kabataan ay may mahalagang papel sa pagpapalaganap ng tamang kaalaman at inspirasyon sa komunidad.

Patuloy nating suportahan ang ating mga kabataan sa kanilang pagpapakita ng galing at dedikasyon para sa mas malusog at mas maunlad na kinabukasan. ๐Ÿ’–

13/07/2026

๐„๐๐“๐‘๐˜ ๐๐Ž.1

๐“๐“ค๐“ฃ๐“ก๐“˜-๐“ฅ๐“›๐“ž๐“– ๐“’๐“ž๐“๐“ฃ๐“”๐“ข๐“ฃ 2026

Online Voting for Nutri-Vlog Contest is now Open!

Show your support to the Entry by Clicking heart โค react of your choice.

Voting Mechanics:
1. Follow and Share our official FB page.
2. Heart reaction โค only (Only Followers are to be counted).
3. Auto REACT will be automatically disqualified to the said contest.
4. Voting will start from July 13, 2026 to July 17, 2026/ 5:00pm only.

Criteria for Judging:
1. ONLINE VOTES (Heart Reaction)- 10%
2. OVERALL IMPRESSIONS- 30%
3. RELEVANCE OF CONTENT- 30%
4. CREATIVITY & TIME- 30%

๐—ง๐—›๐—˜๐— ๐—˜: ๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฃ๐—”๐—ก ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ-๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ก๐˜‚๐˜๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜! โ€œ๐—ก๐—จ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—Ÿ๐—”๐—š๐—”๐—”๐—ก!โ€



52๐’๐’…  ๐‘ต๐‘ผ๐‘ป๐‘น๐‘ฐ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ถ๐‘ต ๐‘ด๐‘ถ๐‘ต๐‘ป๐‘ฏ ๐‘ช๐‘ฌ๐‘ณ๐‘ฌ๐‘ฉ๐‘น๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ถ๐‘ตTheme: Sa PPAN sama-sama sa Nutrisyong sapat para sa lahat!Sub-theme: "Nutrisyon at Kal...
03/07/2026

52๐’๐’… ๐‘ต๐‘ผ๐‘ป๐‘น๐‘ฐ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ถ๐‘ต ๐‘ด๐‘ถ๐‘ต๐‘ป๐‘ฏ ๐‘ช๐‘ฌ๐‘ณ๐‘ฌ๐‘ฉ๐‘น๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ถ๐‘ต

Theme: Sa PPAN sama-sama sa Nutrisyong sapat para sa lahat!
Sub-theme: "Nutrisyon at Kalikasan, ating Pangalagaan!"

๐€๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐ž๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก 2026
๐Ÿ‘‰๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข- ๐๐ฎ๐ข๐ณ ๐‚๐จ๐ง๐ญ๐ž๐ฌ๐ญ
๐Ÿ‘‰๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข- ๐’๐ฅ๐จ๐ ๐š๐ง ๐š๐ง๐ ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐Œ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐‚๐จ๐ง๐ญ๐ž๐ฌ๐ญ
๐Ÿ‘‰๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข-๐“๐ข๐ค๐ญ๐จ๐ค ๐‚๐จ๐ง๐ญ๐ž๐ฌ๐ญ
๐Ÿ‘‰ ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข-๐•๐ฅ๐จ๐  ๐‚๐จ๐ง๐ญ๐ž๐ฌ๐ญ
๐Ÿ‘‰๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก๐ข๐ž๐ฌ๐ญ ๐๐š๐›๐ฒ ๐‚๐จ๐ง๐ญ๐ž๐ฌ๐ญ
๐Ÿ‘‰๐‚๐จ๐จ๐ค๐ข๐ง๐  ๐‚๐จ๐ง๐ญ๐ž๐ฌ๐ญ
๐Ÿ‘‰๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข-๐…๐ฅ๐จ๐š๐ญ ๐๐š๐ซ๐š๐๐ž (๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข-๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐จ๐  ๐ณ๐จ๐ง๐ž)







Supported by:
Mayor Arlene B. Arcillas
Vice Mayor Arnold B. Arcillas
City Councilors

๐‡๐€๐๐๐˜ ๐๐”๐“๐‘๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Œ๐Ž๐๐“๐‡, ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐! ๐ŸŒฟ๐Ÿ’šThis 2026 Nutrition Month Celebration, we put the environment at the forefront as w...
03/07/2026

๐‡๐€๐๐๐˜ ๐๐”๐“๐‘๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Œ๐Ž๐๐“๐‡, ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐! ๐ŸŒฟ๐Ÿ’š

This 2026 Nutrition Month Celebration, we put the environment at the forefront as we spotlight this yearโ€™s sub-theme, โ€œ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง, ๐€๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐š๐ง!โ€

Join the National Nutrition Council CALABARZON as we launch a month of meaningful activities that promote both good nutrition and environmental sustainability. We invite our partner agencies, local government units, health workers, nutrition advocates, and communities to take part in this collective movement toward a stronger, healthier, and more resilient CALABARZON.

Let us remember that protecting nutrition and the environment is a shared responsibility. Every individual, family, community, and institution has an important role in creating healthier and more sustainable food systems. Through collective action, we can help ensure food security, protect natural resources, reduce environmental impact, and improve the health and well-being of present and future generations.

Browse our full lineup of activities this July and discover how you can be part of this movement:

๐Ÿ“Œ July 01-31: Nutrition Month Slogan-Poster Making Contest
๐Ÿ“Œ July 01: Usapang Bayan Podcast | Rodriguez, Rizal
๐Ÿ“Œ July 01: City Nutrition Month Launch | Sto. Tomas City, Batangas
๐Ÿ“Œ July 01: BNS Convention and Gawad Parangal sa Nutrisyon | Quezon Province
๐Ÿ“Œ July 02: BNS Convention | Laguna Province
๐Ÿ“Œ July 03: Provincial Nutrition Month Launch | Rizal Province
๐Ÿ“Œ July 06: Joint Regional, Provincial, and Municipal Nutrition Month Launch | Tanza, Cavite
๐Ÿ“Œ July 07: Online Seminar and Training on Nutrition, Balanced Dietary Habits, and Lifestyle Management for DOST IV-A | Zoom Platform
๐Ÿ“ŒJuly 14: 2026 Nutrition Forum for School Nutrition Focals | Metro Manila
๐Ÿ“ŒJuly 16: Nutrition Month Thematic Conference and NutriQuiz | Dasmariรฑas City, Cavite
๐Ÿ“ŒJuly 21 & 28: Nutrition Counseling and Training Session WITH DOST IV-A | Los Baรฑos, Laguna
๐Ÿ“ŒJuly 23: Nutrition Forum | Rosario, Cavite
๐Ÿ“ŒJuly 23: City Nutrition Month Celebration | Trece Martires City
๐Ÿ“ŒJuly 24: Pabasa sa Nutrisyon Graduation and Awarding Ceremony | Santa Rosa City
๐Ÿ“ŒJuly 27: City Nutrition Month Celebration | Tanauan City, Batangas
๐Ÿ“ŒJuly 27: Nutrition Month Culminating Activity | Calamba City

Sa PPAN, Sama-Sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat! ๐Ÿ’š



Address

Barangay Aplaya
Santa Rosa
4026

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Nutrition Scholar - Aplaya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share