30/07/2026
๐๐ฃ๐๐ก๐๐จ๐ ๐พ๐ก๐ช๐, ๐ฃ๐๐๐จ๐๐๐๐ฌ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ก๐๐ฃ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐ค๐ฅ๐๐จ๐ฎ๐๐ก ๐ฃ๐ ๐.๐. 2026โ2027
Nagsagawa ng halalan ang English Club para sa mga bagong opisyal nito para sa Taong Panuruan 2026โ2027, Hulyo 28, 2026, sa silid-aklatan ng Fort Del Pilar National High School (FDPNHS) sa oras nang tanghalian.
Bago isinagawa ang halalan, nagkaroon muna ng oryentasyon na pinangunahan ng tagapayo ng English Club na si Sir Salvador Canyas. Ipinaliwanag niya ang layunin ng samahan, ang mga tungkulin ng mga opisyal at miyembro, at ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok sa mga programa at gawain ng club. Hinikayat din niya ang mga mag-aaral na maglunsad ng mga proyektong magpapalawak ng kanilang kasanayan sa pagbasa, pagsulat, pagsasalita, at pagkamalikhain sa wikang Ingles.
Bilang bahagi ng programa, nagpakilala ang bawat miyembro upang higit na makilala ang isa't isa at mapatatag ang samahan. Nagbigay rin ng mensahe si SSLG Vice President Miziel Reine Gatchallan, kinatawan ng SSLG para sa English Club, kung saan ipinaliwanag niya ang kanyang tungkulin sa pakikipag-ugnayan sa samahan upang matiyak ang maayos na koordinasyon ng mga gawain at programa.
Matapos ang oryentasyon, isinagawa ang halalan sa isang maayos at patas na paraan.
Nahalal bilang mga bagong opisyal ng English Club sina Darla Tapucol bilang Pangulo; Yusha Esteban, Pangalawang Pangulo; Shemaiah Ngitit, Kalihim; Prince Gabriel Seville, Ingat-Yaman; Fredinelori Tamayo, Tagasuri; Misty Raine Fariรฑas, Public Information Officer (PIO); at Sunshine Pawid, Kinatawan ng mga Mag-aaral.
Inaasahang pangungunahan ng mga bagong opisyal ang iba't ibang programa at gawaing magpapahusay sa kasanayan ng mga mag-aaral sa wikang Ingles. Nakatakda ang kanilang panunumpa sa tungkulin sa Hulyo 31, 2026, bilang hudyat ng opisyal na pagsisimula ng kanilang paglilingkod sa samahan.
โ๏ธ Princess Mae Mangunay
๐ท Contributor