Anakbayan UP Baguio

Anakbayan UP Baguio Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Anakbayan UP Baguio, Political organisation, Baguio City.

Ang Anakbayan - UP Baguio ay isang komprehensibong pambansa-demokratikong organisasyong masang nagbubuklod sa mga kabataan upang kamtin ang tunay na Pambansang Demokrasyang may Sosyalistang Perspektiba.

KABATAAN MAKIPAGKAISA SA MASANG ANAKPAWIS, TUMINDIG SA GITNA NG KRISIS! Siguro patulog ka na ngayon o kakauwi lang galin...
29/04/2026

KABATAAN MAKIPAGKAISA SA MASANG ANAKPAWIS, TUMINDIG SA GITNA NG KRISIS!

Siguro patulog ka na ngayon o kakauwi lang galing trabaho? Bukas, bagong araw ulit ng pakikipagsapalaran sa pila ng jeep, pagsusumikap makapasok sa eskuwelahan nang tamang oras, at pagtitipid sa gitna ng kaliwa’t kanang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Napatanong ka na ba kung hanggang kailan ba tayo magtitiis sa ganito?

Gets mo ba ako, pero bakit may mga nagmimistulang naghahari-harian kahit ganito. Habang si Ramon Ang, kasama sila Marcos Jr at Sara Duterte na tuloy-tuloy ang pagpapayaman pero tayong mga ordinaryo ang patuloy na nagdurusa. Kahit tumunganga lang sila ng buong araw, panigurado may papasok na salapi sa kanilang bulsa. Habang tayo, kinakailangang makikipagsiksikan sa lansangang binabalot ng lagkit at pawis, pinapasan ang karampot na sahod, gutom, at kawalan ng seguridad sa buhay.

Habang sinusulat ko ito, pinipilit ko pa rin mangarap. Kahit kulang sa baon, walang pambayad ng tuition, nagtitiis sa gutom, at kailangan pang kumayod para makakain. Minsan hindi ko maiwasan mabalot ng pangamba, na baka magkulang na rin yung barya para sa pamasahe at baka hindi ko marating ang aking destinasyong may ginhawa.

Makatarungan ba ang ganitong kalagayan?

Sigurado akong hindi ako nag-iisa. May mga katulad din akong nangangarap kahit magkakaiba ang pinaroroonan. Sabi nga iba-iba anglandas na tinatahak… yung iba nag-aaral at nagpapakadalubhasa sa paaralan para maging balon ng murang lakas-paggawa… yung iba nasa pagawaan at pabrika para lumikha ng yaman… yung iba nagtatanim at umaani ng pananim na hindi nila nakakain… yung iba puno ng militansya, hindi naman pinanganak na nakataas ang kamao pero handang abutin ang kasulok-sulukan ng mga sitio at baryo para magmulat.

Magkakaiba ang kinatatayuan ng mga kabataan pero may pagkakapareho, lahat ay pinagsasamantalahan. Sa mga kwento ng nauna, may pangarap din sila para sa lahat… pero walang nakamit na hindi nagkakaisa sa pangunguna ng masang anakpawis. Hindi kita kilala pero alam kong nasa iisang krisis tayo ngayon. Kung pagod ka na tulad ko, huwag kang matakot na humawak ng placard at ibigkis ang kamao ng pakikiisa.

Holiday sa isang araw, kita-kits?



𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬𝗢 𝗨𝗡𝗢? ⚙️Ang Mayo Uno o Araw ng Paggawa ay isang pandaigdigang paggunita sa mga pakikibaka ng uring manggagaw...
29/04/2026

𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬𝗢 𝗨𝗡𝗢? ⚙️

Ang Mayo Uno o Araw ng Paggawa ay isang pandaigdigang paggunita sa mga pakikibaka ng uring manggagawa para sa makataong kondisyon sa paggawa, makatarungang sahod, seguridad sa trabaho, at iba pang batayang karapatan sa paggawa.

Sa Pilipinas, unang ipinagdiwang ito noong Mayo 1, 1903, kung saan humigit-kumulang 100,000 manggagawa ang nagmartsa sa pangunguna ng Obrera Democratica de Filipinas patungong Malacañang. Pangunahing panawagan nito ang “Death to Imperialism” upang tutulan ang pagsasamantala at impluwensya ng imperyalismong Estados Unidos sa Pilipinas, gayundin bilang pagkilala sa karapatan ng mga manggagawa na mag-organisa at lumaban para sa kanilang kapakanan.

Sa kasalukuyan, nananatiling buhay ang diwa ng Mayo Uno bilang araw ng pagkilos at paniningil ng mga manggagawa kasama ang lahat ng demokratikong sektor ng lipunan upang labanan ang mababang sahod, kontraktwalisasyon, kawalan ng seguridad sa trabaho, at iba’t ibang anyo ng pang-aabuso sa mamamayan.



𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗬𝗢 𝗨𝗡𝗢! 📍 8 AM Assembly, Baguio Convention Center 🔴 MAGSUOT NG P**A 🔻Sa harap ng magkakaugnay at l...
28/04/2026

𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗬𝗢 𝗨𝗡𝗢!

📍 8 AM Assembly, Baguio Convention Center
🔴 MAGSUOT NG P**A 🔻

Sa harap ng magkakaugnay at lumalalang mga suliranin, nananatiling malinaw ang hamon sa bawat kabataang sinusuong ang sistemang mapagsamantala. Hindi hiwalay ang krisis sa atin, ramdam ito ng bawat kabataan sa lahat ng sektor at saray ng masang api ang patuloy na pagsirit ng presyo ng bilihin, kawalan ng batayang pangangailangan, at kawalang kasiguraduhan na kabuhayan.

Ang walang tigil na gyerang agresyon ng Estados Unidos sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay kumitil ng buhay ng mga kabataan. Habang sa Pilipinas, walang saysay na solusyon at pasismo ang tugon ng rehimeng US-Marcos Jr. sa hinaing ng mamamayan. Talamak pa rin ang korapsyon at malayang nakakapagpaluho ang mga gahamang sangkot sa ilalim ng nabubulok na sistema ng estado. Sa ganitong kalagayan, nananatiling pinakamabigat ang pasan ng masang anakpawis.

Kung kaya makiisa sa malawak na hanay ng mga batayang sektor at sama-samang itaguyod ang mga panawagan ng masang Pilipino. Sa darating na Mayo Uno, tumindig kasama ang manggagawa, magsasaka, maralita, tsuper, at lahat ng masang inaapi. Hangga’t walang makatarungang pamumuhay, hindi titigil maningil ng hustisya ang mamamayan!



𝗛𝗨𝗦𝗧𝗜𝗦𝗬𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗢𝗕𝗢𝗦𝗢 𝟭𝟵! 𝗠𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗔𝗬𝗨𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗦𝗜𝗡!Mariing kinokondena ng Anakbayan UP Baguio ang walang habas ...
26/04/2026

𝗛𝗨𝗦𝗧𝗜𝗦𝗬𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗢𝗕𝗢𝗦𝗢 𝟭𝟵! 𝗠𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗔𝗬𝗨𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗦𝗜𝗡!

Mariing kinokondena ng Anakbayan UP Baguio ang walang habas na pagpatay ng 79th Infantry Battalion ng AFP kila Alyssa Alano, RJ Ledesma, Maureen Keil Santuyo, Errol Wendel, Lyle Prijoles, Kei Sorem, at iba pang biktima ng teroristang operasyon ng berdugong estado sa Toboso, Negros Occidental. Nakikiisa rin kami sa pakikiramay sa mga pamilya at kasama nilang pinagkait pang makita at makasalamuha sila muli.

Malinaw na ang mga biktima ay mga sibilyan na nagtungo sa kanayunan para pag-aralan ang kalagayan ng mga pinagsasamantalahang magsasaka. Si Alyssa ay isang lider-estudyante ng UP Diliman at kasalukuyang USC Councilor. Si RJ ang nagsisilbing regional coordinator ng Altermidya sa Negros Island. Kasama rin nila si Maureen Keil Santuyo, isang peasant advocate sa ilalim ng NNARA Youth; at si Errol Wendel, isang organisador at staff ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA). Samantalang sila Lyle Prijoles, isang Filipino-American human rights advocate; at si Kai Sorem, isang aktibistang Filipino-American din na piniling bumalik sa Pilipinas upang ganap na makita ang katotohanan sa bansa.

Taliwas sa pinapakalat ng estado tungkol sa kanila, sila ay mga pamilya, kaibigan, at kasama ng mamamayan na piniling talikuran ang komportableng buhay para makipamuhay at ipaglaban ang ang karapatan ng pinagsasamantalahan sa Negros: ang mga magsasaka at manggagawang bukid. Malinaw na ang kanilang desisyon ay kadakilaang nauugat sa pagmamahal at hindi terorismo, sapagkat tumatagos sa puso ng mga inaapi sa kanayunan ng Negros ito.

Habang ang mga komunidad sa Negros ay nakakaranas ng matinding militarisasyon, pagkamkam ng lupa, development aggression, at pananamantala mula sa mga panginoong may-lupa, walang pag-aatubili silang tumugon na pagsilbihan ang mamamayang patuloy na inaapi ng sistema. Ito’y pagsisilbi na hindi nangangailangan ng permit, hindi nangangailangan ng koordinasyon sa mismong nang-aapi sa masa. Hindi ito katanungan kung bakit nasa “mapangib na lugar” bagkus kailangan nating suriin kung bakit ba ito humantong sa pagiging mapanganib?

Sa ilalim ng rehimen ni Duterte, isinailalim mula noong 2018 ang Negros sa tinaguriang “State of Lawless Violence”. Ito’y isang mekanismo upang maghasik ng lagim sa isla sa pamamagitan ng militarisasyon at paglabag sa karapatang pantao. Sa operasyong kinasa noong Abril 19, hindi bababa sa 168 pamilya at 800+ indibidwal ang napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan. Sa halip na tugunan ang panawagan ng mga magsasaka para sa lupa at nakabubuhay na sahod, ang isinagot ng estado ay terorismo. Sina Alyssa, RJ, Maureen, Errol, Lyle, at Kai ay pilit pinapalabas na NPA upang bigyang-katwiran ang kanilang kamatayan.

Sa kabila ng mga pahayag ng AFP laban sa kanila, lalo lamang nahahayag ang kawalan ng kredibilidad ng militar, kung saan paulit-ulit na ginagamit ang red-tagging at disimpormasyon upang gawing lehitimo ang pagpaslang sa mga sibilyang naglilingkod sa masa. Patunay na walang pinipiling target ang pasistang estado, sapagkat estudyante, aktibista, mamamahayag, o karaniwang mamamayan man.

Hindi kailanman naging mali ang paggamit ng edukasyon at kakayahan upang maunawaan at baguhin ang kalagayan ng lipunan. Sa harap ng kahirapan at pang-aapi, patuloy na may mga umusbong at pinipiling maglingkod sa kanayunan kung saan naroon ang nakararaming pinagsasamantalahan. Sa bigat na sakit at pagluluksa, sigurado kami na hindi mabubura ang kanilang bakas sa puso ng mamamayan na kanilang pinagsilbihan at sa mga nais magpatuloy ng kanilang sinimulan.

Pinakamataas na pagpupugay ang dapat ialay ng mga kabataan kina Alyssa Alano, RJ Ledesma, Maureen Keil Santuyo, Errol Wendel, Lyle Prijoles, Kai Sorem, at sa lahat ng biktima ng Toboso Massacre. Sa gitna ng krisis sa kasalukuyan, hindi kataka-taka na ang tatahaking landas ng kabataan ay ang masilbi sa sambayanan!

HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO!
HUSTISYA PARA KAY RJ LEDESMA!
HUSTISYA PARA KAY MAUREEN KEIL SANTUYO!
HUSTISYA PARA KAY ERROL WENDEL!
HUSTISYA PARA KAY KAI SOREM!
HUSTISYA PARA KAY LYLE PRIJOLES!
HUSTISYA PARA SA LAHAT NG BIKTIMA NG BERDUGONG ESTADO!


ICYMI | NAKIISA ANG ANAKBAYAN UPB SA PAGDIRIWANG NG 42ND PEOPLES’ CORDILLERA DAY SA BAGUIO PUBLIC MARKET!Sa pagdiriwang ...
26/04/2026

ICYMI | NAKIISA ANG ANAKBAYAN UPB SA PAGDIRIWANG NG 42ND PEOPLES’ CORDILLERA DAY SA BAGUIO PUBLIC MARKET!

Sa pagdiriwang ng ika-42 taon ng Peoples’ Cordillera Day, bitbit ng mga kabataan ang mga panawagan upang patuloy na patambulin ang isyu ng lungsod at iba pang sektor. Nag-walkout sa mga klase at nagtungo sa Baguio Public Market ang mga kabataan upang samahan ang mga maliit na manininda, tsuper, maralitang lungsod, at iba pang batayang sektor sa pagdiriwang ng araw na ito. Ang esensya ng Peoples’ Cordillera Day ay isang pagkilala at pagpapatuloy ng sinimulang pakikibaka nila Macli-ing Dulag laban sa pagpapatayo ng dambuhalang dam sa Chico River na makakaapekto sa mga komunidad ng Mt. Province at Kalinga.

Sa gitna ng tumitinding krisis panlipunan dahil sa gyerang agresyon ng US-Israel sa Iran, muling naiipit ang mga kabataan sa kaguluhang hindi namin nilikha. Dahil naaapektuhan ang ekonomya, ipinapasa sa mga mamamayan ang kapasidad na pasanin ang krisis. Sa kabila ng lahat, inutil ang tugon ni Marcos Jr. na tanging band-aid solutions para maprotektahan ang interes ng mga korporasyong gumaganansya sa lahat ng ito.

Kahit pa man sunod-sunod ang mga pasistang atake sa mga kabataan dahil sa ating militanteng pakikibaka, huwag tayong panghinaan ng loob na magpatuloy. Inuudyok tayo ng panahon upang panindigan ang landas na magbibigay katarungan para sa mamamayang nag-alay ng buhay para sa sambayanan.


𝗠𝗔𝗡𝗜𝗙𝗘𝗦𝗧𝗢 𝗢𝗙 𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗔𝗚𝗔𝗜𝗡𝗦𝗧 𝗧𝗛𝗘 𝗢𝗜𝗟 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗛𝗜𝗞𝗘 𝗔𝗡𝗗 𝗪𝗢𝗥𝗦𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗔𝗡𝗗 𝗘𝗖𝗢𝗡𝗢𝗠𝗜𝗖 𝗖𝗥𝗜𝗦𝗜𝗦! ✊KUNG HINDI KA PA GALIT, BAKI...
24/04/2026

𝗠𝗔𝗡𝗜𝗙𝗘𝗦𝗧𝗢 𝗢𝗙 𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗔𝗚𝗔𝗜𝗡𝗦𝗧 𝗧𝗛𝗘 𝗢𝗜𝗟 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗛𝗜𝗞𝗘 𝗔𝗡𝗗 𝗪𝗢𝗥𝗦𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗔𝗡𝗗 𝗘𝗖𝗢𝗡𝗢𝗠𝗜𝗖 𝗖𝗥𝗜𝗦𝗜𝗦! ✊

KUNG HINDI KA PA GALIT, BAKIT?

We, the undersigned student institutions, youth formations, and individuals of the University of the Philippines Baguio, firmly call for safeguarding the UPB community amidst the worsening oil price hikes and economic crisis.

We stand in solidarity with the drivers, workers, and students who bear the brunt of imperialist wars of aggression and a deregulated tax system that prioritizes profit over lives.

✊ Defend student welfare
✊ Junk the Oil Deregulation Law
✊ Remove VAT and excise tax on oil

HEED OUR COLLECTIVE DEMANDS!




UP Baguio University Student Council
UP Baguio Outcrop
ACS UPB
UP Kalipunan ng Mag-aaral sa Kasaysayan
League of Filipino Students - UP Baguio
Tanghalang Bayan ng Kabataan sa Baguio
AKMA UP
UP Artists’ Circle - Baguio Chapter
KEEP UP
UP LAKAN Baguio
UPB Sociology Guild
UP Baguio Mountaineers
Bahaghari - UP Baguio Chapter
UPB OBRA
Anakbayan UP Baguio
Innabuyog Gabriela Youth UP Baguio
UP Math-Physics Society
CADUA UPB
State Varsity Christian Fellowship Baguio
PAGTA Official
Alpha Phi Omega - Gamma Pi Chapter
UP Sigma Beta Sorority - Baguio Chapter
UP BUSOG
UP Baguio Cheer Squad
UPB Philosophy Circle
Agham Youth - UP Baguio
Literati
Anime_HQ
Politically Inclined Students of UP Baguio
UPB Tinig Amianan
UP ISIP - Integrated Students in Psychology
SJ-AS Baguio Chapter
UP Baguio Triskelions

𝗜𝗦𝗞𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗦𝗨𝗣𝗘𝗥! 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗪𝗔𝗟𝗞𝗢𝗨𝗧! April 24, 2026 11:00 AM UPB CafeteriaSa kasalukuyang kr...
23/04/2026

𝗜𝗦𝗞𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗦𝗨𝗣𝗘𝗥! 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗪𝗔𝗟𝗞𝗢𝗨𝗧!

April 24, 2026
11:00 AM
UPB Cafeteria

Sa kasalukuyang krisis, saksi tayong mga kabataan at estudyante sa pinagdaanan ng ating mga tsuper, manggagawa, magsasaka, at iba pang sektor na pare-parehong apektado sa hindi makatarungang presyo ng langis, bilihin, at mga batayang serbisyo. Mas lalo pa natin itong nararamdaman bilang mga komyuter na nagpapakahirap sa mahahahabang pila para makapasok sa paaralan at para makauwi dulot ng patuloy na krisis sa transportasyon.

Malinaw na ang solusyon ay hindi simpleng ayuda o voluntary fare hike, kagyat na long-term solutions dapat! Sa ilalim ng sistemang mapagsamantala at ganid, nararapat nating tutulan at ipatanggal ang VAT at Excise Tax na mas lalong nagpapahirap sa masa. Kasama pa ang Oil Deregulation Law na siyang dahilan kung bakit walang kakayahan ang gobyerno na protektahan ang masang anakpawis.

Mga Iskolar ng Bayan, makiisa sa laban ng tsuper at baguhin ang sistema! UPB, WOKAWT NA!





23/04/2026

𝗪𝗔𝗟𝗞𝗢𝗨𝗧 𝗡𝗔, 𝗔𝗡𝗢 𝗧𝗔𝗥𝗔?

📅 April 24, 2026
⏰ 11:00 AM
📍 UPB CAFETERIA

Inaanyayahan ang mga Iskolar ng Bayan ng mga tsuper at buong hanay ng transportasyon na makilahok sa gaganapin WALKOUT sa bukas, sa ganap na 11 ng umaga upang ipakita ang ating pagkakaisa sa panahon ng tumitinding krisis sa langis.

Mula noong 2025, ilang beses nang pinatunayan ng komunidad ng UP Baguio na ganda itong magkaisa para sa karapatan at kagalingan ng mga estudyante at malawak na hanay ng sambayanan. Ngayong ikalawang kwatro ng 2026, kasalukuyan tayong kumakaharap sa matinding krisis panlipunan at tinatawag tayo ng panahon na tumindig upang laban ito.

UPB, WOKAWT NA!





BUKAS NA LIHAM PARA SA KAPWA KABATAAN NA APEKTADO NG MALUBHANG KRISIS SA LANGISBatid natin bilang mga kabataan ang bigat...
22/04/2026

BUKAS NA LIHAM PARA SA KAPWA KABATAAN NA APEKTADO NG MALUBHANG KRISIS SA LANGIS

Batid natin bilang mga kabataan ang bigat ng pamumuhay kamakailan, ramdam namin ang pangamba na magkulang ang baon, mahal na pamasahe, at walang katiyakang kinabukasan. Ngunit sa likod ng bawat biyahe na inaabot natin, nariyan ang mga tsuper at operator na higit pang nanlulumo sa krisis na ito.

Kailangan natin tandaan na hindi hiwalay ang laban ng estudyante sa laban ng tsuper. Iisa ang pinagmumulan ng ating kinakaharap, isang sistemang pumapabor sa mga korporasyong ganid sa tubo habang pinapasan ng nakararami ang krisis.

Ang mga anak ng mga tsuper at operator natin ay mga kapwa natin kabataan at estudyante. Kaya hindi malabo na maunawaan natin ang bigat ng dagdag-pamasahe. Ngunit hindi rin naman kagustuhan ng mga tsuper ang krisis na ito, ganun din sa magtaas ng pasahe. Malinaw na ito ay desperadong hakbang para mabuhay sa gitna ng sumisirit na presyo ng langis at kawalan ng tunay na tugon mula sa gobyerno.

Sa Baguio, pinagbubunggo tayo ng gobyerno dahil sa “voluntary” fare hike. Sa pumapalong humigit-kumulang P128.75 kada litro ng diesel, umaabot na sa P4,000 ang arawang gastos ng mga tsuper habang may P600-P800 na boundary at maintenance ng mga jeep. At sa halos 10-12 oras ng pamamasada, P400-P500 ang maiuuwi na paniguradong hindi sasapat para sa kanilang mga pamilya.

Sa mga kapwa namin kabataan, huwag tayong masapatan at masanay na kailangang magmakaawa ng ating mga tsuper upang sila’y mabuhay. Hindi tayo ang magkalaban sa krisis na pareho tayong pinagsasamantalahan. Ang laban ng tsuper, laban din nating mga komyuter!

𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗧𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗥𝗜𝗦𝗜𝗦, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗜𝗜𝗣𝗜𝗧!Sa gitna ng krisis sa langis na pinalala ng gyerang agresyon na in...
19/04/2026

𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗧𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗥𝗜𝗦𝗜𝗦, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗜𝗜𝗣𝗜𝗧!

Sa gitna ng krisis sa langis na pinalala ng gyerang agresyon na inilunsad ng imperyalistang US-Israel laban sa Iran, patuloy din ang pagsirit ng presyo ng produktong krudo sa pandaigdigang merkado na direktang nakakaapekto sa Pilipinas. Sa kasalukuyang kalagayan ng Baguio, nagbunga ito sa pagkakaroon ng pansamantalang taas-pasahe upang tugunan ang lumalalang pagkalugi ng mga tsuper at operator. Kinikilala natin na sa kasalukuyang kalagayan na ito ay kagyat na kailangan at hindi maiiwasan. Ngunit malinaw rin na hindi dapat ipinapasa ng estado ang bigat ng krisis sa karaniwang mamamayan, na siya ring mga komyuter at konsyumer. Sa halip na gumaan, lalo pang nagigipit ang kanilang kabuhayan habang sabay-sabay na tumataas ang pamasahe, presyo ng bilihin tulad ng pagkain, at iba pang batayang serbisyo.

Dahil inutil ang tugon ng administrasyon ni Marcos Jr. sa krisis na ito, hindi makatarungang ipasa sa mamamayang Pilipino ang krisis na hindi naman nila nilikha. Sa harap ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo, dapat kagyat at makabuluhang itaas ang sahod ng mga manggagawa upang makaagapay sa pang-araw-araw na gastusin. Ngunit higit pa rito, kailangang panagutin ang dambuhalang mga kumpanya ng langis at kasapakat ng mga ito na prayoridad ang kumakamkam ng tubo sa gitna ng krisis.

Mauugat ang problemang ito sa Oil Deregulation Law na ipinasa noong 1998, bilang bahagi ng mga kondisyong ipinataw ng International Monetary Fund. Dahil dito, nawalan ng kapangyarihan ang gobyerno na regulahin ang presyo ng langis, at tuluyang napunta sa kamay ng iilang pribadong kumpanya ang kontrol sa suplay at presyo. Sa kasalukuyan, lantad ang kanilang pagkaganid dahil sinisingil ang mamamayan batay sa “future replacement cost,” kahit hindi pa nila nararanasan ang aktwal na pagtaas ng kanilang gastos. Samantala, kapag bumababa ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, napakabagal at halos hindi maramdaman ang pagbaba sa lokal na presyo. Ang mga tinatawag na rollback ay nagiging ilusyon lamang, panandalian at hindi sapat upang tunay na mapagaan ang buhay ng mamamayan.

Kaya naman, nais ipaunawa ng Anakbayan UP Baguio sa kapwa naming kabataan at mamamayan na kailangan nang ibasura ang Oil Deregulation Law na siyang ugat sa ganitong klase ng pananamantala. Kasabay nito, agaran na dapat ang pagtanggal sa 12% Value Added Tax at Excise Tax sa langis na lalo lamang nagpapabigat sa pasanin ng ordinaryong Pilipino. Sa halip, ang dapat buwisan ay ang bilyonaryo at malalaking korporasyon na patuloy na nakikinabang sa sistemang ito. Pinagpipilitan ng rehimeng Marcos Jr. na malulugi kung gagawin ito ngunit malinaw na ang mga buwis na nakakalap ay hindi ginagamit upang tugunan ang sa pangangailangan ng mamamayan. Halip na makatulong, ito ay nakalaan sa pasismo, at napupunta sa bulsa ng korap sa estado.

Sa huli, ang laban para sa makatarungang presyo ng langis ay hindi hiwalay sa laban para sa makatarungang sahod, abot-kayang pamasahe at bilihin, at makataong pamumuhay. Panahon na upang ibasura ang mga neoliberal na polisiyang hindi nakakatugon sa pangangailangan ng mamamayan sa ganitong sitwasyon, at itatag ang isang pambansang industriya ng langis dahil hindi matatapos ang ganitong krisis hanggat hindi pinuputol ang mga ugat nito.


Address

Baguio City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anakbayan UP Baguio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Anakbayan UP Baguio:

Share