DA-PhilRice Batac

DA-PhilRice Batac DA-PhilRice Batac was established in 1999 to be the Drought-prone Agriculture Research Center through an agreement forged by then PhilRice.
(1)

22/06/2026

Hawak nga ba ang beat ng drum seeder sa palayan? 🌾🥁 🎶

Aalamin natin 'yan kay ka-Palay Samuel.

Panoorin ang video at para sa karagdagang impormasyon tungkol sa drum seeder, nasa comment section ito ka-Palay!

Mula Ilocos Norte, nakarating na sa Pitogo, Quezon Province ang Low-Cost Bamboo-Bin Dryer!Sa pamamagitan ng bangka, bina...
19/06/2026

Mula Ilocos Norte, nakarating na sa Pitogo, Quezon Province ang Low-Cost Bamboo-Bin Dryer!

Sa pamamagitan ng bangka, binaybay natin ang dagat upang maiparating ang Low-Cost Bamboo-Bin Dryer technology sa Glinoga Integrated Farm, isang organic farm sa Pitogo, Quezon, Province.

Sa pangunguna at inisyatiba ng farm owner na si Ka-Palay Nineveh, matagumpay na naisagawa ang Training on Low-Cost Bamboo-Bin Dryer na dinaluhan ng 13 TESDA students (7 babae at 6 lalaki) at 4 na farm staff (2 babae at 2 lalaki).

Layunin ng Glinoga Integrated Farm na mapalawak ang kanilang kaalaman sa makabagong teknolohiya sa pagpapatuyo ng palay, mapabilis ang proseso ng pagpapatuyo, at mapabuti ang kalidad ng kanilang ani at bigas kahit sa panahon ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Patuloy pa rin ang pagtulong natin sa mga magsasaka at sa komunidad.

Problema sa alat ba kamo? NSIC Rc 534 ang sagot diyanIbinahagi sa mga ka-Palay sa Luna, La Union na apektado ng alat ng ...
19/06/2026

Problema sa alat ba kamo? NSIC Rc 534 ang sagot diyan

Ibinahagi sa mga ka-Palay sa Luna, La Union na apektado ng alat ng lupa at tubig ang saline-tolerant rice variety na NSIC Rc 534, upang mapanatili ang produktibong ani sa gitna ng lumalalang hamon ng klima at patuloy na pagtaas ng salinidad sa mga palayan.

Ang NSIC Rc 534 ay kilala rin ito na Salinas 29. Kung sa tubig-alat, umaabot ng 131 araw ang paggulang o maturity nito at may karaniwang ani na 62 kaban kada ektarya. Pero kung ito ay itatanim sa mga lugar na may maayos na patubig, mas maaga pa ang paggulang nito at maaaring umabot ng 109 kaban ang ani.

Kasabay nito ang pagpapakilala sa Package of Technology for Salt-Affected Areas at ang pagsasagawa ng talakayan sa PalayCheck System, na naglalayong palakasin ang kaalaman sa mas epektibong pamamahala ng palayan.

Ayon sa Climate Smart Map Project ng DA-PhilRice, ang Luna, La Union ay kabilang sa mga may pinakamalawak na apektadong palayan ng saline intrusion sa rehiyon—kaya’t prayoridad ang pagdadala ng angkop na teknolohiya upang mapataas ang ani at mapanatili ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Guess the word ka-Palay. Ammom kadi no ania nga ahensia ti gobierno ti mangipapaay iti certified in**ed seeds babaen ti ...
17/06/2026

Guess the word ka-Palay.

Ammom kadi no ania nga ahensia ti gobierno ti mangipapaay iti certified in**ed seeds babaen ti RCEF Seed Program?

I-komentom daytan ka-Palay!


Hindi lang palay ang inaani natin, pati na rin ang mga bunga ng sipag, dedikasyon, at kahusayan.Nagbigay-karangalan ang ...
16/06/2026

Hindi lang palay ang inaani natin, pati na rin ang mga bunga ng sipag, dedikasyon, at kahusayan.

Nagbigay-karangalan ang mga kawani ng DA-PhilRice Batac sa 56th Crop Science Society of the Philippines Scientific Conference matapos maiuwi ang:

🏆 CSSP Achievement Award for Technology Development
🥇 1st Place – Best Poster (Crop Production and Management)
🥉 3rd Place – Best Poster (Technology Extension, Dissemination, and Education)

Patuloy na nagpapatunay ang DA-PhilRice Batac na ang pananaliksik at inobasyon ay mahalagang susi sa mas maunlad na sektor ng agrikultura.

Tuloy-tuloy ang paglilingkod para sa magsasakang Pilipino. 💚🌾

Mas easy na ang pagpupunla!Magtanim ay 'di biro, ang sabi sa kanta, pero ngayon, dahil sa mechanical seeder at paggamit ...
15/06/2026

Mas easy na ang pagpupunla!

Magtanim ay 'di biro, ang sabi sa kanta, pero ngayon, dahil sa mechanical seeder at paggamit ng seedling trays, di na maghapong pagod at nakayuko.

Sa Villasis, Pangasinan, halos 25 ektaryang palayan ang tinamnan ng punla. Kaya mas maayos na ang proseso mula punlaan hanggan taniman.

Ang benepisyo?

✅ Mas malulusog ang mga punla at 'di nakararanas ng stress sa transplanting
✅ Mas mabilis nang maglipat-tanim, pwede nang ilipat ang 14 araw na punla
✅ Sapat ang 30 metro kuwadradong luwang ng punlaan para sa 1 ektarya

Ikaw ka-Palay, nasubukan mo na ba ito? I-comment ang iyong karanasan sa paggamit ng mechanical seeder.

NAKATANIM ka na ba, ka-Palay? 🌾Ayon sa pangalawang deteksiyon ng PRiSM ngayong 2026 Second Semester, narito ang mga lupa...
11/06/2026

NAKATANIM ka na ba, ka-Palay? 🌾

Ayon sa pangalawang deteksiyon ng PRiSM ngayong 2026 Second Semester, narito ang mga lupang nataniman mula Marso hanggang Mayo 2026.

Tignan ang comment section para sa mga detalye.

Teknolohiya para sa maalat na palayan sa Bauang, inilunsad 🌾Tumaas ang kumpyansa ng ating mga ka-Palay na mas aani sila ...
08/06/2026

Teknolohiya para sa maalat na palayan sa Bauang, inilunsad 🌾

Tumaas ang kumpyansa ng ating mga ka-Palay na mas aani sila ng better matapos ang pagsasanay sa integrated crop management (ICM) for saline-affected rice environments sa bayan ng Bauang sa La Union.

Sa kabila ng hamon ng alat sa lupa at tubig na nakaaapekto sa mahigit 400 ektaryang palayan sa bayan, kanilang natutunan ang iba't ibang teknolohiyang makatutulong upang mabawasan ang epekto nito sa kanilang pananim.

Tamang pamamahala sa lupa, sustansya, at patubig, gayundin ang paggamit ng mga saline-tolerant rice varieties na mas angkop sa mga lugar na may mataas na antas ng alat, 'yan ang natutunan ng ating mga ka-Palay sa ginanap na pagsasanay.

Umaasa ang PhilRice Batac at ang mga magsasaka na makatutulong ito na mapataas ang average yield ng Bauang na 4.10 tonelada kada ektarya.

Pamamahagi ng libreng dekalidad na in**ed na binhi sa Sarrat, Ilocos Norte 🌾Ikaw ka-Palay, nakatanggap ka na rin ba ng l...
01/06/2026

Pamamahagi ng libreng dekalidad na in**ed na binhi sa Sarrat, Ilocos Norte 🌾

Ikaw ka-Palay, nakatanggap ka na rin ba ng libreng in**ed na binhi mula sa RCEF Seed Program ng PhilRice?


Sirang mekanikal transplanter? Ayusin natin ’yan, ka-Palay! ⚙️✨Isang yunit ng mekanikal transplanter mula sa Solsona, Il...
27/05/2026

Sirang mekanikal transplanter? Ayusin natin ’yan, ka-Palay! ⚙️✨

Isang yunit ng mekanikal transplanter mula sa Solsona, Ilocos Norte ang muling napaandar at napagana sa tulong ng Agricultural and Biosystems Engineering (ABE) Unit ng DA-PhilRice Batac. Ito ay matapos mag-request ng technical assistance ang lokal na pamahalaan ng Solsona dahil halos isang taon nang hindi nagagamit at nakaimbak lang ang kanilang yunit.

“Masaya kami at magagamit na rin namin ang aming mekanikal transplanter, sakto at palapit na naman ang taniman,” ani ka-Palay Ramon Manuel.

Patuloy ang DA-PhilRice Batac sa agarang pagtugon upang masigurong handa at maayos ang mga makinaryang makakatulong sa ating mga magsasaka.

Address

Brgy. Tabug, Paoay Road, City Of Batac
Batac
2906

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

09208634639

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DA-PhilRice Batac posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DA-PhilRice Batac:

Share