14/10/2026
TINGNAN | Binigyang pagkilala ng Department of Science and Technology (DOST) ang Philippine Information Agency (PIA) Calabarzon sa 2026 Tambuli Outstanding Media Partner Awards bilang Exemplary Science, Technology and Innovation (STI) Media Advocate sa 2026 Regional Science and Technology Week (RSTW) Calabarzon ngayong Miyerkules, Oktubre 14 sa Lucena City, Quezon.
Bahagi ang rekognisyong ito sa aktibong pakikiisa ng PIA Calabarzon sa mga programa at inisyatibo ng DOST Calabarzon na layong isulong ang mga impormasyon tungkol sa siyensya, teknolohiya at inobasyon sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino upang masiguro na may agham na ramdam at nakakatulong sa patuloy na pagsulong at pag-unlad ng rehiyon.