BCLP Cauayan isabela

BCLP Cauayan isabela Barangay Councilors League of the Philippines Cauayan City Isabela

"United we stand, Divided we fall"

06/08/2026
27/07/2026

β€Žπ— π—šπ—” π—›π—œπ—‘π—”π—œπ—‘π—š π—‘π—š π— π—”π—šπ—¦π—”π—¦π—”π—žπ—” 𝗔𝗧 π—™π—Ÿπ—’π—’π—— 𝗖𝗒𝗑𝗧π—₯π—’π—Ÿ, π—œπ—‘π—”π—”π—¦π—”π—›π—”π—‘π—š π— π—”π—•π—œπ—šπ—¬π—”π—‘π—š-π—£π—”π—‘π—¦π—œπ—‘ 𝗦𝗔 𝗦𝗒𝗑𝗔
β€Ž
β€ŽCAUAYAN CITY – Umaasa ang ilang IsabeleΓ±o na matutukan sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo ang mga pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura, partikular ang epekto ng matinding tagtuyot sa mga magsasaka sa lalawigan.
β€Ž
β€ŽAyon kay Cauayan City Councilor Paulo Eleazar Delmendo, bilang pangunahing producer ng palay at mais sa bansa ang Isabela, nararapat lamang na mabigyang-solusyon ang mga hamong nararanasan ng mga magsasaka upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain.
β€Ž
Kabilang sa mga dapat pagtuunan ng pansin ang pinsalang dulot ng matagal na kakulangan ng ulan at pagbaba ng lebel ng tubig sa Magat Dam, na nagresulta sa pagkatuyo ng mga pananim at pagbitak ng mga sakahan.
β€Ž
β€ŽBukod sa usapin ng agrikultura, umaasa rin si Delmendo na mabibigyang-diin sa SONA ang matagal nang isyu ng flood control.
β€Ž
β€ŽHiniling din niya na patuloy pang palawakin ng pamahalaan ang mga programang pang-edukasyon, kabilang ang scholarship programs, upang mas marami pang kabataang Pilipino ang makinabang.
β€Ž------------------------------------------------

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž

22/07/2026

Approved on 3rd and Final Reading πŸ€™πŸ»
Ang Ordinansang nagbibigay ng proteksyon sa ating mga masisipag na Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Barangay Population Workers (BPW) sa ating mga Barangay.

Address

Cauayan
3305

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BCLP Cauayan isabela posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share