Napolcom National Capital Region

Napolcom National Capital Region The Official page of NAPOLCOM NCR

05/09/2026
04/09/2026

READ | STATEMENT OF COMMISSIONER RAFAEL VICENTE R. CALINISAN
Commending Marikina Police for Swift Response to Robbery Incident

I commend the personnel of Marikina City Police Station, Eastern Police District whose swift response led to the arrest of five suspected members of the “Gapos Gang” following a robbery in Barangay Concepcion Dos, Marikina City. Their immediate action secured the victims, prevented further harm, and led to the recovery of fi****ms, am******on, suspected stolen properties, and other items allegedly used in the crime.

Sa oras ng panganib, mahalaga ang bawat minuto. The incident showed the value of alert citizens and police personnel who respond without delay. The victims’ prompt call for assistance and the police’s immediate action demonstrate how police-community cooperation can help protect lives and restore a sense of security.

Ito ang serbisyong dapat nararamdaman ng bawat mamamayan: mabilis, maaasahan, at handang tumugon. Sa NAPOLCOM, patuloy nating isusulong ang isang pulisya na laging handang tumayo sa pagitan ng panganib at ng taong nangangailangan ng proteksyon.


04/09/2026

READ | STATEMENT OF COMMISSIONER RAFAEL VICENTE R. CALINISAN
Commending Mandaluyong Cops for Integrity and Genuine Public Service

I commend Police Master Sergeant Romel Tayamin of the Mandaluyong City Police Station for his honesty and initiative in finding a lost mobile phone, surrendering it to the police patrol unit, and taking steps to ensure its safe return to its owner. I likewise recognize Police Lieutenant Angel Von P. Occeña, Chief of the Special Weapons and Tactics (SWAT) and Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU), DA Villarmil, and Police Executive Master Sergeant Patrick Erwin Galapon, Deputy TMR, for the assistance and reassurance they extended to the citizen at the police station.

Para sa akin, ito ang tunay na malasakit sa kapwa. Sa simpleng katapatan ni Sergeant Tayamin at malasakit ng kanyang mga kasamahan, naipadama nila na mahalaga ang concern ng bawat mamamayan at nararapat itong pakinggan at tugunan.

Ganito natin dapat isabuhay ang pagiging pulis: may integridad, malasakit, at tunay na hangaring makatulong. Sa bawat tamang gawain, gaano man ito kasimple, nabubuo ang tiwala ng taumbayan sa ating pulisya.


04/09/2026
04/09/2026

NAPOLCOM N’yo Po! Mga Lingkod-Bayan ng NAPOLCOM

ATTY. BIENVENIDO MANDAC
Chairman ng Regional Appellate Board
NAPOLCOM MIMAROPA

Sa likod ng bawat desisyon ay isang paninindigan para sa katarungan.

Para kay Atty. Bienvenido Mandac, Chairman ng Regional Appellate Board ng NAPOLCOM MIMAROPA, ang paglilingkod sa Komisyon ay higit pa sa pagganap ng isang tungkulin. Ito ay isang patuloy na paninindigan para sa katarungan, integridad, due process, at disiplina sa hanay ng kapulisan.

Sa loob ng apat na taon sa NAPOLCOM, bahagi ng kanyang araw-araw na gawain ang case consultations, masusing pagsusuri ng mga kaso, at paghahanda ng mga desisyon at resolusyon. Sa bawat isa, nananatili siyang gabay ng paniniwalang ang mga desisyon ay dapat na mabilis, makatarungan, at nakabatay sa merito.

Para kay Atty. Mandac, mahalagang mapanatili ang tamang balanse sa pagitan ng kapangyarihan ng Estado na magpatupad ng disiplina, karapatan ng bawat indibidwal sa due process, at sama-samang hangarin para sa kapayapaan at kaayusan.

Bilang Chairman ng Regional Appellate Board, nais niyang maging higit pa sa isang proseso ang police discipline, dapat itong magkaroon ng sustansya, diwa, at tunay na epekto sa pagpapanatili ng pananagutan sa hanay ng kapulisan. Sa pamamagitan ng kapangyarihang mag-review ng mga kaso, nagsisilbi ang Board bilang isang mahalagang pananggalang upang matiyak na naipatutupad ang katarungan, napapanagot ang mga nagkakasala, at nananatiling may matatag na oversight sa police force.

Ngunit sa kabila ng kanyang mga karanasan at responsibilidad, patuloy niyang tinitingnan ang sarili bilang isang estudyante at manlalakbay, laging handang matuto, magsuri, at tuklasin ang patuloy na nagbabagong mundo ng batas, mga alituntunin, at jurisprudence.

Para sa kanya, ang patuloy na pagkatuto ang nagpapalakas sa resilience, efficiency, stamina, at passion na kinakailangan sa araw-araw na paglilingkod.

Sa NAPOLCOM, ang bawat lingkod-bayan ay may kuwentong humuhubog sa paraan ng kanyang paglilingkod.

At sa kwento ni Atty. Mandac, ang katarungan ay hindi lamang tungkol sa paghatol sa tama at mali, ito ay tungkol sa paninindigan, pananagutan, at malasakit sa mas malaking layunin ng paglilingkod sa bayan.

NAPOLCOM N’YO PO!
Mga taong nasa likod ng serbisyong para sa bayan.

Ulat mula sa NAPOLCOM MIMAROPA



03/09/2026


Address

4th & 5th Floors NAPOLCOM Bldg. , 371 Sen Gil Puyat Avenue
Makati
1209

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Napolcom National Capital Region posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share