23/02/2026
Mahigit 20,000 nating mga kababayan ang naki-awit at umaksyon kontra korapsyon noong ating People Power @ 40 sa QC: EDSA Kick-Off Concert!
Sa ika-40 taon ng People Power, ipinakita natin na gising na gising ang ating mga kababayan at handang makilahok at kumilos para sa mabuting pamamahala.
Isang malaking pasasalamat sa lahat ng ating partners at organizers na nagtulung-tulong upang maging matagumpay, ligtas, at maayos ang ating kick-off concert! Maraming Salamat sa Quezon City Government sa pangunguna ng Kaya Natin! Chairperson na si Mayor Joy Belmonte, Mayors for Good Governance, IndieGo Media, Nice Print Photography, ActivAsia, MMDA, Regasco, Quezon Memorial Circle Administration, at sa iba pa nating partners at volunteers!
Ipagpatuloy natin ang laban para sa tapat at mahusay na pamamahala. Ang lakas ng bawat mamamayang Pilipino ang magsisilbing liwanag patungo sa mas magandang kinabukasan. Mabuhay ang Pilipinas! ๐ต๐ญ