19/10/2026
PUBLIC HEARING SUCCESSFULLY CONDUCTED!
Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Public Hearing ng Sangguniang Barangay ng Barangay New Banicain, Olongapo City, kaugnay ng dalawang panukalang ordinansa na naglalayong palakasin ang kaayusan, kaligtasan, at proteksyon ng ating mga kabarangay.
📌 BARANGAY ORDINANCE NO. 7, SERIES OF 2026
AN ORDINANCE REQUIRING THE REGISTRATION OF NEW OCCUPANTS, RENTERS, BOARDERS, BEDSPACERS, LESSEES AND TRANSIENT RESIDENTS WITHIN BARANGAY NEW BANICAIN, OLONGAPO CITY, PROVIDING RULES AND PROCEDURES THEREFOR, AND FOR OTHER PURPOSES.
Layunin ng ordinansang ito na magkaroon ng maayos na sistema ng pagpaparehistro ng mga bagong occupant, renter, boarder, bedspacer, lessee, at transient resident sa ating barangay.
📌 BARANGAY ORDINANCE NO. 8, SERIES OF 2026
AN ORDINANCE INSTITUTIONALIZING THE ESTABLISHMENT AND IMPLEMENTATION OF A “SAFER SCHOOL ZONE” AROUND BANICAIN ELEMENTARY SCHOOL, BARANGAY NEW BANICAIN, CITY OF OLONGAPO, PROVIDING FOR ENHANCED SCHOOL-ZONE SAFETY AND SECURITY, BARANGAY TANOD VISIBILITY, PEDESTRIAN AND TRAFFIC SAFETY, INCIDENT PREVENTION AND REPORTING, EMERGENCY RESPONSE, SCHOOL-BARANGAY COORDINATION, AND OTHER PROTECTIVE MEASURES FOR LEARNERS, TEACHERS, SCHOOL PERSONNEL, PARENTS, AND THE SCHOOL COMMUNITY, IN ACCORDANCE WITH DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2026-037 AND OTHER PERTINENT LAWS, RULES AND REGULATIONS.
Layunin naman ng ordinansang ito na mapalakas ang kaligtasan at seguridad sa paligid ng Banicain Elementary School, kabilang ang pedestrian at traffic safety, visibility ng mga Barangay Tanod, pag-iwas sa mga insidente, at koordinasyon sa pagitan ng paaralan at barangay.
Ang dalawang panukalang ordinansa ay iniakda at ini-sponsor ni Hon. Geraldo P. Pineda.
🤝 Ang pagsasagawa ng public hearing ay mahalagang bahagi ng proseso ng paggawa ng mga ordinansa upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan at stakeholder na magpahayag ng kanilang mga opinyon, suhestiyon, at rekomendasyon.
Maraming salamat po sa lahat ng dumalo at nakibahagi sa talakayan. Patuloy po tayong magtulungan para sa isang mas ligtas, maayos, at responsableng Barangay New Banicain! 💙