NMIS National Capital Region

NMIS National Capital Region The Official page of National Meat Inspection Service - National Capital Region (NMIS-NCR) Vasra, Quezon City
Tel.

NATIONAL MEAT INSPECTION SERVICE (NMIS RTOC NCR)

No.4 Visayas Avenue, Brgy. Nos. 924-7980, 921-4473; (02) 924-7980 loc. 301-302 Fax No. 456-6368
Website: www.nmis.gov.ph
e-mail:[email protected]

LOOK || The National Meat Inspection Service – National Capital Region (NMIS-NCR) successfully conducted its General Ass...
05/08/2026

LOOK || The National Meat Inspection Service – National Capital Region (NMIS-NCR) successfully conducted its General Assembly on August 3, 2026, bringing together personnel to discuss operational accomplishments, current concerns, and priority programs aimed at strengthening meat safety and regulatory compliance throughout Metro Manila.

One of the major highlights of the assembly was the discussion on the proper disposal of meat products stored in NMIS-accredited cold storage warehouses across the National Capital Region, particularly those that have already expired or are nearing their expiration date. The management emphasized the importance of strict monitoring, timely disposition, and proper disposal procedures to ensure that these products do not re-enter the food supply chain and pose risks to public health.

The discussion also reinforced the responsibility of accredited cold storage operators to comply with existing NMIS regulations on inventory management, documentation, and disposal of condemned meat products. Participants were reminded that continuous surveillance, regular inspections, and coordinated enforcement activities remain vital in protecting consumers and maintaining the integrity of the country's meat industry.

A special highlight of the General Assembly was the Recognition of Outstanding Personnel, honoring employees who have demonstrated exceptional dedication, professionalism, and excellence in the performance of their duties and commitment to public service. The following personnel were recognized for their exemplary contributions:

Best Meat Inspector – Mr. Leo Badilla
Best Support Personnel – Mr. Marvin Doles
Best Meat Control Officer – Dr. Gina Matthews
Best Contract of Service Personnel – Mr. Jehoshua Leeroy Villegas

NMIS-NCR continues to strengthen collaboration among its personnel, improve operational efficiency, and uphold its commitment to ensuring that only safe, wholesome, and properly inspected meat reaches the Filipino public while recognizing the invaluable contributions of its dedicated workforce.

𝗡𝗠𝗜𝗦, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘𝗦-𝗖𝗔𝗠𝗕𝗢𝗗𝗜𝗔 𝗟𝗜𝗩𝗘𝗦𝗧𝗢𝗖𝗞 𝗧𝗔𝗟𝗞𝗦! Nakiisa ang National Meat Inspection Service (NMIS), kasama ang D...
03/08/2026

𝗡𝗠𝗜𝗦, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘𝗦-𝗖𝗔𝗠𝗕𝗢𝗗𝗜𝗔 𝗟𝗜𝗩𝗘𝗦𝗧𝗢𝗖𝗞 𝗧𝗔𝗟𝗞𝗦!

Nakiisa ang National Meat Inspection Service (NMIS), kasama ang Department of Agriculture (DA), National Livestock Program (NLP), at Bureau of Animal Industry (BAI), sa isinagawang usapang pangkalakalan kasama ang mga kinatawan mula sa Cambodia noong Hulyo 22, 2026, sa Food Development Center, Taguig City.

Layunin ng pagpupulong na ito na patatagin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa sektor ng paghahayupan (livestock), palaguin ang pamumuhunan ng pribadong sektor, at talakayin ang mga hakbang para sa mas abot-kaya at progresibong kalakalan.

Bilang pambansang ahensya na nangangalaga sa kaligtasan ng karne, nagbigay ang NMIS ng ulat at teknikal na payo hinggil sa mga programa sa pagtiyak na malinis, ligtas, at de-kalidad ang karne sa merkado.

Patuloy ang NMIS sa pakikipagtulungan sa ating mga partner-agencies at karatig-bansa upang masiguro ang "𝗦𝗮𝗳𝗲 𝗠𝗲𝗮𝘁 𝗙𝗼𝗿 𝗔𝗹𝗹"!

03/08/2026

'𝗪𝗔𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔-𝗣𝗥𝗢𝗠𝗢 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗠𝗜𝗧!🍗 🥩🍖

Gusto mo bang magpa-raffle ng isang taong supply ng samgyupsal? O baka naman planado na ang "Buy 1, Take 1" sa iyong meat shop? Bago i-post 'yan, siguraduhin munang may 𝗦𝗮𝗹𝗲𝘀 𝗣𝗿𝗼𝗺𝗼𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗲𝗿𝗺𝗶𝘁 ka na mula sa NMIS!

𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗸𝘂𝗺𝘂𝗵𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗲𝗿𝗺𝗶𝘁? Alinsunod sa 𝗔𝗿𝘁𝗶𝗰𝗹𝗲 𝟭𝟭𝟲 𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗻𝘀𝘂𝗺𝗲𝗿 𝗔𝗰𝘁 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 (𝗥𝗔 𝟳𝟯𝟵𝟰), obligasyon ng bawat negosyo na kumuha muna ng permit bago ilunsad ang anumang sales promotion na may pangakong premyo kapalit ng pagbili ng karne.

Dito, panalo ang iyong business dahil:
1. 𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗸𝘁𝗮𝗱𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝘂𝗸𝗶: Sinisiguro nito na ang iyong promo ay patas at sumusunod sa mga pamantayan ng hygiene at sanitation.
2. 𝗜𝘄𝗮𝘀-𝗮𝗯𝗲𝗿𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝘁𝗮𝘀: Siguradong "clear" ang iyong negosyo sa mga regulasyon ng pamahalaan.
3. 𝗧𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗸 𝗻𝗮 "𝗟𝗲𝗴𝗶𝘁": Ang pagkakaroon ng 𝗽𝗿𝗼𝗺𝗼 𝗽𝗲𝗿𝗺𝗶𝘁 𝗻𝘂𝗺𝗯𝗲𝗿 sa iyong ads ay nagpapatunay na ang iyong meat shop ay mapagkakatiwalaan!

Huwag nang mag-patumpik-tumpik pa! Mag-apply na via walk-in, mail, o e-mail para masiguradong compliant at legal ang iyong susunod na big meat promo!

PAALALA MULA SA National ASF Prevention and Control Program
30/07/2026

PAALALA MULA SA National ASF Prevention and Control Program

30/07/2026
30/07/2026

𝐍𝐌𝐈𝐒 𝐔𝐧𝐝𝐞𝐫𝐠𝐨𝐞𝐬 𝐒𝐭𝐚𝐠𝐞 𝟐 𝐑𝐞-𝐀𝐮𝐝𝐢𝐭 𝐒𝐮𝐫𝐯𝐞𝐢𝐥𝐥𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐈𝐒𝐎 𝟗𝟎𝟎𝟏:𝟐𝟎𝟏𝟓 𝐐𝐮𝐚𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦

July 28- 30, 2026, the National Meat Inspection Service (NMIS) is undergoing its Stage 2 Re-Audit Surveillance for ISO 9001:2015 with W3 Solutionz.

The three-day surveillance audit aims to evaluate the continued conformity, effectiveness, and implementation of the Agency's Quality Management System (QMS) against the requirements of the ISO 9001:2015 international standard. It also serves to ensure that NMIS consistently delivers quality services while fostering a culture of continual improvement, operational excellence, and customer satisfaction.

As NMIS continues to pursue excellence in public service, the successful completion of this surveillance audit will reinforce the Agency's commitment to maintaining a robust Quality Management System aligned with internationally recognized best practices.

30/07/2026
📣  𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢: 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗟𝗜𝗡𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗗𝗔𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛-𝗙𝗗𝗔 𝗔𝗧 𝗗𝗔-𝗡𝗠𝗜𝗦 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗣𝗥𝗢𝗦𝗘𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘 Alinsunod sa 𝗙𝗼𝗼𝗱 𝗦𝗮𝗳𝗲𝘁...
30/07/2026

📣 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢: 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗟𝗜𝗡𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗗𝗔𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛-𝗙𝗗𝗔 𝗔𝗧 𝗗𝗔-𝗡𝗠𝗜𝗦 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗣𝗥𝗢𝗦𝗘𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘

Alinsunod sa 𝗙𝗼𝗼𝗱 𝗦𝗮𝗳𝗲𝘁𝘆 𝗔𝗰𝘁 𝗼𝗳 𝟮𝟬𝟭𝟯 (𝗥𝗲𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗔𝗰𝘁 𝗡𝗼. 𝟭𝟬𝟲𝟭𝟭) at 𝗝𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗖𝗶𝗿𝗰𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗡𝗼. 𝟬𝟮, 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗼𝗳 𝟮𝟬𝟭𝟲, opisyal nang inilipat sa Food and Drug Administration (DOH-FDA) ng Department of Health ang regulasyon ng mga naprosesong karne mula sa Department of Agriculture - National Meat Inspection Service (DA-NMIS).

Upang masiguro ang kaligtasan ng pagkain mula sa bukid hanggang hapag-kainan, narito ang malinaw na paghahati ng tungkulin ng dalawang ahensya:
Ang 𝗗𝗢𝗛-𝗙𝗗𝗔 ang may solong hurisdiksyon sa regulasyon, kaligtasan, at pagpaparehistro ng lahat ng 𝗻𝗮𝗽𝗿𝗼𝘀𝗲𝘀𝗼 𝗮𝘁 𝗽𝗿𝗲-𝗽𝗮𝗰𝗸𝗮𝗴𝗲𝗱 𝗻𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗿𝗼𝗱𝘂𝗸𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗿𝗻𝗲, 𝗹𝗼𝗸𝗮𝗹 𝗺𝗮𝗻 𝗼 𝗶𝗺𝗽𝗼𝗿𝘁𝗲𝗱. Sa DOH-FDA Center for Food Regulation and Research (CFRR) din po kukuha ng License to Operate (LTO) at Certificate of Product Registration (CPR) para sa mga produktong ito. Ang 𝗗𝗔-𝗡𝗠𝗜𝗦 naman ang nananatiling may hawak sa regulasyon ng 𝘀𝗮𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗿𝗻𝗲 (𝗳𝗿𝗲𝘀𝗵 𝗺𝗲𝗮𝘁—𝘄𝗮𝗿𝗺, 𝗰𝗵𝗶𝗹𝗹𝗲𝗱, 𝗼 𝗳𝗿𝗼𝘇𝗲𝗻) at nangangasiwa sa kaligtasan ng karne sa yugto ng primary production at post-harvest (tulad ng mga slaughterhouse, poultry dressing plants, at cold storage warehouse).

𝗔𝗻𝗼-𝗮𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗜𝘁𝗶𝗻𝘂𝘁𝘂𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮 "𝗡𝗮𝗽𝗿𝗼𝘀𝗲𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗿𝗻𝗲"?
Ang mga naprosesong karne ay ang mga dumaan sa pamamaraan tulad ng pagmamarinate, pagpapatuyo (curing), pag-usok (smoking), pagluluto, o paglalagay ng preserbatibo.
Narito ang mga karaniwang halimbawa ng produktong nasa ilalim na ngayon ng regulasyon ng DOH-FDA:
• 𝗖𝘂𝗿𝗲𝗱 𝗠𝗲𝗮𝘁𝘀: Longganisa, tocino, ham, at bacon.
• 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗻𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗠𝗲𝗮𝘁 𝗣𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁𝘀: Tinimplahang barbecue, seasoned steaks, at iba pang karneng may marinade.
• 𝗖𝗮𝗻𝗻𝗲𝗱 𝗼 𝗕𝗼𝘁𝘁𝗹𝗲𝗱 𝗠𝗲𝗮𝘁: Meatloaf, corned beef, luncheon meat, at mga sausage na de-lata.

Ang pagtiyak sa ligtas at de-kalidad na karne ay tungkulin nating lahat para sa malusog na pamilyang Pilipino!

𝗡𝗠𝗜𝗦-𝗡𝗖𝗥, 𝗡𝗮𝗴𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗘𝗻𝗳𝗼𝗿𝗰𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆; 𝗠𝗮𝗵𝗶𝗴𝗶𝘁 𝟮𝟯 𝗧𝗼𝗻𝗲𝗹𝗮𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗜𝗹𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗞𝗮𝗿𝗻𝗲 𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗮𝗸𝘂𝗺𝗽𝗶𝘀𝗸𝗮Bilang bahag...
17/07/2026

𝗡𝗠𝗜𝗦-𝗡𝗖𝗥, 𝗡𝗮𝗴𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗘𝗻𝗳𝗼𝗿𝗰𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆; 𝗠𝗮𝗵𝗶𝗴𝗶𝘁 𝟮𝟯 𝗧𝗼𝗻𝗲𝗹𝗮𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗜𝗹𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗞𝗮𝗿𝗻𝗲 𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗮𝗸𝘂𝗺𝗽𝗶𝘀𝗸𝗮

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng Meat Inspection Code of the Philippines at ng kampanya para sa ligtas at de-kalidad na karne sa merkado, matagumpay na nagsagawa ang National Meat Inspection Service – National Capital Region (NMIS-NCR) ng Enforcement Activity noong Hulyo 11, 2026, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela.

Sa isinagawang operasyon sa Lungsod ng Valenzuela, umabot sa 14 tonelada ng mga undocumented, unlabeled, at expired na produktong karne ang nakumpiska. Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng matibay na koordinasyon at aktibong suporta ng Valenzuela City Local Government Unit (LGU), na patuloy na nakikipagtulungan sa NMIS-NCR sa pagpapatupad ng mga batas at regulasyon ukol sa kaligtasan ng karne para sa kapakanan ng mamamayan.

Samantala, sa hiwalay na enforcement operation na isinagawa ng NMIS-NCR Enforcement Team sa Lungsod ng Malabon, nakumpiska rin ang humigit-kumulang 9 tonelada ng mga undocumented, unlabeled, at expired na produktong karne.

Upang matiyak na ang mga nakumpiskang hot meat ay hindi na muling mapapasok sa merkado at hindi na mahalo pa sa food chain, ang lahat ng mga ito ay isinailalim sa wastong disposal sa pamamagitan ng paglilibing sa magkahiwalay na disposal sites sa Bulacan at Valenzuela City, alinsunod sa umiiral na mga alituntunin sa tamang pagtatapon ng mga condemned meat products.

Patuloy na nananawagan ang NMIS-NCR sa lahat ng meat handlers, dealers, at food business operators na sumunod sa mga umiiral na batas at regulasyon sa paghawak at pagbebenta ng karne. Kasabay nito, pinagtitibay ng ahensya ang pangako nitong ipagpatuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat pamilyang Pilipino.

𝗡𝗠𝗜𝗦-𝗡𝗖𝗥 𝗡𝗔𝗚𝗚𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗟𝗚𝗨 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗘𝗡𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡...
15/07/2026

𝗡𝗠𝗜𝗦-𝗡𝗖𝗥 𝗡𝗔𝗚𝗚𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗟𝗚𝗨 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗘𝗡𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Noong umaga ng Hulyo 14, 2026, nagtungo ang mga kinatawan ng National Meat Inspection Service – National Capital Region (NMIS-NCR) sa Marikina City upang magbigay ng pagkilala sa mga natatanging lingkod-bayan ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina, sa pangunguna ni Mayor Marjorie Ann A. Teodoro, at ng Marikina City Police Station, sa pangunguna ni PCol. Jenny DC. Tecson, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa pagpapatupad ng batas at pangangalaga sa kaligtasan ng publiko.

Pinangunahan nina Dr. Minerva Calleja, Supervising Meat Control Officer, kasama sina Dr. Mariel Rebosura at Dr. Roseller Manalo, ang paggawad ng pagkilala bilang pasasalamat sa ipinakitang dedikasyon, propesyonalismo, at matibay na pakikipagtulungan ng mga kinikilalang opisyal at kawani.

Ang pagkilalang ito ay bunga ng matagumpay na enforcement activity na isinagawa noong Abril 30, 2026 sa Barangay Tañong, Marikina City, kung saan nakapagsamsam ang mga awtoridad ng mahigit 13 toneladang expired at undocumented na mga produktong karne. Ang nasabing operasyon ay naging mahalagang hakbang upang mapigilan ang pagpasok at distribusyon ng mga produktong maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng publiko at upang matiyak ang kaligtasan ng karne na ipinagbibili sa merkado.

Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng mahusay na koordinasyon at pagkakaisa ng NMIS-NCR, Marikina City LGU, at Marikina City Police Station sa pagpapatupad ng mga umiiral na batas at regulasyon sa meat safety. Sa pamamagitan ng kanilang sama-samang pagsisikap, patuloy na napoprotektahan ang kapakanan ng mga mamimili at napananatili ang integridad ng industriya ng karne.

Related post:https://tinyurl.com/y69nzput

Address

4 Visayas Avenue Barangay Vasra
Quezon City
1128

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63289247980

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NMIS National Capital Region posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to NMIS National Capital Region:

Shortcuts

Share