02/06/2026
๐๐
๐ฝ๐น๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ณ ๐ก๐ข ๐ฉ๐ผ๐๐ฒ ๐ผ๐ป ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ถ๐น๐น ๐ก๐ผ. ๐ต๐ฎ๐ฑ๐ณ, ๐ผ๐ฟ ๐๐ป ๐๐ฐ๐ ๐ฆ๐๐ฟ๐ฒ๐ป๐ด๐๐ต๐ฒ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐๐ต๐ฒ ๐๐ฎ๐๐ฒ๐ ๐๐ผ๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐๐๐ต๐ผ๐ฟ๐ถ๐๐, ๐ฎ๐บ๐ฒ๐ป๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ต๐ฒ ๐๐๐๐ ๐ผ๐ณ ๐ญ๐ต๐ต๐ฎ
Bakit tayo bumoto ng NO? Ang batas na ito, ang panukalang batas na ito ay nagtatakda na 10% ng lupain na saklaw ng BCDA. Pinakamalaki po rito yung sa New Clark City, at kasama rin ang mga lupain katulad ng sa Camp John Hay, Poro Point at ilan pang mga lugar. Pinakamalaki, again, ang sa New Clark City, 3,500 hectares, dinedeklarang agricultural and therefore alienable and disposable. Tapos, pagkatapos ng sampung taon ay bibigyan pa ng awtoridad ang Pangulo na magdagdag ng 5% na naman. Again, para maibenta, maiprivatize, in other words, ang lupain na ito.
Bakit po tayo tumututol? Dahil wala pong garantiya na ang pangunahing makikinabang rito ay ang mamamayan ng Central Luzon at ang mamamayan ng Pilipinas. Lalo na ang mga kababayan nating walang sariling lupa, walang masakang lupa, walang matirhan.
Isang mahalagang dahilan din po, pinapasa at ginawang prayoridad ang batas na ito habang tinutulak ng US ang tinatawag niyang Pax Silica, ang kasunduan na naglalayon ng US na magtatag ng kanyang artificial intelligence supply chain at gagawin daw bahagi ang Pilipinas nito para pagminahan ng mga critical minerals at mag-supply ng cheap skilled labor sa kanilang supply chain na panggera. Ang AI, ang teknolohiya ng AI, ang ginagamit ngayon ng US sa kanyang mga madugong gera sa Iran, sa gera ng US at Israel laban sa Gaza at sa Lebanon. At ang pangamba po natin ay ang isang pangunahing makikinabang sa pagpasa ng batas na ito ay ang mga kumpanyang Amerikano na lalahok sa Pax Silica
Kaya sa mga kadahilanan pong ito ay bumoto tayo ng NO.