18/09/2026
DSWD FEATURE STORY: Dating child laborer, magtatapos na sa kolehiyo sa tulong ng DSWD SHIELD program
Habang ang ibang kabataan ay malayang nag-aaral at naglalaro sa silid-aralan, araw-araw si Ricky na nakipagsapalaran para lamang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya. Sa kabila ng mga pagsubok at kakulangan sa buhay, hindi kailanman nawala sa kanyang puso ang pangarap na makabalik sa pag-aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan.
'Di kalaunan ay unti-unting naalis ang mga balakid na humahadlang sa kanyang edukasyon dahil sa mga interbensyon mula sa SHIELD Program.
Sa tulong at paniniwala ng mga taong nakapaligid sa kanya, matagumpay na natapos ni Ricky ang senior high school at naipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo, kung saan siya ay magtatapos na ngayon sa kursong Bachelor of Library and Information Science.
Alamin ang kaniyang buong kwento sa comments section.
❤️