07/10/2026
KAPEHAN NG KWENTO TO KILOS: “HEAR THE STORIES, FIND THE SOLUTIONS, TAKE ACTION,”
TINGNAN: Sa isang simpleng tasa ng kape, nagsisimula ang isang makabuluhang pag-uusap.
Isinagawa ng Romblon District Jail (RDJ) ang “Kapehan ng Kwento To Kilos: “Hear the Stories, Find the Solutions, Take Action,” isang inisyatiba na naglalayong bigyan ng ligtas at bukas na espasyo ang mga kalahok upang makinig, magbahagi, tukuyin ang mga suliranin, at sama-samang humanap ng praktikal na solusyon.
Pinangunahan ng Mental Health Officer, sa ilalim ng pamumuno ng Acting Jail Warden JSISNP EMELY B MALLEN, ang aktibidad na nakatuon hindi lamang sa pakikinig sa mga kuwento kundi sa paglalagay ng mga ito sa konkretong aksyon.
Sa pamamagitan ng malayang talakayan, nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na maibahagi ang kanilang mga karanasan, saloobin, at mga hamong kinakaharap. Higit sa lahat, hinikayat silang tukuyin ang mga posibleng solusyon at bumuo ng personal o pangkatang commitment na maaaring isagawa sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Ang bawat kuwento ay naging daan upang makabuo ng mga simpleng inisyatiba—mga hakbang na maaaring maliit sa simula ngunit may malaking epekto kapag isinagawa nang sama-sama.
Sa Kapehan ng Kwento, ang pakikinig ay naging pag-unawa, ang pag-unawa ay naging solusyon, at ang solusyon ay naging kilos.
Dahil minsan, ang kailangan lang upang makapagsimula ng pagbabago ay isang taong handang makinig, isang pusong handang magbahagi, at isang grupo na handang kumilos.
ang 15th BJMP Community Relations Service Month
ang Community Relations Service
ang BJMP
ang Bagong Pilipinas
For more information, kindly visit BJMP Regional Office Mimaropa page:
https://www.facebook.com/BJMPMIMAROPAOfficial
https://www.facebook.com/share/1Gvrcfi3fw/
==================================
For more updates, don't forget to FOLLOW